Chapter 18

92 6 32
                                    

Athanasia's POV

GUMISING ako nang maaga para pumasok. Nagpadala lang ako ng pagkain sa kwarto sa mga maid dahil tinatamad akong bumaba kanina. Pagkatapos kong kumain at gumayak ay lumabas na ako. Hindi pa ako nakakababa sa hagdan ay nakita ko na ang ama ko na paakyat patungo sa akin.

He looked at me and then he sighed. May nagawa ba ako? Wala naman ah, nakausap ko pa nga siya kahapon e.

Bumaba ako ng ilang baitang pababa sa kanya. Tumigil ako sa ika-limang baitang habang nasa ika-anim naman siya. Naging mas mataas tuloy akong tingnan kaya tumingala siya nang bahagya.

"Good morning po. Is there anything you wanted to tell me?" I asked. Humawak ako sa rails ng aming hagdan at bahagyang sumandal doon. Sa totoo lang ay kinakabahan ako dahil baka maparusahan ako kung meron man akong nagawang kasalanan na hindi ko pa alam. Palagi 'yong nangyayari.

"Nawawala ang isa sa mga sasakyan, ang sabi ng kuya mo ay kinuha mo. Na sa iyo ba?" saad ni papa. Napalunok ako. Oo nga pala! Yung hiniram ko, naiwan ko yata sa academy!

Ayan gala pa sa cafe Athanasia!

Atleast may kasama mag kape.

Napakamot ako sa batok. Patay!
"Ah..eh" hindi ko alam ang sasabihin. Humugot ako ng hangin.

"Ginamit ko po pag pasok, ang kaso inihatid po ako ni...ni Sirius kagabi. N-naiwan ko po sa academy" napapangiwi kong sabi. Seryoso lang ito kaya napayuko ako. Nakagat ko ang labi.

Gagamitin ko ang charm ko!
Kailangan kong umiyak!

Kinagat ko ang aking dila para masaktan ang sarili.
Naluluha akong nag-angat ng tingin sa kanya. Please maawa ka!

"P-paparusahan niyo po ba ako ulit, p-papa?" lumambot sana ang puso nya, kundi sayang ang acting ko!

Nakita kong natigilan siya saglit ngunit nakabawi rin at bumuntong hininga. Pasado ba?

Umiwas ito ng tingin.
"No, it's yours, costumize it if you want" saad niya at tumalikod na. Nag-umpisa na siyang bumaba sa hagdan. Napamaang ako sa narinig. Did my charm just worked?! Oh my!

"Salamat po dad!" saad ko. Tumigil siya sa pagbaba sa hagdan. Nagbago na ba ang isip niya? Joke niya lang ba 'yon?!

"Athanasia" saad nito ngunit hindi siya lumilingon.

"Po?"

"Call me papa, anak" natigilan ako sa narinig. Ang ama ko naman ay tumuloy na sa pagbaba sa hagdan.

Natulala ako. Hindi ako makapaniwala sa narinig. Hindi ko rin alam ang mararamdaman. Parang may kung ano sa loob ko ang gusto kong iiyak sa kanya, but I get a hold of myself. I told myself not to cry, so I didn't.

But I can't help myself to be touched by my father's word.
For the first time, he called and consider me as his daughter.

PAGDATING ko sa room ay agad nagsiayusan ng upo ang mga kaklase ko. Ang iba naman ay nagsilinis. Nakakapagtaka ang kanilang ginagawa. Hindi naman sila dating ganyan.

Lumapit sa akin ang classroom president namin. Lianne, sa naaalala ko ay iyon ang pangalan niya.
She smiled at me. This is weird. Anong nangyari sa kanila?

"Good morning pres, pinaglinis ko na sila baka makatanggap ng punishment e" napahagikhik pa ito. Punishment? Pres?

Napamaang ako sa narinig.

"Nanalo ako?" lutang kong saad. She nodded. Hindi ko iyon inaasahan. I mean, I'm a transfereree student, I had no experience, I don't have a good background from my family, then my punishment is a little bit harsh, plus they idolized Riri so much.

Premonition Of Love (Sauvetierre Series #1)Where stories live. Discover now