Chapter 17

58 8 6
                                    

Athanasia Harriette's POV

HINDI ko inaasahan na kasama pala ang shareholders sa election. Nalaman ko lang 'yon nang makabalik na ako sa classroom para magpahinga. Narinig ko sa mga katabi ko sa upuan na mamayang hapon na rin agad ang bilangan. Masyado silang nagmamadali sa ginagawa nila.

Hindi umalis si Riri sa court kahit sinabihan na kami na puwede na kaming magpahinga.

Medyo nakakapagsisi dahil nakakapagod pala 'to. Bakit ko ba sineryoso ang sariling joke? Kung ano-ano na lang ang pinapasukan kong problema.

Sumubsob ako sa armchair ko para matulog saglit kahit maingay ang classroom, hindi naman ito naging hadlang para tuluyang bumigat ang aking talukap. Hindi naman siguro ako matatagalan.

"Harriette, g-gising"

"H-harriette, nasa labas si Mr. Sauvietierre" tinig na nagpamulat sa akin. Nagising ang diwa ko pero hindi muna ako nakagalaw. Malabo-labo pa ang mata ko pero naaaninaw ko na ang kaklase kong ginigising ako. Kumunot ang noo ko sa naramdamang ngalay. Mukhang napatagal yata ang aking tulog.

"Harriette nakakatakot sya, kanina ka pa nya hinihintay sa labas"  napapikit-pikit ako sa narinig. Sa gulat ay napabangon ako bigla. Kinusot-kusot ko ang mata.

"Nasaan siya?" napahikab ako. Itinuro nya ang bintana.

"Ayun oh!" saad nito. Napalingon ako sa bintana. He's really standing there while busy fixing his long sleeves. Naipikit ko ang isang mata dahil sa sinag ng araw na sumilaw sa akin. Napakamot ako sa pisngi bago tumayo. Kinuha ko ang bag na nalaglag na pala sa tapat ko habang natutulog.

"Salamat, una na ako" saad ko. Tumango ang babae kaya ginaya ko ito bago lumabas sa pinto. Busy pa rin ito sa ginagawa kaya napangiti ako. Delikado nga.

"Hi iceyelo!" energetic kong saad. Napaangat ang tingin nito sa akin habang lumalakad ako palapit sa kanya. Ang kaninang sinag ng araw na nakita ko ay naramdaman ko ring tumatama na rin sa aking balat. I smiled at him widely.

His brown eyes became shiny because of the golden light from the sun. Hindi ko rin alam kung bakit ang bilis na naman ng tibok ng puso ko just by seeing him like this. Kumapit ako sa braso nito.

"Bakit mo ako pinuntahan? Miss mo'ko 'no?" I smirked at him. Inaasar ko na naman siya, mabuti na lang at hindi sya napipikon sa akin. Kundi baka tegi na ako matagal na.

Hindi siya sumagot bagkus ay nagsimula siyang lumakad. Nakakapit pa rin ako sa braso niya kaya nahigit niya ako. Dahil matangkad siya at hanggang balikat niya lang ako ay nagmukha akong batang nakabitin sa kanya.

Mabilis kaming nakarating sa parking lot kung saan naka park ang kotse niya. Sumakay ako sa passenger seat habang siya naman ang sa driver seat.

Teka, bakit nga pala niya ako sinundo?

"Saan tayo pupunta? Ihahatid mo na ba ako sa bahay?" tanong ko. Baka inutusan ng papa niya kagaya noong binayaran niya ang utang ko kay Xav.

Hindi siya umimik kaya sumimangot ako. Pangit talaga nitong kabonding. Really Athanasia? Bonding?

Sumandal ako sa gilid, hanggang ngayon ay inaantok pa rin ako kahit nakatulog na. Madaling araw na akong nakatulog kakaisip ng platform, bakit kase hindi nila ginawang party list ehdi sana may utusan ako. Dejokelang.

Napangunot ang noo ko. Hindi pamilyar ang daan. Saan kami pupunta? Imposible namang may shortcut papuntang bahay, e iisang kalsada ang daan noon.

"Hoy, kidnap ba 'to?" saad ko. Nagdugsong ang kilay nito ngunit nanatiling nagmamaneho. Napamaang ako, aba't talagang hindi ako sinasagot! Natawa ako sa sariling sinabi.

Premonition Of Love (Sauvetierre Series #1)Where stories live. Discover now