Previous Page of 3Next Page

Ang Manyak kong Asawa (soon to be published under LIB)

Dedicated to
gailjelpz_19
spinner.gif

Chapter 1

 

 

Lory's POV

 

("Magready ka na before 7:30 ng gabi sa Ayala Restaurant.")

 

"Date na naman?! 'Di na po ba kayo nagsawa ma?! Wala akong mapapala sa date na 'ya---"

 

Nice, binabaan ako ng phone. Tss! Hinding-hindi na ako pupunta sa date na yan! Nakakasawa na peste! Paulit-ulit na lang!

 

Muling nagring ang phone ko. Sinagot ko yung tawag. "Oh sino to?!"

 

("Bastos ka talagang bata ka!")

 

I rolled my eyes heavenwards. "Tss! Bakit ka na naman tumawag ma?!"

 

("Ipapaalala ko lang sayo na kapag hindi ka pumunta ay mawawalan ka ng allowance for a month.") Sarap n'yang sagutin! Haaay!

 

Blackmail! Nakakainis talaga! "Oo na! Pupunta na 'ko! Bwisit!" Then I ended the call. Masyado ba 'kong bastos? Hay naku, ganyan talaga. Gantihan lang kami. Pinapakialaman n'ya buhay ko eh! Edi babastusin ko s'ya! Kakabugnot kasi talaga! Simula nang mawala si papa, naging ganyan na ang nanay ko. S'ya na ang nagdedesisyon sa magiging takbo ng buhay ko!

 

Dahil na rin siguro sa pagod, hindi ko na namalayan na unti-unti na rin pala akong nakakatulog.

 

----

 

Narinig kong nagriring ng ilang beses ang phone ko. Pesteng cellphone 'yan! Sino ba ang hayop na tumatawag?!

 

"Hello?!" Naistorbo yung pagtulog ko!

 

("You're 1 hour late Lory! For God's sake! Pumunta ka na dito! Ngayon na dali!")

 

"Tss!" Ang bilis pala ng oras. 'Di ko na namalayan. Mababawasan pa tuloy ang allowance ko! Kabadtrip talaga s'ya maging nanay!

 

Dali-dali na 'kong dumampot ng kahit anong dress. 'Di na ko naligo, wala akong pakialam kung mabaho na 'ko.

 

Lumabas agad ako ng bahay at naghanap ng taxi. Nang makakita ako ay sumakay agad ako at nagpahatid sa Ayala Restaurant. Nakita ko naman agad si mama na halatang nag-aalburoto na.

 

"Sorry kung nalate ako! Nakatulog kasi ako eh."

 

Tumingin s'ya sakin ng masama."Hindi ka na nahiya Lory! Pinaghintay mo kami ng matagal! And look at yourself! Anong klase 'yang sapatos mo?!"

 

Tumingin ako sa paa ko. Tama naman yung--I mean mali yung naisuot ko. Magkaibang kulay at design na high heels. Sinadya ko 'yan eh. Anong paki n'ya?!

 

"Ma uso 'to." Napatingin naman ako sa lalaking katapat lang ni mama. Hindi naman s'ya gaanong kacute pero pwede na rin kaso hindi ko s'ya type. Napakunot naman ang noo n'ya nung makita n'ya ko. Siguro dahil sa itsura ko! Haha! Sino ba naman ang makikipagdate sa taong hindi naligo at hindi pa nagsuklay? Tapos sobrang kapal pa ng make-up to the point na muka na 'kong bakla! At yung high heels ko magkaiba! Oh diba ang astig ko?

 

Natatawa na lang ako sa expression ng muka ni mama at nung lalaki.

 

"Uhmm ehem. Alam kong maganda ako pero baka matunaw ako." Tumingin ako sa lalaki at nginitian ko s'ya ng fake. Pinandilatan naman ako ng mata ni mama.

 

"Ma umalis ka na d'yan. Magdadate pa kami diba?!"

 

Tumayo s'ya at lumapit sa'kin. "Umayos ka Lory ha?!"

 

"Oo ma." Pagkatapos kong sabihin 'yun ay umalis na s'ya. Umupo naman ako sa pinuwestuhan ni mama. Syempre kaharap ko yung lalaki.

 

"Good evening Lor---"

 

"Hindi maganda ang evening ko." Pagtataray ko sabay hawi ng buhok. Ang bongga ko talaga. "Waiter!"

 

Lumapit naman agad ang isang waiter. "Yes ma'am?"

 

"Bigyan mo ako ng lahat ng pagkain n'yo dito." Hindi naman ako yung gagastos eh kaya ayos lang. Eat-all-you-can ang peg ko dito.

 

"A-are you sure m-ma'am?" Bingi ba s'ya?!

 

"I'm absolutely sure! May reklamo ka?!" Sungit ko ba?

 

"O-okay." Dali-dali namang umalis agad yung waiter.

 

"Ano nga pala pangalan mo?" Tanong ko sa kanya.

 

"B-ben Mendrez."

 

"Ben?" Nagdilat-dilatan ako ng mga mata. "Ang panget naman ng pangalan mo!" Sigaw ko sabay hagalpak ng tawa.

 

Nagtinginan tuloy sa'min yung mga tao sa loob ng restaurant. 'Di na ko mahihiya, sanay na 'ko sa ganitong eksena eh. Mga ilang beses na ba itong nangyari? 21 times? I don't remember na eh.

Previous Page of 3Next Page

Comments & Reviews (119)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Cast

Park Tae Junas Grey Montenegro
Park Hyo Jinas Lory Mendez-Montenegro
Park So yeonas Malancy dela Cruz
Jeon Hyosungas Scarlet Sarosa
Suzy Baeas Violet Sarosa
Kim So Eunas Trisha de Varra
Jiyeonas Rialyn Mae Perez
Park Shin Hyeas Emerald Lesco
Kim Hyunaas Hannah Eroles
Lee Young Aeas Len/Lory's mother
Lee Chi Hoonas Sazer Montenegro
Park Hyung Seokas Silver Montenegro
Park Ji Hyunas Angel de Castro
Sohyun (4minute)as Delancy Montenegro

Who's Reading

Recommended