Chapter 16

54 6 8
                                    

Athanasia's POV

KINABUKASAN pagkatapos ng breaktime ay nag-announce ulit sila sa buong school para pumunta ang mga ito sa main court kung saan kami dumiretso. Dito namin ipapakita ang aming mga plano sa school. Kung saan nasa mga estudyante ang desisyon.

I'm not bothered though, I'm confident sa ginawa kong plano. Kapag hindi ako ang nahalal, then it's their lost.

Sa totoo lang ay dalawa lang kami ni Riri na maglalaban for the president position. Wala ring mga partido na naganap, kumbaga stand alone ka. Hindi masasabi na nadala ka lang ng mga kagrupo mo dahil walang grupo-grupo. Kapag panalo ka-panalo ka!

Mabilis na dumami ang mga estudyante rito sa court. Sa katunayan ay halos mapuno ito kahit sobrang laki. May mga dala rin ang iba sa kanila ng banner kung saan naka-imprinta ang mukha ng sinusuportahang kandidato. Karamihan ay puro mukha ni Riri ang nakalagay kaya napangiwi ako.

Sikat.

May kanya-kanya silang upuan na dala. Ang iba naman ay nakikiupo na lang sa tabi ng kaibigan.

May mga estudyante rin na umiikot sa mga kapwa estudyante para mangampanya. Seryoso magkano ang bayad sa kanila?

'Vote for Riri po!'

Napalingon ako sa grupo ng mga kababaihan na naglilibot habang inaabot sa iba ang photo card. Yayamanin naman ang mga followers ni Riri. Sana lahat diba?

Tahimik akong umupo sa bangko para sa amin. Minadali na ng school ang pag-vote na dapat sana ay sa isang linggo pa. Masyado na raw kasing naaabala ang mga shareholders na hanggang ngayon ay ipinagtataka ko. Bakit ba sila nandito sa academy?

Busy ako sa pag-iisip ng kungano-ano nang marinig ko ang pangalan ko.

'Athanasia po tayo may libreng hug'

Napabaling ako sa grupo ng mga kalalakihang kabataan ang nag-uuli habang may banner na hawak. Halos malaglag ang panga ko sa nakitang picture ko na stolen pa yata. Sino ang mga lalaking 'yon?

Inaninaw ko sila. Pamilyar ang bulto ng mga lalaking iyon.

"Teka sila Kyle ba 'yon?" I murmured. Sila nga! Iyong grupo ng kabataan kahapon. Iyong may member na anak ng yakuza. Napatampal ako sa noo. Mas marami sila ngayon kumpara kahapon at inililibot nila sa buong court ang banner na may mukha ko.

Hindi ko alam kung matutuwa ako o mae-stress sa ginagawa nila. Atsaka hindi ko naman sinabing may libreng hug e. Kay Sirius ko lang 'yon sinabi.

Speaking of Sirius nandoon sya sa tabi ni Riri ngayon. Inihiwalay kase ang mga shareholders at mga candidates, ang kaso shareholders din si Riri. Isa pa, siya mismo ang tumabi kay Sirius pagkatapos ay nginisian ako.

Akala niya ay panalo sya dahil doon.
Parang gusto ko munang maging shareholders ng academy.

Dahil nasa mood na ako ulit ay inayos ko ang buhok ko into a pony tail habang may mga naiwang buhok sa gilid ng aking mukha. Inayos ko rin ang gusot ng aking damit. Pagkatapos ay inilabas ko ang kuwintas na nasa loob sana ng aking damit.

I looked at her smirking. Nakita ko pagtingin niya sa kuwintas at panlalaki ng mata nya. Based on her reaction, alam niya kung ano ang ibig sabihin ng kuwintas. Nasa akin ang pabor ng mga Villacano kahit malapit pa sya sa kanila. Nasa akin ang necklace heirloom.

Dahil sa inis niya ay hinawakan niya ang braso ni Sirius na ikinataas ng kilay ko. Ginagaya niya ang ginawa ko doon sa office.

'Hala tingnan mo ang cute ni Sirius at ni Riri!'
'Sabi na e, bagay sila'
'I heard that he's already engage dun sa transfereree.'
'I think he didn't want it, tingnan mo at mas bagay talaga sila ni Riri'

Premonition Of Love (Sauvetierre Series #1)Where stories live. Discover now