Chapter 14

61 7 8
                                    

Athanasia's POV

NAG ring ang bell, hudyat na breaktime na kaya nagsimula na silang lumabas para kumain ng snacks pero hindi iyon ang cravings ko for today, ang gusto ko ay matulog.

Nag-inat ako at marahas na bumuga ng hangin. Inaantok ako kaya matutulog na lang ako sa garden.

Tumayo ako at isinakbat ang shoulder bag na may lamang bato. Maliit lang ang shoulder bag ko sakto sa isang bato na kasing laki ng kamao ni Sirius. Naisipan ko kasing magdala para hindi na ako makipagsagutan kapag may humarang ulit sa akin. Hindi ako makapagdala ng anything na metal dahil kukumpiskahin iyon at kukunin ng mga guard kaya bato na lang para di ma-detect. Isang hampas tulog agad! Omg I'm so brainy. Just kidding, wallet lang ang laman nito na may mga asul sa loob.

Nakita kong lumapit si Riri sa amin at ngumiti kay Sirius. Aba, gusto yatang ma-sampolan! Pero hindi puwede, baka barilin na lang ako rito kapag ginawa ko 'yon. 'Princess' pa naman siya rito. Hindi lang 'yon, baka makick-out ako rito ehdi tapos ang isang milyon ko kada buwan.

Pero hindi ako papakabog kahit ganoon. Kumapit ako sa braso ni Sirius na ikinalingon nito sa akin. Pinatamlay ko ang mata para magmukhang masama ang pakiramdam, pagkatapos ay yumuko ako habang nakabitin sa braso niya. I feel that he's staring at me intently kaya napakagat labi ako nang lihim.

"H-hey miss, what are you doing? Can't you see he's not comfortable and who are you to do that? Aren't you embarrassed?" nag-aalalang saad ni Riri kaya napalingon din ang iba. Medyo nilakasan niya kase ang boses. Grabe ba.

'Luh sino ba 'yan?'
'Oo nga, ba't nakahawak sa braso ni Sirius?'
'Bida-bida'
'Diba hindi nagpapahawak si Sirius?
'Oo, itutulak niya 'yan hintayin na'ting mapahiya!'
'Si Princess Riri nga hindi niyan pinapagayagan humawak sa kaniya'
'Gurl, kahit sino!'

Talaga? Eh bakit hindi niya ako itinaboy kanina?
Pero gusto ko talagang asarin ang babae.

"Hubby, I'm sleepy" arte ko pa kaya narinig ko ang pagsinghap sa paligid. Kalakasan pa nga ang kay Riri.

"What is this Sirius? Akala ko ba ayaw mong hinahawakan ka? W-who is she?" takang-taka na sabi nito na ikinangisi ko nang palihim. She sounds mad. Very mad. Iniangat ko ang tingin sa kaniya.

Aww Baby, I'm the only exception.

"My fiancee" tipid na sagot ni Sirius sa malamig na boses na ikinasinghap niya ulit. Pati ng mga chismosang frog. Kahit ako ay nagulat na inamin nya iyon pero napangisi ako nang makarecover.

Panalo talaga pag hindi dini-deny.

'May fiancee na sya?!'
'Hala, paano na ang SiRi shipper?'

Ehdi lubog. Siriuso (Seryoso) tinatanong pa ba 'yan.
Lipat na kayo sa Athrius. Papalayagin ko mwehehehe.

Lumingon ako kay Sirius at muling hinigit ang sleeves ng suot nya. He looked at me and sighed.

Naglakad na si Sirius palabas habang nakahawak parin ako sa braso niya. Pagkalabas na pagkalabas ay agad akong bumitaw sa parteng wala ng tao. Ngumiti ako sa kaniya nang matamis pero wala siyang reaksyon. Yelo pa rin.

"Sige na mapuslit muna ako, bye iceyelo!" saad ko at kumaway-kaway habang naglalakad palayo.

Nakasunod lang siya ng tingin pero kalaunan ay tumalikod na rin ito. Tumalikod na rin ako para pumunta sa garden dahil talagang antok na antok na ako.

SARIWANG hangin ang sumalubong sa akin pagpasok ko sa mini gate ng garden. Pati garden ng school ay halatang may pondo sa ganda nito. May iilan ding couple na naglalakad-lakad kaya napangiwi ako. Sakit sa mata.

Pumunta ako sa malayo-layo nang kaunti sa mga tao pagkatapos ay umupo bago sumandal sa isang malaking puno. Malambot ang mga damong inuupuan ko. Maganda ang spot na ito. I can hear the wind that is smoothly and gently touching my skin. Peace, this is what I need.

Premonition Of Love (Sauvetierre Series #1)Where stories live. Discover now