Chapter 9

52 6 6
                                    

Chapter 9: First day of School

Athanasia's POV

ITO na, dumating na ang araw na pinakang ayaw ko. Ang unang araw ng pagpasok ko sa academy na pinagk-kuwentuhan lang namin nila Snow noong nakaraang linggo. Hindi ko alam kung bakit ang kapalit ng agreement ay ang pagpasok ko sa academy, kapalit ni Helena.

Kung tutuosin ay tapos na ang pag-aaral ko. I was homeschooled. XNag hire lang sila noon ng tutor para sa akin dahil hindi nila ako hinahayaang lumabas. It was because of Helena. Hay, ang araw na ayaw ko nang balikan.

Pero nandito ako ngayon at nagsusuot ng uniform nila. Hindi nakakatuwa lalo na't napakaraming tao doon. Isa pa ay hindi ko pa alam ang dahilan kung bakit ayaw ni Helena na bumalik sa academy. Para siyang may kinakatakutan. Kailangan ko iyong malaman, baka mamaya naging pain na nila ako.

*tok *tok *tok

"Lady Harriette, ihahatid ka na sa academy" magalang na saad ng dating maid kaya napangisi ako. Marunong naman palang magtanda ang mga ito. Mabuti, mapapasunod ko na sila kung ganoon.

"Susunod ako" saad ko bago dinampot ang bag. Kasama ito sa ipinabili ko sa isang katulong. Tinatamad kase akong lumabas.

Pagbaba ko ay nakaupo silang lahat sa sofa. May meeting yata sila at wala na akong pakealam doon. Lalabas na sana ako nang tawagin nila ako.

"Harriette, do your best not to embarrass this family" saad ni Mom. Napangiti ako at lumingon sa kanila.

"Anong kapalit?" ngisi ko. Napasinghap si Helena at napakunot noo naman ang iba. Aba, kailangan malaki ang maging benefits ko rito. Nakakatamad kaya ang pumasok.

"What do you mean? The engagement is the agreement right?" saad ni dad. I smirked. Umiling ako, hindi ako papayag na iyon lang. Bakit hindi nila papasukin si Helena?

"No, I want more" pabalang kong saad na ikinagulat nila.

"Hindi, that's enough" my mom said. I raised my brow at them. Really?

"Okay then, I better not go to that academy" saad ko at umatras pabalik sa kuwarto. Nakita ko ang pag hawak ni Helena sa braso ni mom at dad.

That's it, I won ... In one, two, three ...

"Fine, what do you want?"  bored na saad ni dad, madaling kausap.

"1 million every month" usal ko.

"But–" saad ni mom pero hindi na siya nakapalag nang sumagot si dad.

"Fine, just go to that academy and replace Helena" mabilis akong tumango at kumaway sa kanila.

What is your secret Helena?

"Bye mom, dad and siblings!"  ang saya ng umaga ko, easy money. I didn't bother to ask a million, why? The Moon's family is earning a hundred millions a month, so why bother? I'm part of that family, so I have the rights towards them. A deal is a deal.

"Nandito na po tayo, Lady Harriette" napairap ako nang malamang papasok ako sa academy na pinakang ayaw ko. May bakas pa rito ni Helena, haist.

Bumaba ako sa kotse at walang pasabing pumasok sa gate. Hindi na ako pinigilan ng guard nang makita ang family logo sa may dibdib na bahagi ng uniform.

Cool na ba akong tingnan?

Napakaraming estudyante ang bumungad sa aking pagpasok. Napakaingay!

Pero mabuti na rin iyon dahil hindi nila ako napapansin.
That's what I thought.

"Look who's here, the second lady of the moon family or should I say the unfavored one?" nakangising saad ng babaeng bigla na lang sumulpot sa harap ko, kabute.

Premonition Of Love (Sauvetierre Series #1)Where stories live. Discover now