Chapter 6

58 6 6
                                    

Athanasia Harriette POV

"FUTURE mo" boom ten points para kay Athanasia Harriette!

Sadly, wala man lang naging reaksyon si Sirius. He maintained his serious face. Pero kahit na, may ten points na ako. Hindi ako magpapatalo.

"Nakakatuwa ka iha" saad ng ginang. Oh diba, happy pill na ako ng mama niya. Twenty points for me, mwehehe! Ngumiti lang ako ngunit hinigit ako ni kuya Cloud at itinago sa likod niya. Aalma sana ako para mag-reklamo pero sinamaan niya ako ng tingin.

"Pagpasensyahan niyo na siya, baka hindi lang siya nakatulog nang maayos kagabi" yumuko pa si kuya Cloud saglit bilang pag-hingi ng tawad. Para namang ang laki ng nagawa ko eh wala ngang reaksyon ang yelo na 'yon.

"No it's fine, I think it's better for them to be close with each other" saad ng ama nito gamit ang seryosong boses. May pinagmanahan pala ito e.

Nang lumingon sa akin si kuya ay tinaasan ko siya ng kilay. Ano ka ngayon?! Hah!

"Still, her behavior is not right, we're sorry" now it's ate Helena. She smiled sweetly kaya napa-irap ako sa hangin. Ang laki ng issue nila. Grabe 'yon!

Humawak ako sa beywang at tumalikod sa kanila.
Wala naman na akong gagawin e, hinarangan na nila ako para hindi makalapit sa kaniya. How can I make a move na? Naman eh! Sagabal sila sa plano ko.

Mamamatay na nga siguro ako. Joke lang, marami pa akong plano. Hindi ako papayag na hindi maganap 'yon.
Kung maglayas na lang kaya ako? Wala akong mapupuntahan, isa pa pinutol nila ang allowance ko. Ang sama talaga nila, paano na ako yayaman niyan?

Magagawa ko rin iyon, kailangan ko muna ng mas magandang plano.

"Saan ka pupunta?" Napalingon akong muli sa kanila nang mag-salita si Rhyme.

"Uupo na? Nakakangalay e" pabalang kong saad. Mabilis kong na-realize ang sinabi kaya natuptop ang bibig ko. Wrong move, Athanasia!

Hindi na ako magtataka kung bigla akong barilin na lang dito. Mas mapapadali pa yata ang kamatayan ko dahil sa mga salitain ko.

Nakahinga ako nang maluwag nang tumawa ito. Pero napalunok ako, si Rhyme tumawa? Sa totoo lang, mukha siyang hindi gagawa ng krimen dahil doon pero ... Hindi dapat ako mag-palinlang. Mga may sa chameleon ang mga tao rito. Mga mapagkunwari.

Parang ako lang.

"Ang cute mo" natatawang usal nito. Tinaasan ko ito ng kilay. Anong meron sa kaniya? May mali e.

"Alam ko 'yon matagal na, haist, pero huwag mo namang ipag-kalat" saad ko nang may papikit-pikit pa. Napatigil ako nang makita ang pag-taas ng isang kilay ni Sirius. Napakataray ng lalaking ito. Nginitian ko ito nang matamis. Kapag hindi pa ito na-fall, ewan ko na lang.

Napansin ko ang pagsama ng tingin ng pamilya ko sa akin maliban kay Althea. Lihim itong nag thumbs-up sa akin at mahinang pumalakpak. Bigyan ko kaya ito ng top fan badge?

"Anyways, happy birthday iha" saad ng ginang kay Helena. Ngumiti ito at yumuko nang kaunti.

"Maraming salamat po Mrs. Sauvietierre" sabi nito. Walang-wala talaga ako sa kabaitan at galang niya.

"Good evening ladies and gentlemen, we're here to gather and celebrate the birthday of the first lady of the Moon family" napalingon kaming lahat sa mc nang magsalita na ito. Ngumiti naman si mom at inayos ang buhok ni Helena. Nagpasalamat naman ito bago pumunta sa back-stage kung saan siya aakyat.

"Please welcome, Anastasia Helena Moon. Around of applause everyone!" energetic na sigaw ng mc. Seryoso, magkano ibinayad sa kaniya? Mapatawag lang din ako.

Premonition Of Love (Sauvetierre Series #1)Where stories live. Discover now