Chapter 5

63 6 13
                                    

Chapter 5: Banquet

[Athanasia's POV]

I WORE the navy blue evening dress sequined empire off shoulder na utang ko pa kay Xavier. Alam kong makikita ko siya mamaya pero hindi na muna ako magbabayad dahil hindi ako nakauwi.

Dumaan lang ako sa comfort room ng venue para makapag-palit. Nag wacky pa ako sa salamin bago ngumisi. My dimple appeared and my eyes became small, kaya sumeryoso ako bigla. Ang cute ko naman.

Itinaas ko ang buhok at nagpuyod ng bun, wala naman kasing gagawa at isa pa kaya ko naman. Independent yata ito!

Naglagay rin ako ng kaunting hibla ng buhok na nakalaglag. Muli akong tumingin sa salamin at shesh baka sarili ko na lang talaga mahalin ko. Di joke lang. Kumindat pa ako sarili sa salamin kaya natawa ako sa sarili. Kasiyahan ko na ang sarili ko, kabahan na kayo!

Lumabas ako at dumiretso sa itaas, sa second floor kung saan magaganap ang birthday celebration ni Helena-ate Helena. Sa elevator ako dumaan, alangan namang sa hagdan. Eh-di pinahirapan ko lang sarili ko no'n.

I made it to the entrance quickly. Nasa labas pa lang ako ay halatang engrande ang ganap. May mga staff din kahit sa labas.

"This way ma'am" salubong ng usher. Taray, parang 'lead me the way' lang ang pormahan ko. Tumango lang ako, kunwari behave ako. Sabagay ang bait ko kaya.

Naglakad ako papasok ng entrance. At dahil late na nga ako ay naagaw ko ang atensyon ng karamihan. Agad namang kumuha ng mga litrato ang mga reporters for publication. Famous kasi ang pamilyang ito, like sana all part ng family. Ayaw ko na pala silang maging family, ang pangit kase nilang ka-bonding.

Nakita ko ang table namin sa hindi kalayuan. Nagsisimula na rin silang kumain. Napakadaya, hindi man lang ako hinintay. Ay wait, sino nga ulet ako rito?

"Ate Harriette dito!" tumayo si Althea at sinalubong ako.
Nalimutan kong hinihintay niya nga pala ako. Nalimutan ko din ngang may kapatid ako eh.

Dahil sa pag-tawag niya ay umingay ang paligid. Mga bulungan ng isa't-isa ang pumuno sa buong venue.

"She is Harriette?"
"Yeah, I think so"
"She looks different"
"Yes, I agree"
"Diba 'yan yung black sheep sa family nila?"
"Oo, masama 'raw ugali niyan"
"Agree, ilang ulit na niyang pinahiya si Helena"
"I like her dress though"
"Ganda"
"Maganda nga, masama naman ang ugali" rinig kong bulungan ng mga tao pag pasok ko. Hindi ako na-inform na ang dami ko palang fans. Should I build my own fanclub na ba? Yes, I think.

"Ate, ang ganda mo!" kumikinang ang mata ni Althea paglapit sa akin. Kalma bhe, ako lang ito. Nginitian ko lang siya, masyado naman niya akong pinupuri baka hindi na ako makatulog niyan.

"Doon tayo sa table natin" excited nitong sabi at hinawakan ako sa braso. Naglakad kami papunta sa table namin na naka-agaw ng atensyon ng pamilya ko. Wews, pamilya ko.

Nakita ko ang pag-maang ni Helena. Nagtataka ang buong mukha nito bago niya ako pinasadahan ng tingin. Mula ulo hanggang paa at pabalik. Scanner yarn?

Nakasuot siya ng kagaya ng sa akin pero kulay pink iyon habang navy blue na mas lamang ang black naman ang sa akin.

Ang kaibahan lang ay bukod sa kulay ay fully paid ang kaniya, samantalang utang ko pa ito sa Xavier na iyon. Haist, may kapareho na nga ng design, may utang pa.

"Good evening mom and dad and siblings" I smiled sweetly. Mas matamis pa sa asukal. Napahawak si Helena sa lamesa at tumayo.

"Paanong ...W-wait, bakit hindi mo sinuot ang ipinadala kong gown sa'yo?" napalitan ng malungkot na expression ang mukha niya. Ang bilis lods ah!
Napa-angat ang tingin ni kuya Cloud sa akin at kumunot ang noo.

Premonition Of Love (Sauvetierre Series #1)Where stories live. Discover now