Chapter 3

59 6 16
                                    


TUMAAS ang kilay ng aking ina at tumikhim bago nag patuloy sa pagkain. Ngumiti naman si Althea na kanina ay tahimik lang na kumakain.

"Ate Harriette upo ka na!" masigla nitong sabi. Ngumiti rin ako at naglakad papunta sa upuang katabi ni Althea.

"Ang sabi ni papa kanina ay papasok ka na ulit sa akademya sa susunod na linggo, umiwas ka sa gulo at itigil mo na ang pagpapahiya sa pamilya natin, Harriette" sabi ng nakatatanda kong kapatid na si kuya Cloud. Masasaktan na sana ako kaso naalala kong may gagawin pa ako kaya huwag na lang. Sayang sa oras.

"Opo kuya, makaka-asa ka!" nag thumbs-up pa ako sa kaniya. Kailangan kong makuha ang loob nila, isa pa ay mahahalata nila na may kakaiba sa akin kapag nailabas ko ang saloobin. Mayroon pala ako noon, akala ko trippings lang.

Kumunot ang noo nito. Maging si Helena, mama, at papa ay napatingin din sa akin. Nginitian ko lang sila. Sigurado akong hindi nila mahahalata dahil first time ko iyong nagawa.

"Huwag mo 'ring isiping gawan ng masama si Helena, hindi kami magdadalawang isip na ikulong ka ulit sa kwarto mo" saad ng ina ko at napailing-iling na sumubo ng pagkain. Nakita ko naman ang pag-angat ng kamay ni Helena. Dumapo iyon sa kamay ni mama.

'Wews, holding hands yarn?'

"Mama, alam kong hindi niya sinasadya 'yon" nag-aalalang turan nito at bahagya yumuko. Parang biglang uminit ang ulo ko sa narinig. Nakita ko rin ang pasimpleng pag-irap ng mata ni Althea. May kakampi pala ako rito.

Kinagat ko ang labi at yumuko.

"Sorry ate Helena, at salamat rin sa pagtatangka mong tulungan ako" pinahinhin ko rin ang boses sa pagsasalita. Hindi ako nahihibang o walang-alam. I'm just playing with her games.

"Tama na iyan, kumain na kayo" napalunok ako sa baritonong boses ni papa. Isa pa ito, nakakatakot siyang mag-salita parang laging galit. Easy ka lang, pa.

Nagsimula naman akong kumain, nagugutom na rin kasi ako. Puro preservative ang kinain ko noong mga nakaraang linggo kaya naman ganado akong lumamon-este kumain.

"Iha, your birthday is near. I want a grand banquet to be held here" my mother said. Hindi talaga nila kayang manahimik habang kumakain eh no? Alam ko namang kating-kati na silang ipa-mukha sa akin na hindi ko pa iyon nararanasan. Ang dumalo sa banquet na ako ang dahilan. Palagi akong dumadalo kapag may ganap dito pero hinding-hindi ko pa naranasan na ako mismo ang celebrant. Bakit? Kase ipapahiya ko lang 'daw' sila. Iyon ang sabi nila.

"Hindi naman po kailangan, a simple banquet will do basta all of my friends are invited" mahinhin na saad ni Helena at bahagyang ngumiti sa amin. Alam naman niyang hindi papayag si mama, at sa dami ba naman ng kaibigan nya ay hindi iyon magiging simple. Kaibigan niya ang halos lahat sa mga anak ng kumare at kumpare nila mother and father. Halerrr.

"No, we insist. Anong theme ang gusto mo?" sabat naman ni kuya Cloud. Ganoon talaga, prinsesa  iyan ng pamilya, Harriete. Nakaka ... nakaka-inggit pero keri lang, sanayan lang 'yan.

"S-salamat po kuya"

At ayon nagdaldalan na sila tungkol sa gaganaping banquet. Sa makalawa na kase iyon at knowing them, alam na alam ko nang natatakot silang ipahiya ko sila tuwing may party or whatever. Samantalang hindi ko naman sinasadya at aksidente ang nangyayari. Well, aksidente nga ba?

Sa pag-iisip ay hindi ko namalayan na tapos na silang mag-plano.

"So, it's settled now. I bet it'll be amazing" malawak ang ngiting saad ni mama. Sige po, sabi mo e.

"Of course mom, you and kuya planned it" ngiting saad ni Helena. Hello, nandito pa po kami! Lumingon sa akin ang aking ina kasabay ng pag-laho ng ngiti nito. Kaya ako'y yumuko bago palihim na umismid.

"Oh by the way, we will invite Sirius and his family. Please don't show yourself to them" napalingon ako sa kanila nang marinig ang sinabi nila. I don't have any intention but that's my fiancee for pete's sake. I been admiring that man for years and he didn't even know that I exist. I have been chasing him privately but now, I don't know.

Nakita ko siya sa vision ko, he didn't even look at me but still he commanded them to kill me because of some reason. Lahat sila ay naroon, pati ang kapatid niya at ang mga lalaking sinda Xavier, Hades, at si Rhyme na kapatid niya. Lahat sila ay magkaka-isa para patayin ako!

I pleaded my father, I told him that I want Sirius to be my fiancee. Of course everyone is against it pero nag-pumilit ako at nag-bigay ng kondisyon. Papasok ako sa akademyang dapat papasukan ni Helena kapalit ng pagiging fiancee niya. Ngunit ngayong nalaman kong isa siya sa dahilan ng kamatayan ko, nagsisisi na ako.

Should I cancel the agreement or make him fully mine?
Argh, I can't take it anymore! I think I should cancel the agreement now. Kailangan kong maka-isip ng magandang paraan.

"But he is my fiancee, if I'm not allowed to show myself to him, I will now cancel the agreement" iyon ang mga salitang kusang lumabas sa bibig ko. I saw how my father glared at me. Napakagat labi ako sa tensyon na nararamdaman. Hindi dahil natatakot ako kundi para mapigilan ang pag-ngiti sa nangyayari. Mas maganda ngang ideya na ma-cancel na iyon.

"But in exchange of that, you will stop going to the academy anymore" I saw how Helena turned pale. Hindi ko alam kung bakit siya namumutla. Para siyang kinakabahan na hindi ko maintindihan. Kumunot ang noo ko sa kaniya.

"You are backing out now?" my father's baritoned voice ecoed through the whole room. He's now standing habang ang mga kamay ay nakapatong sa hapag. He looks scary,  honestly.

"But father, how about me?" napalingon ang ama ko kay Helena at napahawak sa noo niya na para bang nam-mroblema siya sa aming dalawa. 'Yan, anak pa!

"No, Harriette. The engagement must continue. Mr.  Sauvietierre will be mad at our family and he already signed the contract and invest big time in our company" my father said. Napalunok ako sa narinig. Nakapag-invest na agad ang papa ng lalaking iyon sa kompanya namin?! Paano na ako nito?

"You will meet Sirius at the banquet. I'm giving you permission to show yourself to him just don't cancel the agreement"

No! This can't be!

Premonition Of Love (Sauvetierre Series #1)Where stories live. Discover now