Chapter 1

68 5 10
                                    

ATHANASIA HARRIETTE POV

KAILANGAN ko ng plano! Dali-dali akong tumakbo sa lamesa ko at kumuha ng mga pahina ng papel. Hinablot ko rin ang panulat at nagsimulang magsulat. Mabilis at madiin sanhi ng pagkagusot nito. Kaya kumuha ulit ako ng isa pa at naluluhang nagsulat ngunit muli, napatakan iyon ng luha ko kaya't mabilis akong kumuha ng isa pa.

Hindi ko mapigilang maluha habang nagsusulat ngunit nauuwi sa gusot o di kaya ay pagkapunit ang mga papel kaya napasigaw ako sa inis.

"Hindi, hindi puwede!" sigaw ko, ibinato ko ang ballpen at napasandal sa kama habang humihikbi. Ngayon ko lang nararamdaman lahat ng mga pasakit nila. Para itong ume-echo sa utak ko.

"Ate! Ate, anong nangyayari?" naririnig kong sigaw ni Althea pero hindi ko siya sinagot. Na bapblangko ang isip ko at hindi ko na alam ang gagawin ko. Gusto kong saktan ang sarili ko.

'Nagsisisi ako, nagsisisi ako na binuhay pa kita!'
narinig ko ang boses ni mama kaya napatakip ako ng tainga habang humihikbi. Tumingin ako sa pintuan ngunit walang ibang anino doon kundi ang kay Althea. Ibig sabihin ang tinig na iyon ay nasa isip ko lamang, kaya napakagat labi akong umiling.

'Harriette, you're my most unwanted part of my life' ani ng isang boses. Napasabunot ako nang marinig ulit ang tinig. No, don't listen to it. Athanasia, it's not true. Please!

'Why don't you be like Helena?' napaiyak ako sa muling narinig. No, Naalala ko na, it is not just in my head, it was my memory. It was my past experiences.

'You're a disgrace' I heard my brother's voice.

"T-tama na!" hikbi ko habang pinupokpok ang ulo. Nararamdaman ko ang sakit niyon ngunit hindi pa rin umaalis ang boses na aking naririnig.

"Ate, please calm down!"

'Why did you pushed her, Harriette?!'

'Bakit mo siya itinulak sa hagdan?!'

'Papatayin ka nila' a creepy voice intruded. Bumilis ang pag-hinga ko. No! this is not happening! It's just my illusion. Ipinilig ko ang ulo upang labanan ang mga naiisip.

'You're grounded for one week straight'

'You're grounded for one month Harriette!'

'Sa dark room niyo siya dalahin!'

'Who's the loser now? Huh, Miss Moon?'

"Please stop!" umiiyak kong saad. My whole body is heating and my head hurts. I tried to stay calm but it's not working. I'm still hearing memory and voices.

'Run!'

'Let's leave her through that wild forest'

'I'm gonna go to Cai, tie her real tight"

'Helena is better!'

"Stop!" I yelled before the darkness invaded my whole senses.

THIRD PERSON POV

"IBIGAY n'yo ang susi sa akin ngayon din!" singhal ni Althea sa mga maid na dumaan sa hallway ngunit yumuko lamang ang mga ito.

"Hindi po maaari, mahigpit na ipinagbibilin ng inyong ama at ina na huwag siyang palalabasin ng kanyang kuwarto" saad ng mayordoma. Nakataas ang noo nito na tila siya ay may mataas na lugar sa pamilya.

"Ano?! Ikukulong na naman nila si ate Harriette ng isang linggo?! Hindi puwede! Akin na ang susi!" hysterical na sigaw ni Althea na narinig ng kararating lang na si Helena. Pupunta sana ito ng hardin ngunit narinig niya ang sigawan.

"Anong nangyayari dito?" tanong nito na ikinagulat ng mga maids kaya't yumuko silang lahat. Mahinhin itong lumakad papalapit sa puwesto nila Althea at ng limang maid.

Premonition Of Love (Sauvetierre Series #1)Where stories live. Discover now