Hapag-Kainan

11 0 0
                                    


May kasabihang... huwag mong iiwanan ang pagkain mo hanggat hindi mo pa nauubos.

Madaming matatanda ang naniniwala sa kasabihang 'yan. Pwede siyang pamahiin pero bilang respeto na rin kasi iyon sa pagkain.

Para saan ba ang mga pagkain na iniwanan? Sa mga hindi pa kumakain? O sa...

*****

8:27 PM. Huli na naman akong kakain sa 'min, nasanay akong hindi sumasabay sa kanila sa hapag-kainan dahil puro pampupuri lang kay Elle ang bukang bibig nila-samantalang sa 'kin ay sermon. Pagka-baba ko ng kusina ay saktong katatapos lang nilang kumain.

"Kumain ka na, ngayon ka lang bumaba." ani Mama nang makita niya ako sa hagdan. "Opo." tugon ko. Bumaba na ako diretso para kumuha ng kutsara't tinidor tsaka na rin ng plato. Umakyat na si Elle sa kwarto niya habang si Papa ay nasa garahe.

Nakapag sandok na 'ko ng kanin at umupo. Nilagay ko muna pala 'yung cellphone ko sa sala kasi chinarge ko pa, lowbatt kasi mag-damag kong ginamit 'yon. Hindi compatible 'yung saksakan ko sa kwarto, sinabi ko na iyon kay Mama, sabi niya naman ay ipapa-renovate nalang raw ang kwarto ko next month.

Nakaka-ilang subo pa lang ako sa kanin nang may tuwag sa cellphone ko. Tumayo naman ako at astang kukuhain sana 'yung cellphone, kaso hindi pa 'ko nakakalayo ng hapag-kainan ay pinigilan ako ni Mama.

"'Wag mong iwanan 'yang pagkain mo." aniya.

"Kukuhain ko lang po 'yung cellphone ko, Ma. May tumatawag po kasi," sagot ko naman.

"Ako na ang kukuha, ma-upo ka diyan."

Agad naman akong nagtaka sa aksyon ni Mama. "Ma, bakit bawal kong iwanan 'tong pagkain ko?" curious kong tanong kay Mama habang nag-huhugas siya ng plato. Usually, hindi ko natatapos ang mga kinakain ko at tinatakpan nalang 'yon, kinabukasan naman ay makikitang kong ubos na 'yung kinainan ko. Akala ko kinakain ni Elle kasi sayang.

"Pinagsabihan din ako ng Tita mo dati. Sabi niya; iniwan niya rin daw ang pagkain niya dati, habang nagbibihis siya, may narinig siyang kumakain sa kusina. Parang sineserve mo raw ang hindi mo ubos na pagkain sa mga patay." pag-kuwento ni Mama, dahilan para matahimik ako at bumalik sa pagkain.

Hindi ko alam kung panakot lang 'yon ni Mama dahil madalas akong 'di nakakaubos ng pagkain. "Eh, Ma, lagi naman akong 'di nakakaubos nang pagkain?" tugon ko kay Mama. Dahan-dahan siyang lumingon sa 'kin at tinigil ang paghuhugas ng pinggan. "Huwag mo 'kong lokohin, Cha. Ako naghuhugas ng iniwan mong plato sa mesa tuwing umaga." ani Mama.

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Mama. Tandang tanda ko pa na hindi ko inuubos 'yung pagkain ko tuwing mag-isa nalang ako sa hapag-kainan kaya naaabutan kong wala nang laman 'yung plato ko sa umaga. Nagsi-tayuan ang mga balahibo ko.

"Seryoso ka, Ma? Akala ko kinakain 'yun ni Elle?" paninigurado ko. Tumango lang si Mama bilang pag-sagot sa tanong ko.

Kung ganoon... Sino'ng kumakain no'n?

Madali kong inubos ang pagkain ko para umakyat sa taas. Nagplano ako na mamayang madaling araw, kakain ulit ako at hindi 'yon uubusin para makita kung sino ang kumakain nang tira-tira ko. Pwede naman si Papa, 'di ba?

-

"Bitawan mo 'ko! Tulong!" sigaw ng babae sa pinapanood kong movie. Shake, rattle & roll. 2:15 na ng umaga at ito ako, nanonood sa laptop habang naka-upo sa higaan. naka-patong 'yung laptop ko sa unan na nasa hita ko para makanood ako nang maayos.

"Ha... Gutom na 'ko," bulong ko sa sarili. Naalala ko 'yung plano ko kanina kaya bumaba ako sa kusina. Halos ang ilaw lang talaga sa hapag-kainan ang nagsisilbing liwanag sa baba namin. Sanay naman ako sa dilim kaya hindi big deal 'yon sa 'kin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 20 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hindi MawariWhere stories live. Discover now