Angel's Eyes (one-shot story)

82 2 0
                                    

Her POV*

"Takbo!" sigaw ko. Hahahaha!

"Huy!! Bumalik ka dito." sigaw ng janitor ng school.

Hihihi. Tinumba ko kasi yung timba dun sa nililinisan niyang hallway.

Tumatakbo ako na nakaharap sa likod. Baka kasi hinahabol ako mg janitor.

Wahahhaha! Ansaya!!

BOOGSH!

"Ouch!" daing ko. Napaupo ako dahil may nakabangga sakin. Ansakit ng pwet ko.

Pag-angat ko ng ulo ko, may nakita akong anghel. Putcha! Ang gwapo men! May pagkatsinito pero naka-poker face lang siya. Nakapasok amg dalawng kamay niya sa bulsa. Ang hot! May bonus pa, ang tangkad. *drools*

Yieeee! Type ko toh.

"Psh. Wag ka ngang tanga." siya tapos nilagpasan ako.

"Anong tanga? Gago ka ah! Ikaw kaya nakabangga sakin." Napahinto siya sa paglalakad. Lumingon siya sakin.

"Sino ba hindi tumitingin sa dinadaanan niya?" iritadong tanong niya.

Ako. Wiiih! Tanga nga.

"Tss.. Tulungan mo nalang akong tumayo."

"Ayoko nga." naglakad na siya palayo ulit.

"Huy walangya ka! Type kita! Mapapasakin ka rin." sigaw ko. Huminto siya pero hindi lumingon. Tapos umalis na. Ang gulo!

Yieee! Gwapo talaga!

Ako nga pala si Jaz Creer. JC for short. 2nd year student sa course na IT. Ahm..... ano pa ba? Bad girl? Ahm... boyish kumilos. Type yung lalaking kaadaan palang. Yun lang. Wag na kayong mangealam, di niyo naman buhay toh.

Papasok na sana ako nang room namin ng may nakita akong hindi kaaya-aya.

Hinalikan ni Sunshine ang boyfriend ko.

"Liam baby, let's go." narinig ko pang sabi niya kay Liam.

Patay ka saking bata ka! Ay teka. Liam pala pangalan ng boyfriend ko? Oh well.. Saktong may dumaan sa harapan ko na classmate ni Sunshine. Tinanong ko kung anong next subject at kung saang room siya papasok ngayon.

Chewing gum and Choc'o powers, get ready for we will fight for Liam mylabs!

*★★

Naglakad na ako papunta sa room na sinabi nung classmate ni Sunshine. Buti nalang wala pang tao.

Sosyal! May pangalan pa mga upuan nila.

Lumapit na ako sa upuan ni Sunshine at linagyan ko bubble gum ang sandalan at binuhos ko yung Choc'o sa upuan. Tignan natin kung lalapit ka pa mamaya kay Liam pagkatapos nito.

LUmabas na ako ng room. Sakto namang papasok na ang mga estudyante.

Hihihi! Dito lang muna ako. 10 minutes lang naman.

Dumating na si Sunshine kasama ang mga alipores niya.

"I told you girls. Mahuhumaling si Liam sakagandahan ko." Sunshine

Yuck! Conceited bitch.

Pumasok na sila kasunod ang professor nila. Tumambay ako sa labas at nagkunwaring nagtetext.

Tinawag na sila isa isa para sa attendance.

"Sushine dela Cruz?" Tawag nung prof.

"Present sir." Sabay tao. Biglang nagtawanan ang mga estudyante. Nakadikit kasi chewing gum sa buhok niya tsaka basa pwet niya. Tumakbo na ako palayo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 21, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Angel's Eyes (one-shot story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon