Prologue - The Start

927 21 1
                                    

January 2023

Tom Lennard Sanders just finished taking a bath. Alas-otso na ngayon ng gabi, at naghahanap na siya ng kanyang susuotin sa pagtulog. Nakabukas ang tv sa harapan niya, at nakalagay ito sa balita. Hindi niya tuloy maiwasang makinig rito habang nagtutuyo at pinupunasan ang kanyang buhok.

"Private scientists sa Tagaytay City, nakahanap na nga ba ng paraan para mas madaling maka-recover sa kumakalat na virus? Nagbabalita ngayon si Angelo Santiago, live sa Tagaytay City. Hello, Angelo? Kumusta diyan? Maayos ba ang lahat?"

"Mga baliw." Komento ni Tom at tumawa nang mahina. Binuksan niya ang kanyang aparador at naghanap ng masusuotan. The TV is still open, and the volume of it is loud. Hindi man niya tignan ang kanyang TV ay naririnig naman niya ito dahil sa lakas.

"Maayos naman ang lahat dito, Jonel. Everything is doing great at nakakagulat dahil napaka-organized nilang lahat dito! Malinis din ang factory nila at maayos, and as you can see behind me,"

Tumigil ang nagrereport kaya naman naglakad si Tom sa unahan ng TV para makita ito. Kitang-kita rito ang tuloy-tuloy na pagdaloy ng makina sa likuran ng reporter. Makikita rito ang mga pills na naka-garapon, naka-sachet, at iba pa. Napansin din niya na naka-Personal Protective Equipment ang reporter at ang mga manggagawa na nasa likod niya. Hindi niya alam ngunit masama ang pakiramdam niya tungkol rito.

"They are not just doing hundreds of it, but thousands! Lahat ng ito ay naka-assign na sa sa iba't ibang companies, pharmaceuticals, health centers, and even barangays to stop the virus transmission mg kumakalat ngayon. Talagang wala nang makakapigil pa sa paglaganap ng anti-virus na ito."

"Bakit ngayon lang nila inire-release 'to? After all those past years suffering from the quarantine and many lockdowns, kung kailan naman maluwag na ang lahat, tsaka naman nagsisilabasan ang mga ganito na pagka-dami-daming mga gamot." He commented. Humiga na siya sa kama atsaka ipinagpatuloy ang panonood.

"How do these pills work, Angelo? I mean, mas napapalakas ba nito ang immune system ng isang tao para maging effective o mas napapahina nito ang virus? May lead ka bang kahit ano tungkol sa product?" Ani Jonel na nasa Studio habang nagbabalita.

"Well, para sa mga katanungan na iyan, i-welcome na lang natin ang nakaisip ng lahat ng ito." Angelo laughed. "The founder and one of the most respectable scientist from the Jeianjoe Pharmaceuticals, Miss Betty Alvarez!"

Lumakad sa frame ng TV ang isang matandang babae. Wala itong suot na P.P.E kaya naman mas lalo tuloy lumutang ang pagkakaiba nilang dalawa. Punong-puno ng P.P.E si Angelo, habang siya ay wala man lang kahit facemask.

Napailing na lang si Tom. "The irony."

Napansin rin niya ang pagkagulat ni Angelo sa suot ng babae, ngunit hindi na lang niya ito pinansin. Naisip niya na baka nagandahan lang ito rito, o kung ano pa man.

"So, Ma'am, please tell us something about these pills behind us. Maaari po ba kayong magkuwento at mag-share ng kahit anong background or even additional information about dito sa gamot na ipapalaganap natin sa buong bansa?" Nag-isip nang kaunti si Miss Betty Alvarez.

"These anti-virus pills from the Jeianjoe pharmaceuticals took more than three years to make." Itinuro nito ang machinery na naggagawa ng mga pills sa likod niya. "Noong una, nagdadalawang isip kami kung gagawin ba namin ito dahil delikado at kasagsagan na rin noon ng pandemya. Pero dahil mahal namin ang ating mga kababayan, kahit na buhay namin ang nakataya rito, ay sinimulan na naming isagawa ang plano na ito."

"And, how do these pills work?"

"The idea behind this success is much more like of a vaccine. Naghanap kami ng stronger strand ng covid virus, which is the M-87854, at ng weaker strand nito, which is the SGI-47487, at paglabanin sila. Siyempre, mamamatay ang weaker strand dahil mao-overcome siya ng stronger type of virus. Consuming the weaker type of virus makes the stronger one more aggressive and dominant to others. Then we are turning it into pills and vaccines, at iyon ang ipinapamigay natin sa masa para mas maging ligtas sila."

The School OutbreakWhere stories live. Discover now