Prologue

35 2 0
                                    


Outdoor.

Sa dilim ng gabi ay malinaw na nakikita ng dalawang tao ang ginagawa ng babae. Unti-unti itong nilalamon ng liwanag habang bumabagal ang paligid. Sa nanghihilakbot na mukha ay saka lamang nagkaboses ang isa sa dalwang saksi.

"Harcese a un lado alli!" Nanghihilakbot na sigaw nito at akmang tatangkaing pigilan ang nakaambang maganap subalit ang tinig ng kasama ay nagpangyari upang mapako siya sa kinatatayuan. Huli na upang 'di masaksihan ng sawa ang nakatakdang magaganap.

"Madre de Dios!" Nanlalaki ang mga matang tutop ng babae ang bibig habang tumitindi ang dagundong ng dibdib sa isiping dadaluhan ng bana ang estrangherang babae sa nakaambang panganib na ngayon nga ay naganap na.

Umingit ang gulong ng malaking sasakyan sa biglang preno nito. Bumalot sa buong paligid ang liwanag na nagmumula sa malaking ilaw ng sasakyan. Tila naestatwa ang dalawang saksi mula sa pagkamangha dahil sa nasaksihan.

Indoor.

Alas tres ng nadaling araw. Iyon ang nababasa sa orasang nasa silid. Sa lapag ay may isang bulto ang himbing na naidlip. Unti-unti itong kumilos patihaya ng biglang-

Iyon lamang at walang nakabatiyag. Sa nanghihilakbutang mga mata ay sapo ng babae ang dibdib habang pilit hinahabol ang hininga. Ang babae ay madadatnang dilat ang mata at isa ng malamig na bangkay sa pagdating ng umaga.


*********


Habang binubuklat ko ang mga lumang notes ko sa bahay, nakita ko ang istoryang ito. So I thought, why not? Let's see kung saan tayo dadalhin ng kwentong ito, mga kaibigan. Wag po kayong mag-alala, uunahin ko pa rin pong tapusin ang Jacobo Daniel bago ko po ito sisimulang tapusin:-)


Salamat po sa inyong pagtangkilik!


-Bella Sauner

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 22, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The FateWhere stories live. Discover now