ODES...

53 1 0
                                    

Sa isang sulyap, ng maririkit mong mga mata

        Sa sobrang tuwa, ang puso ko'y lumulundag na

Sa tuwing ako'y iyong matignan

       Nanginginig ang buong kalamnan

Sa sobrang kilig

      Palad ko'y nanlalamig

Sa bawat rinig ng malamyos mong tinig

      Tulala at kawalan abot ng aking titig

Sa bawat pagdikit ng ating mga bisig

      Ako ay napapaso na parang sisig

Sa bawat pagkibot

      Tuhod nanlalambot

O bakit ganito?

      Puso'y nabihag mo

Alam kong luma na ang sasabihin

      Ngunit pakiusap ko ito'y dinggin

Susungkitin ko ang bituin O aking hirang

      Hahamakin ang lahat ibigin mo lamang

Ito ang aking tula na may pagsinta

      Naglalayong sabihing "'Yaka, labs kita." ^_^

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 03, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ODES...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon