KABANATA XX

524 19 32
                                    

Bata pa lang ako, mulat na ako sa katotohanan na hindi madali ang buhay. Maagang naulila sa ina, ngunit hindi ko kailan man naramdaman na kulang ako sa pagmamahal at aruga dahil pinaramdam sa akin ni Tatay na kompleto ako. Hindi man kami mayaman sa mga materyal na bagay, ngunit busog naman ako sa pagmamahal at pangaral ni Tatay.

Palagi siyang naroon para ipagtanggol ako sa mga taong mapang-api, ang taong gagawin ang lahat maibigay lang ang buhay na nararapat sa akin at masuportahan ako sa mga pangarap ko. Lumaki ako na nakikita ang kanyang pagsasakripisyo. Siya ang taong hindi mo kariringgan ng reklamo, gaano man ka bigat ang kanyang dinadala o kung nahihirapan siya. Sanay siyang magbilad sa ilalim ng araw para makalikom ng pera para sa mga pangangailangan namin. Nakakaya niyang ngumiti sa kabila ng pagod, tumawa sa kabila ng pagkakasakit at maging masaya sa kabila ng kalungkutan. Kaya naman, pinangako ko sa sarili kong gagawin ko ang lahat mabigyan lamang siya ng magandang buhay sa hinaharap.

Tumatak sa akin ang lahat ng hirap na pinagdaanan niya. I appreciate the sacrifices he made for me, and I will forever be thankful and grateful to have him in my life.

The choices were complicated, and the course of our life was rough, but no journey has ever been smooth. I have learned that I have to go through the worst, to become stronger and better.

Sa dami ng nangyari sa buhay ko, mas napatunayan ko na malakas pala ako. That God allowed me to experiences it all, because He knew I was strong. Hindi naging madali ang paglimot sa ginawa ni Damon sa akin, ngunit sa tulong Niya, unti-unti kong natanggap ang mga nangyari.

It took time, but I was finally able to tell my father the truth. He was mad, he cried, but at the end of the day, we became thankful. Kasi kahit ganoon, nandito pa rin kami ngayon at magkasama na ulit.

May mga gabing nagigising ako na may luha sa mga mata ko. May mga araw na hindi ako komportable dahil pakiramdam ko ay may nakatanaw at nakabantay sa bawat galaw ko. May mga oras na nakatingin lang ako sa kawalan habang umiiyak. Ngunit noong sinuko ko na ang lahat ng pasakit ko sa Panginoon, gumaan din ang pakiramdam ko.

Natuto akong maniwala ulit- maniwala na hindi pa huli ang lahat para sa mga pangarap ko, at na darating din ang taong mag-aahon sa akin sa masakit na yugtong ito ng buhay ko. Iyong taong tatanggapin ako sa kabila ng lahat ng pinagdaanan ko.

Ginala ko ang paningin ko sa buong gym. Sa kaliwang banda ay ang mga lalaki. Tumama ang mga mata ko kay Kirby. Nginitian niya ako, kaya nginitian ko rin siya pabalik. Kumaway ako sa kanya bilang pasasalamat sa lahat ng naitulong niya.

Siya ang tumulong upang makahanap kami ng bagong matutuluyan. He witnessed my pain, and he was there as I go through it. Hindi niya ako iniwan, hinusgahan o nilait man lang. Siya ang unang tao na nagtulak sa akin upang ituloy ang kaso kay Damon. And for that, I will always be grateful to him.

As for Damon, I haven't seen him in a long time. Mabagal ang usad ng kaso, ngunit handa ako'ng maghintay hanggang makuha ko ang hustisya para sa nangyari sa amin. Though I'll admit, there will always be that little part in me who would remember him, and all the good times we shared. But that little part is not enough to forget the pain he caused me.

"Masaya ako para sa'yo, anak. Sa wakas ay nagbunga na rin ang lahat ng paghihirap mo. Maabot mo na rin ang mga pangarap mo," sambit ni Tatay. May luha sa kanyang mga mata, habang mahigpit niyang hinahawakan ang mga kamay ko.

"Masaya rin ako, Tay. Hindi pa rin ako makapaniwala na nandito na ako. Pagkatapos ng lahat ng nangyari, hindi ako binigo ng Diyos," naluluha kong sagot.

I smiled through the tears as I watch my father's proud face. Taas noo akong naglakad nang marinig ko ang pangalan ko

"Mondreal, Anna Cassandra T.
Bachelor of Science in Secondary Education - Major in English
Magna Cum Laude."

Trampled InnocenceWhere stories live. Discover now