KABANATA XIX

454 19 25
                                    

"Nasaan ka?"

The worry etched on Kirby's voice was all it took for me to let go. Pagkarinig ko sa boses ni niya ay napahagulhol na lang ako. It was at that moment when I realized everything that had happened, how fucked up the situation was. Para akong nakalutang sa hangin, nananaginip ng isang masamang panaginip. Kung sana nga ay ganoon na lang ang nangyari. Mas gugustuhin ko pang isipin na panaginip lang ang lahat ng ito.

Hindi ko lubos maisip kung paano humantong ang buhay ko sa sitwasyong ito. Simple lang naman ang pangarap ko noon, makapagtapos ng pag-aaral at makatulong kay Tatay. I never really knew it would turn this way. The pain— no matter how long it may take— will eventually heal. But the scar runs deep, it's etched in my soul, burning whatever hope I had for my future. I was ruined. Who would ever want a ruined woman?

I cried, mourning for the loss of a life that was once planned. Suddenly, I had just become so tired— physically and emotionally. What happened to me was something I could never comprehend. It broke my heart, and shattered my life into tiny pieces.

"Cassandra? Nasaan ka? Tell me, susunduin kita." His voice was low, almost sad and full of concern.

Binanggit ko ang pangalan ng subdivision na tinitirahan ni Damon. Nasa labas na ako ng gate, nakatulala habang nakaupo sa gutter sa gilid ng kalsada. Tumigil ang isang kulay puting Honda Civic sa harapan ko, at mula roon ay umibis si Kirby. Malalaki ang kanyang mga hakbang patungo sa kinaroroonan ko. Sa kanyang mga mata ay ang galit, lungkot at awa sa sinapit ko.

Nang makalapit siya ay mabilis kong pinulupot ang kamay ko sa kanyang leeg. I am lost for words, and all I needed now was something comforting— like a hug from a friend. Alam ko na kahit hindi ako nagbabahagi ng anuman tungkol sa amin ni Damon, Kirby already knows what we are to each other.

"I'm just here, Cass. I'm sorry if I was too late. . . I'm sorry. . ." He kept on apologizing kahit wala naman siyang kasalanan. Sa totoo lang ay dapat pa nga akong magpasalamat dahil nag-abala siyang tulungan ako kahit na hindi ko sinabi sa kanya ang dahilan kung bakit ako umiiyak sa telepono.

"Saan mo gustong pumunta? Sasamahan kita," aniya.

Nakaupo na kaming dalawa sa loob ng sasakyan niya. Wala pa rin akong imik, diretso lang akong nakatingin sa harapan ngunit parang wala rin akong nakikita. Para akong nakatunghay sa kawalan. Naramdaman ko ang pagkabasa ng pisngi ko, ngunit hindi na ako nag-abalang punasan man lang ang mga luha ko dahil alam kong hindi pa ito nauubos. Panibagong luha lang din ulit ang tutulo roon.

I cleared my throat. "P-pwede ba akong magpahatid sa ospital? Pasensya ka na kung ikaw ang tinawagan ko, pasensya na talaga sa abala."

Hinawakan ni Kirby ang kamay ko, ngunit mabilis ko iyong hinila. Bumilis ang tibok ng puso ko at kinabahan ako. Nakagat ko ang ibabang labi ko nang natanto ang naging reaksyon ko. "I'm sorry," bulong ko.

Bumuntong hininga si Kirby. "It's okay, ako dapat ang humingi ng pasensya. Hindi ko dapat ginawa iyon. I don't know what he did to you, but I want you to know that not everyone is an asshole like him. Pero hindi kita pipilitin. Take your time in healing." Ngumiti siya.

Sinubukan ko ring gantihan ang kanyang ngiti, ngunit nauwi iyon sa pag ngiwi. "Salamat," iyon na lang ang nasabi ko.

Tinuro ko sa kanya ang daanan papunta sa ospital. Malalaki ang mga hakbang na tinungo ko ang elevator habang nakasunod naman si Kirby sa akin.

Bumukas ang elevator sa ikatlong palapag ng ospital, mabilis akong lumabas mula roon at tinalunton ang daan papunta sa silid ni Tatay. Sa labas ay naroon ang pamilyar na Nurse na kinuha ni Damon para magbantay kay Tatay. Pumutla ang kanyang mukha nang natanaw ako.

Trampled InnocenceWhere stories live. Discover now