KABANATA XVIII

448 18 22
                                    

I stood there frozen in front of the door. Zach held out a key into my hand. Nanginginig ang mga kamay ko habang kinukuha ko ang susi sa mga kamay niya.

"Open it, Cassandra. Find out everything you need to know," aniya.

"W-what? Hindi ko maintindihan, Zach. . ." Nangatog ang mga binti ko.

"It's the only thing I can do, Cassandra. You will find your phone and your wallet inside. Pagkatapos mong makita ang lahat ng dapat mong makita, umalis ka na. Leave this house, and take your father with you. I will handle Damon. Someone has to put an end to everything he does," bulong niya.

He looked at me with sad and guilty eyes before urging me to open the door. Kinakabahan man, pinilit ko ang sarili ko na harapin kung ano man ang nasa loob ng kwartong ito. Nang tuluyan kong nabuksan ang kwarto, sumalubong ang kadiliman sa mga mata ko. Tahimik, ngunit nakapanlalamig ang buong silid.

Zach turned on the lights, and I felt a little light-headed. Nang tuluyang kumalat ang liwanag sa buong silid ay para akong napako sa kinatatayuan ko- hindi ako nakahuma o nakagalaw. Umawang ang mga labi ko at nanlaki ang mga mata ko— hindi makapaniwala sa nakikita ko. Umiling-iling ako. Hindi ito totoo!

"What is this room? Bakit marami akong pictures dito?" pabulong kong tanong kay Zach.

Natutop ko ang bibig ko habang isa-isang tinitingnan ang mga litrato na nakapaskil sa isang board. Sa gitna ay naroon ang isang clerk table, at katulad sa board ay mayroon ding nakakalat na mga larawan ko. May makakapal na mga papel, at isang DSLR camera. May isang computer, at isang folder na may nakalagay na pangalan ko.

Tumulo ang luha ko. Umiling-iling ako, unti-unting nabubuo ang mga ideya sa utak ko.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa mesa, at doon sa drawer ay tumambad sa akin ang wallet ko at cellphone ko na naka-off. Nang buksan ko iyon ay sunod-sunod na pumasok ang mga mensahe ng mga kaibigan ko sa eskuwelahan.

Rachelle:

Girl, anyare sa'yo? Bigla ka na lang nawala after ng defense. Okay ka lang ba?

Mika:

Girl, bakit hindi ka na pumapasok? May nangyari ba? Nag-aalala kami sa'yo.

Tumulo pang lalo ang luha ko. Pinakarami ang mga mensahe na galing kay Kirby.

Kirby:

Cass?

Okay ka lang ba? Ano'ng ginawa ng lalaking 'yon sa'yo?

Cassandra, I'm worried. Ilang araw ka nang hindi ma-contact at hindi pumapasok. Our instructors said you were quitting school. Bakit biglaan?

Cassandra, tell me you're okay. Hindi ako mapakali hanggang hindi ko nalalaman kung kumusta ka.

Cass. . . Please naman o, send me a message. If you're okay and happy with him, hindi ko kayo guguluhin. But if he's hurting you, kukuhanin kita sa kanya. Sabihin mo lang.

Cass?

Halos araw-araw ay mayroon siyang mensahe. Sunod-sunod na tumulo ang luha ko.

Binuksan ko ang folder na mayroong pangalan ko, at bumangon ang galit sa puso ko. It contains information about me. Lahat-lahat, simula sa pagkabata ko hanggang sa kasalukuyan. There were photos of me when I was a child, my background, my dreams, my family and literally everything about me.

Hindi pa roon nagtatapos. Ang mga larawan na nakapaskil doon ay kuha mula sa eskuwelahan, sa kiosk ni Tatay at maging sa bahay namin. Lahat ng mga lugar na napuntahan ko ay mayroong mga nakaw na larawan ko. Tumindig ang balahibo ko. Bakit may ganito si Damon? Ano'ng ibig sabihin nito?

Trampled InnocenceWhere stories live. Discover now