KABANATA XVI

455 19 23
                                    

I woke up to the sound of the falling rain. Nandito na ako sa kama ni Damon, at napalitan na rin ang damit ko. Tahimik ang buong kabahayan at hindi ko alam kung nasaan si Damon, pero isa lang ang nasa isipan ko sa mga sandaling iyon. Gusto kong makatakas sa impyernong ito.

Una kong hinanap ang cellphone at wallet ko, saka ako kumuha ng isang maliit na sling bag. May pagmamadali ang bawat kilos ko at abot-abot ang aking kaba, natatakot na baka biglang pumasok si Damon at mahuli ako. Dahan-dahan akong naglakad, natatakot na lumikha ng ingay ang aking mga yapak.

Halos nasa lalamunan ko na ang puso ko sa labis na takot. Dinig ko ang malakas nitong tibok, at ramdam na ramdam ko ang panginginig sa gagawin kong ito. Sana lang ay magtagumpay ako.

Nasa harap na ako ng pintuan at dahan-dahan iyong binubuksan, ngunit ayaw bumukas. Sinubukan ko ulit, ngunit ganoon pa rin hanggang sa tuluyan ko na itong binayo nang malakas nang natanto kong naka-lock ang kwarto mula sa labas. Sa labis na frustration ay pinagsusuntok ko ang pintuan habang sumisigaw.

"Damon! Palabasin mo ako rito! Palabasin mo ako! Parang awa mo na. . ." Lumuhod ako sa likod ng pintuan.

Hindi ko alam kung nariyan ba siya sa labas, ngunit nagpatuloy ako sa ginagawa hanggang sa makaramdam ako ng pagod.

"Please, Damon. . . Palabasin mo na ako. Gusto ko lang makita si Tatay. . . Magpapakabait ako, susundin ko ang lahat ng sasabihin mo, hayaan mo lang ako'ng makita si Tatay," unti-unting humina at nabasag ang boses ko.

My silent cries became loud sobs. Kailangan kong makaalis dito. Sinubukan ko ulit na buksan ang pintuan ngunit lalo lang akong na-frustrate.

Hindi ko namalayang nakatulog na ulit ako. Muli akong nagising sa isang pamilyar na haplos. Mabilis akong lumayo kay Damon. Sinandal ko ang sarili ko sa kama at pilit na hinarang ang mga kamay ko para mapigilan si Damon sa paglapit. Hindi ko siya kayang tingnan, lalo na sa mga mata na dati'y lumulunod sa akin.

"Kumain ka na, Cassandra," aniya. Noon ko lang din napansin ang isang tray ng pagkain na nasa bedside table. Umiling ako. Hindi ako nagugutom. Wala akong ibang maramdaman kundi kahungkagan at pagsisisi. "Hindi ako kakain. Ayaw kong kumain. Gusto kong makita si Tatay."

"I'm sorry, baby. Pero hindi pwede. Hindi ka pwedeng pumunta sa ospital, at hindi ka rin pwedeng lumabas sa bahay na ito. Kapag sinuway mo ako at nahuli kita sisiguraduhin kong parurusahan kita." May banta ang tono ng kanyang boses.

Tinitigan ko siya. Seryoso ang kanyang mga mata. Mabilis na namuo ang mga luha ko. "Bakit hindi pwede? Ano? Hindi na ba ako pwedeng umalis sa bahay na ito? Paano ang pag-aaral ko?" sigaw ko sa kanya.

Tumalim ang kanyang mga mata. "Pag sinabi kong hindi ka aalis dito, hindi ka aalis. Everything you need in school will be brought here. You will be attending your school online, I'm already processing it. Tutal naman ay tapos na ang thesis defense mo, there's no need for you to go back to school."

Umawang ang labi ko sa sinabi niya. Nababaliw na ba siya? "You're kidding me, Damon," hindi makapaniwalang sambit ko.

"You wish I am, baby, but I'm not. Kinuha ko rin ang cellphone mo kaya huwag na huwag kang magtangka na tumawag sa mga kaibigan mo, lalong-lalo na sa lalaki mo. Trust me, Cassandra, you don't know what I can do." He looked at me sharply.

Umiling-iling ako. This is too much. "Ano'ng karapatan mo na gawin sa 'kin to, Damon? Buhay at pangarap ko ito! Ang sabi mo, mahal mo ako! Ganito ka bang magmahal? Kasi kung ganito, sinasabi ko sa'yo na kahit mahal pa kita ay pipilitin kong ibaon ang nararamdaman ko! Nakakasal ang pagmamahal mo!" Bumuhos ang mga luha ko. Ang sakit-sakit, sobrang bigat ng dibdib ko. Hindi ko maintindihan. Maayos naman kami noong una. Ano'ng nangyari? Saan kami nagkamali?

Trampled InnocenceWhere stories live. Discover now