KABANATA XV

453 21 21
                                    

TW: SEXUAL ABUSE

Pahaklit niya akong hinila palabas ng sasakyan, at pabalibag na sinandal sa likod ng pintuan. Mabilis na namuo ang luha sa mga mata ko. Ang kanyang mga mata ay umaapoy sa galit. Napasinghap ako nang ang isang kamay niya ay nasa leeg ko na at bahagya akong sinasakal. Tuluyang tumulo ang mga luhang pinipigilan ko.

"Damon. . . Nasasaktan ako," pumiyok ang boses ko.

Hindi ko na kilala ang Damon na nasa harapan ko ngayon. Para siyang isang halimaw na handa akong sakmalin ano mang oras. Kumawala ang mahinang hikbi mula sa bibig ko. Bakit ba siya nagkakaganito?

"You're not listening to me, baby. I told you to stay away from him!" Napatalon ako sa lakas ng boses niya. "Baby, I told you I'm jealous! Tapos ano? Maabutan kitang kayakap siya? Kung hindi ako dumating, ano? Hahalikan mo rin siya?"

Pumikit ako nang mariin. Tangina! Ganoon ba ka baba ang tingin niya sa akin? Parang hinihiwa ang puso ko sa sobrang sakit. "I was just thanking him, Damon. Iyon lang iyon! Wala kaming ginagawang masama! Ilang beses ko bang dapat na sabihin iyon?"

Gusto kong sumigaw. Tila ba may kung anong mabigat na bagay ang nakadagan sa dibdib ko. Wala akong magawa kundi ang umiyak. I feel so helpless.

"Liar! Ano, nagugustuhan mo na rin ba siya ha? Hindi pwede iyon! Ako lang dapat ang magustuhan mo! Ako lang!" Bulong niya sa tainga ko. Bago pa man ako makapagsalita ay mabilis niyang sinakop ang mga labi ko. Marahas ang bawat halik niya, kinagat-kagat niya ibabang labi ko hanggang sa nalasahan ko ang dugo sa dila ko.

Tinulak ko siya, ngunit dahil mas malakas siya ay madali niya lang na hinawi ang kamay ko. "Damon—" patuloy akong nagprotesta, ngunit hindi niya tinigilan sa paghalik ang mga labi ko. Sa desperasyon kong makawala ay kinagat ko ang labi niya.

"Fuck, woman!" Sigaw niya. Isang malakas na sampal ang ginawad niya sa mukha ko, na siyang nagpatigil sa mundo ko. Nagulat ako. Hindi ko inaasahan na magagawa niya sa akin ito.

I looked at him with pain, and anger in my eyes. Mahal ko siya, pero sobra na itong pagseselos niya ng walang basehan. Puno ng hinanakit ang aking mga mata habang nakatingin sa kanya. Rumehistro ang gulat at pagsisisi sa kanyang mga mata. Tila ba hindi niya rin inaasahan ang ginawa niya.

"Damon. . . Hindi na ikaw ang Damon na kilala ko. Nagbago ka na," nabasag ang boses ko. Nag-unahan sa pagtulo ang mga luha ko, habang walang humpay ang paghikbi ko.

"I'm sorry, baby. Please. . . Forgive me, hindi ko sinasadya," bulong niya. Sinubukan niyang halikan ang parteng iyon ng mukha ko, ngunit nangibabaw ang galit sa puso ko. "Please. . . Baby, makinig ka sa akin. I only did it because I love you. I love you, okay? I will do everything just to have you."

Kinilabutan ako sa sinabi niya. Hindi ko maintindihan kung bakit sa halip na tuwa ay takot ang namayani sa puso ko.

Muli niya akong siniil ng halik, ngunit halos hindi ko na iyon maramdaman. Naglalaro sa isipan ko ang mga sinabi niya. Ramdam ko ang pagbabanta at pang-aangkin doon. Hindi ko na alam kung tama pa ba ito, o kung dapat ko pa bang ipagpatuloy ang pagmamahal ko sa kanya.

Mahal ko rin siya, walang duda. Ngunit nasasaktan ako sa ginagawa niya. Nasasaktan— nasasakal ako sa uri ng pagmamahal niya.

"Kiss me back," utos niya. Hindi ako sumagot, hindi ko rin siya ginantihan ng halik. Para bang wala na ako sa sarili ko, at hindi ko na alam ang dapat kong gawin. "I said, kiss me back, Cassandra. I want you to kiss me back. Love me back."

Hindi ko magawang tumugon sa anu mang sinasabi niya. It was like my mind was in turmoil. Nakatulala lang ako habang pino-proseso ang lahat ng nangyari.

"Dammit! Kiss me back!" Niyugyog niya nang malakas ang balikat ko. Binitiwan niya ako, at mariin siyang pumikit bago niya sinuntok nang malakas ang pintuan kung saan ako nakasandal. Napapikit ako, at napatalon sa labis na takot. Natatakot ako na baka hindi lang ito ang gawin niya sa akin. Natatakot ako na baka sa huli ay maiwala ko ang sarili ko sa kagustuhan kong sundin siya.

Trampled InnocenceWhere stories live. Discover now