KABANATA XIV

414 20 21
                                    

"Hmm. . . You smell so damn good, baby," bulong ni Damon sa tainga ko. Iniwas ko ang mukha ko sa kanya, at huminga nang malalim.

"What's wrong?" He asked. I can sense his genuine concern, but because of what I heard, nagkaroon ako ng maliit na duda sa lahat ng sinasabi at ginagawa niya. Para bang may mali sa mga kilos at salita niya.

"Hey. . . Are you okay?" malambing niyang tanong. I sighed. Gustong-gusto ko siyang tanungin, ngunit pinangungunahan ako ng takot ko. Wala akong sapat na lakas ng loob para malaman at harapin ang katotohanan.

"I'm sorry, Damon. Pagod lang ako," sambit ko. Ayaw ko siyang tingnan dahil natatakot akong mabasa niya sa mga mata ko ang pagdududa at takot. Gusto kong sa kanya mismo manggaling ang totoo, kung ano man ang tinatago niya sa akin.

"Alright, we'll just sleep tonight," bulong niya. He planted a soft kiss on my temple, and I almost felt myself tearing up. "Goodnight," he said.

Tumango ako at tumalikod sa kanya para itago ang pamumuo ng mga luha ko. Hindi ko na alam, pero kahit ano'ng sweetness pa ang ipakita niya, hindi pa rin maalis-alis sa isipan ko ang mga narinig ko kanina. Maybe I was just overthinking, but I can't deny that whatever I heard has affected me. Sumibol ang munting duda sa puso ko, at nagsimula akong magtanong sa sarili ko. No matter how many times I brushed those thoughts away, at the end of the day, they all come back inside my mind to haunt me.

Sinubukan kong lagyan ng distansya ang mga katawan namin, ngunit sa tuwing lumalayo ako ay mabilis niya akong hinihila palapit sa kanya. Sa tuwing susubukan kong lumayo ay lalo niyang hinihigpitan ang yakap niya. At kahit may munting duda sa puso ko, hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng seguridad at kapayapaan sa kanyang mga haplos at yakap. Nababaliw na ba ako? Posible bang makaramdam ng kapayapaan sa bisig ng isang tao na pinagdududahan mo? Siguro nga posible, kasi ganoong-ganoon ang nararamdaman ko.

Lumipas pa ang mga araw, nagpatuloy ang ganoong pakiramdam ko. At simula nga noon, naging mapagmatyag ako sa bawat kilos ni Damon. I also realized how I'd decided so hastily, without trying to know him first. But I told myself, I was desperate that time! Pero ngayong hindi pa rin gumigising si Tatay kahit na mahigit tatlong buwan na, at patapos na rin ang first semester namin, nagsimula akong isipin kung tama nga ba ang naging desisyon ko? Was it only right to risk my heart, and everything I have for something that doesn't have any assurance?

Sumikip ang dibdib ko sa mga bagay na gumugulo sa isipan ko. Ang isipin na posibleng hindi na magising si Tatay ay unti-unting nagwawasak ng puso ko. I wanted him to live, but my hope is slowly deteriorating. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit maayos naman na ang kanyang mga tests, even his bruises and other fractures had already healed, but he's still asleep.

I sighed, and let out a nervous sigh. I cleared my thoughts, and pushed those painful thoughts away. Hindi ngayon ang tamang oras para mag-isip ng mg negatibong bagay. In fact, I should start praying now dahil dito nakasalalay ang kinabukasan namin.

"Hey," si Kirby iyon. Bumaling ako sa kanya at nakita ko ang malungkot niyang ngiti. Hindi man kami madalas mag-usap, but I know he's been observing me. "Hi." I greeted him awkwardly.

"Napansin kong ilang linggo ka nang matamlay. I won't ask what he did to you, but please know that I'm here if you need someone to talk to," he offered. Of course, he knew about him. Damon was indeed serious when he said he'd kiss me anytime and anywhere he wants. And the school premises isn't an exception. It doesn't help that he didn't even care if someone can see us. I sighed, ngayon ko lang din natanto na nagbago siya.

Umiling ako kay Kirby. I don't want to entangle him into my situation. "Let's not talk about it, Kirb. We've got a thesis defense in a few minutes. Iyon na lang ang pagtuonan natin ng pansin." I told him.

Trampled InnocenceWhere stories live. Discover now