KABANATA XIII

472 20 18
                                    

"Kumusta na po si Tatay, Doc?" Mabilis akong tumayo para lumapit sa Doctor na kapapasok lang sa room ni Tatay.

Nakiusap ako kay Damon na dumaan muna kami sa ospital para bumisita kay Tatay dahil ilang araw din akong hindi nakabisita gawa ng pagiging abala sa school, at isali pa ang nangyari noong nakaraang araw. Pagod na ngumiti ang Doctor at umiling. "Ganoon pa rin, Ms. Mondreal."

Nanlumo ako sa narinig ko. Bakit kaya hindi pa rin gumigising si Tatay? Mahigit dalawang buwan na simula nang nangyari ang aksidente. Ayon sa Doctor ay maayos naman ang resulta ng mga tests niya. Kaya hindi ko maintindihan, bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagigising?

Gusto kong magwala sa labis na frustration. Pero, kapag nagwala ba ako, magigising ba si Tatay? Hindi pa rin naman, di ba? Lumaylay ang balikat ko. Naiiyak na naman ako. Malungkot akong tumingin sa Doctor na agad namang ng-iwas ng tingin sa akin. He looked at Damon, and Damon looked at him too. Naroon na naman ang mga tinginan nila na para bang silang dalawa lang ang nagkakaintindihan. Gusto kong malaman kung ano ang ibig sabihin ng kanilang tinginan. Pakiramdam ko may mali, ngunit ayaw lang nilang sabihin sa akin.

"Bakit, Doc? Mahigit dalawang buwan na pong walang malay si Tatay. Tapatin niyo po ako, magigising pa ba siya?" Tumaas ang boses ko.

Mabilis na lumapit si Damon sa akin at hinaplos-haplos niya ang likuran ko para pakalmahin ako. Ngunit ayaw nang kumalma ng damdamin ko. Pakiramdam ko ay may tinatago silang dalawa sa akin.

"Like I said before, wala po sa atin ang makapagsasabi kung kailan magigising ang pasyente. Rest assured that we are keen on monitoring your father's condition. Sa ngayon ay maayos ang lahat ng kanyang tests, and he's stable. Maybe his body needs more rest. Kapag handa na ang katawan niya, magigising din siya," maingat na paliwanag ng Doctor.

Gusto kong magprotesta at sabihin sa Doctor na baka kulang ang ginagawa niya, na baka kaya hindi pa rin nagigising si Tatay ay dahil hindi niya ginagawa ang tungkulin niya, ngunit humigpit ang pagkakahawak ni Damon sa akin. "Calm down, baby. Doctor Garcia is doing his best for your father. Just trust him," bulong niya.

Kahit na may kaunting pagdududa pa sa sarili ko, tumango na lang ako. Lalo lang akong na-frustrate sa naging reaksyon ko. Imbes na magpasalamat sa ginagawa niya ay nakuha ko pang magalit at magduda. I cried in frustration. Gusto ko lang naman na tuluyan nang gumising si Tatay.

Wala na ako sa mood noong umuwi kami. At dahil gabi na rin, sa labas na kami kumain ni Damon. Kaunti lang din ang kinain ko dahil wala kong gana. Pagdating namin sa bahay ay nagpalit lang ako ng damit at natulog na. Laking pasasalamat ko na lang din na hindi na nangulit pa si Damon.

Days passed, at mas lalo akong naging abala sa eskuwelahan. Ang madalas kong pagdalaw kay Tatay sa ospital ay napalitan ng minsan. Ngunit sa kabila noon, hindi naman siya nawawala sa panalangin ko. Mas nag-focus ako sa pag-aaral ko at sa paggawa ng Thesis ko. Dahil busy rin si Damon sa trabaho, madalas ay sa labas na lang kami kumakain.

Our set-up continued, and day by day, I realized how I'm falling hard for him. Despite his possessiveness, he's caring and extra thoughtful in his own way. It was his sweet, little gestures that made me fall for him, no matter how hard I try to stop myself. Iniisip ko na lang na hayaan ang sarili kong maging masaya kahit na alam kong maaaring panandalian lang ito. I would rather enjoy this moment now, than to regret not doing this later on.

"Have a great day, baby," bulong niya sa tainga ko, bago niya ako ginawaran ng halik sa pisngi.

Ngumiti ako sa kanya. "Mag-iingat ka, Damon. Huwag mong gutumin ang sarili mo. Do not overwork yourself," bilin ko sa kanya. I blushed when I realized how I sounded like a wife to him.

Trampled InnocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon