KABANATA XII

446 21 25
                                    

"Girl, ano'ng nangyari sa'yo? Bakit absent ka kahapon?" bungad ni Mika sa akin pagdating na pagdating ko sa classroom.

"At saka ano 'yang nasa leeg mo? Bakit may pula?" kuryosong sabat naman ni Rachelle.

Mabilis na lumingon si Kirby sa akin, nagtatanong ang kanyang mga mata. Hindi ko kayang tagalan ang titig niya kaya naman nag-iwas na lang ako ng tingin sa kanya.

"Nagkasakit kasi ako kahapon kaya ako um-absent. Pasensya na, hindi ako nakapagsabi. Masama kasi talaga ang pakiramdam ko kahapon," pagdadahilan ko.

"Eh bakit may pula sa leeg mo?" Ulit ni Rachelle.

"Allergies. Nakakain kasi ako ng hipon no'ng isang gabi. Noon ko nga lang din nalaman na may allergies pala ako sa seafood." I let out an awkward laugh after saying those words. Ayaw kong magsinungaling, pero ayaw ko ring magsabi ng totoo. Duwag na kung duwag, ngunit hindi pa ako handang mahusgahan ng mga taong ito.

Tumama ang mga mata ko kay Kirby, at nakita kong nakatitig pa rin siya sa akin. Nakakunot ang kanyang noo at halatang hindi naniniwala sa mga sinasabi ko. Muli ay umiwas ako ng tingin sa kanya. Kinakabahan ako, at natatakot ako na baka mabasa niya sa mukha ko na nagsisinungaling ako.

Buong araw ay halos hindi ako makapag-concentrate sa klase dahil ramdam na ramdam ko ang mga titig ni Kirby kahit hindi ako nakatingin sa kanya. I can sense that he's dying to ask me something, and the only thing that stops him is the fact that we're still in class. Pilit kong inignora ang presensya niya sa takot na mahalata niya ako.

Habang kumakain kami nina i
Mika at Rachelle sa cafeteria ay napag-usapan namin ang tungkol sa Thesis. They filled me with the details I missed, and I listened to them intently. "Mamaya, sa library na lang tayo ha. Kahit one hour lang. Tapusin lang natin iyong ibang write-ups," ani Mika.

Tumango ako. Kinuha ko ang cellphone ko para magpaalam kay Damon na baka gabihin ako. Gusto ko rin sanang bumisita sa ospital, pero marami pa akong kailangang gawin sa eskuwelahan at kailangan ko ring mag-review dahil malapit na ang midterms examination namin. The last thing I'd want is a failing grade. Gusto ko na kapag gumising si Tatay ay maipakita ko sa kanya na hindi ko napabayaan ang pag-aaral ko. Knowing him, kapag bumagsak ako ay sigurado akong sisisihin niya ang sarili niya, kahit pa wala naman talaga siyang kasalanan.

Ako:

Damon, baka gabihin ulit ako ngayon. Kailangan naming mag-extend para sa Thesis namin.

Ilang minuto pagkatapos kong ipadala ang mensahe ko sa kanya ay mabilis akong nakatanggap ng reply.

Damon:

Okay, baby. Just text me when you're done. I'll be waiting.

I told him okay, at tinago ko na ang cellphone ko. Inayos ko rin ang buhok ko para itago ang mga markang iniwan ni Damon sa leeg ko.

Pagdating ng hapon ay naroon na kami sa library. Muli akong ginapangan ng takot, lalo na at napapansin ko na panay ang tingin ni Kirby sa akin. Tila ba naghihintay lang siya ng tamang pagkakataon para maisatinig ang kanyang tanong. Nang hindi ko na matagalan ang paninitig niya ay nagpaalam akong kukuha ng iba pang reference books.

Dahan-dahan akong naglakad palapit sa isang book shelf. Nasa tagong bahagi na iyon ng library kaya wala gaanong tao roon. Napasinghap ako nang may biglang humila sa kamay ko. Muntik pa akong mapatili kung hindi lang mabilis na tinakpan ni Kirby ang bibig ko. Hinila niya ako sa  sulok ng library, saka niya sinipat ang leeg ko. Mabilis akong lumayo sa kanya at tinakpan iyon ng kamay ko.

"That's not caused by an allergy," mariin niyang saad. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at pilit na inihirap sa kanya. "What really happened to you, Cassandra? Hindi ako naniniwala na nagkasakit ka lang basta-basta."

Trampled InnocenceDär berättelser lever. Upptäck nu