KABANATA IX

486 23 15
                                    

After his confession, Damon fell silent. I didn't say a word either. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga narinig ko. Isang bahagi ng utak ko ang nagsasabi na imposibleng totoo ang sinasabi niya gayong kailan lang kami ng nagkakilala. But I can't deny that a part of me also feels happy with his confession. It made my heart feel lighter, and everything around me brighter.

We didn't talk even when we reached the hospital. It was like a routine, one that I wished would break. Gustong-gusto ko na talagang gumising si Tatay. Nakatungo lang ako sa kanyang tabi, hawak-hawak ang kanyang kamay at walang tigil sa pagkausap sa kanya at paghiling na sana ay gumising na siya dahil miss na miss ko na siya.

Sa gilid ko naman ay matamang nag-uusap si Dr. Garcia at si Damon. Hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila dahil sa hina ng kanilang boses, ngunit napansin ko ang pabalik-balik na tingin ng doctor sa akin at kay Tatay habang mariin at may pagbabanta naman ang tinging pinupukol ni Damon sa kanya. Kinain ng kaba ang sistema ko. May hindi ba sila sinasabi sa akin? Tungkol ba iyon kay Tatay? Masama ba ang kanyang lagay?

Nang hindi na ako makatiis ay hinarap ko sila. "May problema po ba kay Tatay, Doc?" kinakabahan kong tanong. Umiling siya, ngunit hindi ako kumbinsido. May kung ano sa tinginan nila ni Damon, na nagbibigay sa akin ng kakaibang pangamba.

"Your father is stable as of now, Ms. Mondreal. He's recovering, and he's positively responding to medication," paliwanag ng doctor.

Binalingan ko ang walang malay na si Tatay. Kung maayos naman pala ang lahat, bakit hanggang ngayon ay tulog pa rin siya? "Kung ganoon, doc, bakit hindi pa rin po siya gumigising? Magdadalawang buwan na po siyang tulog." Nanghihina kong tanong.

Paano kung sinasabi niya lang na okay si Tatay para hindi ako mag-alala, ngunit ang totoo ay malala na pala siya? Tila ba tinusok ng libu-libong karayom ang puso ko sa isiping iyon. Nagmamakaawa ang mga matang bumaling ako sa doctor, ngunit nag-iwas lang siya ng tingin.

"Like I said, Ms. Mondreal, we cannot really tell when he will wake up. Wala na sa atin ang makapagsasabi kung gigising ba siya ngayon, bukas, sa makalawa o baka hindi na. What we can do is to continue praying for him, and talking to him every chance we get. Makatutulong iyon para mas maging mabilis ang kanyang paggaling." He paused, then heaved a deep sigh. "Also, we'll run another set of tests and another CT Scan to check if there are abnormalities that may be a reason why he's still in comatose."

Tumango ako. Tama naman siya. Ang tanging magagawa ko ay manalangin para sa kaligtasan ni Tatay. Hinigpitan ko ang paghawak sa kanyang kamay, humuhugot ng lakas ng loob upang patuloy ba tibayan ang paniniwala ko na gigising siya.

Hindi nawala sa isipan ko ang palitan ng tingin ni Damon at Dr. Garcia, kaya naman hanggang sa pag-uwi namin, tahimik din ako. Kahit anong pagpalubag ng loob ang gawin ko, bumabalik pa rin ang pangamba at takot sa isipan ko.

Dala-dala ko ang takot na iyon hanggang sa eskuwelahan. Kasalukuyan kaming nasa library para mag-research tungkol sa Thesis namin. Kasama ko ang mga kagrupo ko na sina Rachelle, Mika at ang nag-iisang lalaki na napabilang sa amin, si Kirby. Hindi nakatakas sa akin na panay ang kanyang mga nakaw na tingin, ngunit hindi ko iyon pinansin. Matagal na rin siyang nagpapahaging sa akin, ngunit wala pa talaga sa isipan ko ang pakikipag relasyon noon.

Mabait naman si Kirby, at matalino. Sadyang wala lang talaga akong panahon noon. Ngunit ngayon, kahit pa siguro marami akong panahon, natatakot ako'ng hindi ko pa rin aiya mapagtutunan ng pansin. I'm afraid that I can no longer give time or affection to anyone, because Damon ruined everyone for me. Simula nang nakilala ko siya, nagbago na ang lahat sa buhay ko.

"Okay ka lang?" Narinig ko ang boses ni Kirby na siyang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan.

Nginitian ko siya. "Okay lang ako. Pasensya na, I spaced out." Humingi ako ng paumanhin sa kanila.

Trampled InnocenceWhere stories live. Discover now