KABANATA VIII

541 24 7
                                    

Maaga pa lang ay bumangon na ako. Hindi natuloy ang paglilinis ko kahapon dahil hindi pa man nagsisumula ang araw ay ilang beses ba akong pinagod ni Damon. Maging kagabi ay dalawang beses niya pa akong inangkin bago kami tuluyang iginupo ng antok. Nararamdaman ko pa rin ang pagod, at pananakit ng katawan ko, ngunit hindi ko iyon ininda. Bitbit ang mop, at isang maliit na baldeng naglalaman ng tubig, tinungo ko ang second floor ng bahay.

Sa mahigit isang buwan ko nang pananatili sa bahay na ito, ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na purihin ang kagandahan nito. It was a modern designed house, with a beautiful minimalistic interior. Naglalaro sa kulay abo, puti at itim ang kulay ng mga dingding at ceiling ng bahay.

There's an elegant chandelier hanging on the ceiling, above the wide living room where a huge flat screen TV was mounted. Mayroong pasilyo na patungo naman sa dining area, at isa pang pintuan na papunta naman sa kitchen area. Sa loob ng mahigit isang buwan, ay kakatwang doon pa lang ako nakakapunta.

Mayroong dalawang guest room, isang common bathroom at maid's quarter sa ground floor ng bahay. Naroon naman sa ikalawang palapag ang master's bedroom, na inookupa namin ni Damon. Bukod doon ay tatlo pang kwarto roon. Nilibot ko ang paningin ko at pilit inalala kung saan doon ang kwartong unang pinagdalhan ni Damon sa akin. Uminit ang pisngi ko nang bumalik sa alaala ko ang unang beses na dinala ako ni Damon sa langit. Pinilig ko ang ulo ko nang unti-unting lumukob ang init sa katawan ko.

Binuksan ko ang unang kwarto, at namangha nang makitang ito pala ang library na nagsilbi na ring study room at opisina ni Damon kapag nandito siya sa bahay. My jaw dropped, seeing countless books piled on the shelves. Karamihan doon ay tungkol sa pagnenegosyo, marketing strategies at financial management. Mayroon ding mga english novels, literature books at iba pang academic books. Pinagsawa ko muna ang sarili ko sa pagtitingin ng mga aklat, bago ko iyon inilipat sa malayong sulok ng silid kung saan naroon naman ang isang desk, at laptop. Sa ibabaw ng mesa ay naroon ang mga dokumento na kinakailangan ni Damon para sa kanilang mga negosyo.

I was tempted to look at his computer and the documents, but I had to remind myself na mali iyon. Sa halip ay kinuha ko ang mop, at nagsimula nang linisan ang sahig. Pakanta-kanta pa ako, at hindi iniinda ang pawis na namumuo sa noo ko habang nag ma-mop ng sahig. Kinuhan ko rin ang isang basahan at pinunasan ang mga shelves. Pagdating sa working space ni Damon ay ingat na ingat naman ako. I saw contracts, and other reports kaya naman todo ingat ako na masagi, o hindi kaya ay mabasa ang mga dokumento dahil alam kong mahalaga iyon.

Pagkatapos ko sa library ay dumiretso ako sa kabilang pinto. Nilagpasan ko muna ang master's bedroom dahil balak kong gawing pang huli iyon. Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang iba't ibang gamit na hindi ko alam kung para saan. Sa gitna ay naroon ang malaking kama, kung saan una akong inangkin ni Damon. The lighting inside this room was warm. Beside the gigantic bed were equipments that I could imagine Damon would use. There were ankle and handcuffs, bondages, bed restrain sets and arm binders. Mayroon ding latigo na sari-sari ang haba at laki.

Napalunok ako. Kinakabahan, ngunit hindi ko maintindihan kung bakit. Sari-saring mga sex toys pa ang nakita ko na labis na nagpagulantang sa akin. Marami pa akong nakitang mga gamit na hindi ko alam kung para saan, mga costumes at sexy na damit, katulad noong pinasuot niya sa akin noon. My throat went dry as I imagine myself being restrained to the bed, while Damon was pleasuring me. And damn it, kahit sa imahinasyon ay mabilis ako'ng nag-init. Ganoon ang epekto ni Damon sa akin. Iniwas ko ang mga mata ko sa mga kagamitang iyon at nagsimulang maglinis.

Inayos ko ang mga costumes, pati na rin ang mga gamit. Nanginginig pa ang mga kamay ko habang hinahawakan ang isang posas at nililinisan iyon. Nagpasya na akong lisanin ang kwartong iyon sa sobrang kaba.

Lumagpas ako sa common bathroom dito sa ikalawang palapag. Nakatayo na ako sa harap ng kwarto na naroon sa pinakadulo. Matagal akong nakatitig sa pintuan nito, tila natatakot sa kung ano'ng naghihintay kapag binuksan ko ang pintuan. Nanginginig ang mga kamay ko habang hawak ko ang seradura.

Trampled InnocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon