KABANATA IV

616 21 8
                                    

"Call me when your class ends, I will fetch you. Pupuntahan natin ang Tatay mo," bilin ni Damon nang ihinto niya ang kanyang sasakyan sa harap ng University kung saan ako nag-aaral.

Tumango ako sa kanya. "Thank you," bulong ko at saka ako naghandang lumabas, ngunit bago pa man ako makalabas, hinila niya ako palapit sa kanya at ginawaran ng masuyong halik sa mga labi.

"Take care. No boys allowed for you," he whispered playfully. Ngumiti lang ako at hindi na sumagot.

Bago ko pa siya nakilala ay wala naman akong pakialam sa mga lalaki sa paligid ko. Hindi ko naman talaga kasi priority ang magkaroon ng nobyo. Ang nasa isip ko talaga ay makatapos ng pag-aaral at maabot ang mga pangarap ko. Muli akong bumaling kay Damon at nagbilin, "Mag-iingat ka rin, Damon."

As I was walking along the corridor of our college's building, I couldn't help but to feel nervous. It's been a month.

The moment I stepped inside our classroom, my classmates turned their heads on me and flocked me.

"Kumusta ka na, Cassandra?" Si Mika.

"Narinig namin ang nangyari sa Tatay mo, okay na ba siya?" Tanong naman ni Rachelle.

Ngumiti ako sa kanila. "Ayos naman ako, kahit papaano ay lumalaban. Si Tatay naman ay nasa ospital pa rin, at hanggang ngayon ay hindi pa gumigising. Pero malaki ang tiwala namin ng gigising siya, lalo na at magaling ang doctor na tumitingin sa kanya."

"Isang buwan na rin... Hindi ka ba natatakot na baka hindi na siya magising? Paano ang mga bayarin ninyo sa ospital?" kuryosong tanong ni Mika. Marahil ay napapaisip din siya. Hindi naman kasi kaila sa mga kaklase ko mahirap lang kami.

Ngumiti ako sa kanila. "Sabihin na lang nating mabait ang Diyos. He sent someone to help us. Dahil sa kanya kaya, hanggang ngayon ay buhay pa si Tatay at patuloy na lumalaban. At dahil din sa kanya, nakakapag-aral pa ako ngayon. Mabuti na lang talaga at nakilala ko siya."

"Masaya kami para sa 'yo, Cassandra. Sayang din naman kung hihinto ka. Isang semester na lang, ga-graduate tayo," sambit ni Mika.

"Ako rin. Masaya rin ako dahil hindi ko na kailangan pang huminto kahit na nasa ospital si Tatay. Kung mayroon mang naidulot na maganda ang sitwasyong ito, lalo lang tumibay ang determinasyon ko na makapagtapos ng pag-aaral," seryoso kong sagot.

Nagkuwentuhan pa kami tungkol sa mga pangyayari habang wala ako. Nagtanong din sila tungkol kay Damon, at nagkuwento rin ako. Maliban na lang sa kung bakit kami tinutulungan ni Damon. I'd like to think he's doing it because he's a good person. Kahit naman kasi may hiningi siyang kapalit sa akin, maganda rin naman ang pakitungo niya sa akin. Naniniwala ako na mabait si Damon, at likas din sa kanya ang tumulong sa kapwa na nangangailangan.

Tumigil lang kami sa pag-uusap nang pumasok na ang professor namin. Nang nagtama ang mga mata namin ay nginitian niya ako. "It's good to see you back, Ms. Mondreal."

Tumango ako sa professor ko. Ilang sandali pa ay nagsimula na ang klase. Medyo nanibago ako dahil ngayon lang ulit ako nakadalo ng klase, at may mga pagkakataon na nakatulala lang ako. No'ng lunch time ay magkasama kami nina Rachelle at Mika sa cafeteria para kumain. Kinuha ko ang cellphone ko nang tumunog iyon. Napangiti ako nang mabasa ko ang mensahe ni Damon.

Damon:

Don't forget to eat your lunch.

I replied to his message and returned my phone inside my pocket. Hindi pa man nagtatagal ay muli iyong tumunog.

Damon:

I can't wait to see you. I miss you already.

I blushed. Kahit wala si Damon sa harapan ko ay kaya niya pa ring guluhin ang damdamin ko. It's these sweet little gestures and messages that somehow makes me hope. Alam kong hindi dapat ako umaasa na magbabago ang estado ng relasyon namin, pero hindi ko maiwasan. Lalo na sa tuwing nagiging sweet at maalaga siya. Inaamin ko, wala akong karanasan sa ganito. Si Damon pa lang ang unang lalaki na nagmulat sa akin sa kamunduhan, at hindi ko man aminin, pero nagugustuhan ko ito.

Trampled InnocenceWhere stories live. Discover now