CHAPTER 40

223 3 0
                                    

CHAPTER 40

ALAS KWATRO pa lang ng madaling araw ay gising na ako na ipinagtataka ni Hylo. Humaba ang aking nguso ng makita siyang nagbibihis ng itim na sando.

"Masyado pang maaga para magising ka, Cheska," ani Hylo at nilapitan ako.

"Tutulungan ko muna sila magluto roon para sa handa ng fiesta. Nakakahiya naman sakanila kung hindi ako tutulong," malambing wika nito at nilapitan ako.

"I wanna go with you," mahina kong wika at niyakap siya ng gumapang ito sa kama para mapuntahan ako.

Sinubsob ko ang aking mukha sa kanyang leeg. Amoy na amoy ko ang favorite na bodywash nito. Kaliligo niya rin kaya sobrang fresh niya.

"But you woke up so early. Matulog ka na muna. Sa labas ng bahay ilalagay ang mga handa kaya kailangan din namin mag set up doon para maayos tignan," mahinahon nitong page-explain sa akin.

"Hylo..." parang bata kong wika.

Huminga siya ng malalim at mahinang pinisil ang aking ilong.

"Just sleep, babe. Mas maganda na makita mo yung mga designs sa labas kapag may araw na. What do you think? Nakakapagod yung gagawin namin doon kung tutulong ka pa."

"Okay..." mahina kong wika. Bigla na lang ako napahikab sa harapan niya at doon ko narinig ang mahina nitong tawa.

"See. You're already sleepy. Matulog kana," kinumutan niya ako at sinamahan na mahiga.

"Hindi ka ba naiinis sa'kin?" I asked.

Kumunot ang kanyang noo. "Why would I?"

"Because I'm being too clingy to you," I answered.

He chuckled and kissed my lips. "That's fine. You're so cute when you are clingy to me," niyakap niya ako. "Kung maiinis ako sa'yo alam ko sa sarili ko na hindi 'yon magtatagal ng isang araw, Cheska."

Napalabi ako at nagsimulang manubig ang aking mata. "I really love you, Hylo. Papakasalan kita kapag hiwalay na kami ni Davis. Pangako ko 'yan sa 'yo."

Napalunok na lang siya at kita ko rin ang panunubig ng kanyang mata. Naluluha na rin siya kagaya sa akin. Matamis siyang ngumiti sa akin.

"Maghihintay ako, Cheska. Kahit gaano katagal pa 'yan. I'm willing to wait, babe."

Nagusap pa kami sa kung anong bagay at hinintay niya akong makatulog bago siya lumabas sa bahay nito.





NAGISING NA LANG ako dahil sa sikat ng araw na nanggagaling sa glassdoor ng terrace nitong kwarto ni Hylo. Napapikit ako at dahan dahang umupo. Nangangalay pa ang bandang beywang ko dahil malaki na ang tyan ko.

Isa lang ang baby ko pero sa tingin ko ay chubby itong lalabas. Ginilid ko ang kurtina at binuksan ang sliding door at lumabas. Napaawang ang aking labi ng makita ang makukulay na disenyo sa baba.

Ang ganda!

Ang daming tao at bata na rin ang nakikita ko sa labas. May mga bandanas na nakasabit. Ang ibang tao ay abala sa mga pagluluto at nagtutulungan ang iba.

Pumasok na ako sa loob at kumuha ng simpleng white sundress na sleeveless at white bandana na crochet. Nilapag ko sa ibabaw ng kama ang sosoutin ko bago pumasok sa loob ng banyo para maligo.

Nang matapos ay nagbihis kaagad ako at nag ayos sa harap ng vanity table. Naglagay ako ng sunscreen at nag lotion din. Kinuha ko ang nude sliders sa shoe rack at bumaba na.

"Hello, Ate Cheska!"

Napalingon ako sa gilid ng may tumawag sa aking pangalan ng makalabas ako backyard. Nakalock ang pinaka main door at dito lang ang nakabukas kaya sa tingin ko ay dito lumabas din si Hylo.

Painful Regrets (Gorqyieds Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon