CAPITULUS VIGINTI NOVEM

81 5 0
                                    

CHAPTER 29

Marian's POV

Nalaglag ang hawak kong Basket, nanghihinang napaupo ako sa tabi nang kalsada. Hindi naman kainitan kaya hindi ko masasabing nahilo ako. Basta parang may kung ano akong naramdaman.

Naramdaman ko na lamang ang pagtulo ng mga luha ko. Bakit? Hindi naman ako malungkot ah. Tatayo na sana ako ng biglang may malamig na hangin ang yumakap sa likod ko.

"Monica?" bulong ko. Siya lang naman ang yumayakap sa akin sa tuwing tatayo ako. "I-ikaw ba yan Anak?"

Para akong temang na umiiyak sa gilid nang kalsada. Namiss ko na ang Anak ko. Nasaan na kaya siya. Gustong-gusto ko na siyang makita.

***

Belphegor's POV

LUMIPAD AKO PABALIK SA KASTILYO bitbit ko ang mag-ina ko.

"Tiyo?" nilingon ko si Dominico. "Pwede ko pong alagaan si Roseta habang inaasikaso niyo si Tita Monica."

Napangiti ako. Mabait na Bata si Dominico, Anak siya ng kambal kong si Beelzebub at gaya ni Roseta Isa din siyang Cambions. Isang perpektong Cambions katulad ni Evo.

"Salamat. Kaya ko na to." saka ako nagpatuloy sa paglipad.

Pumasok ako ma sa bukas na bintana ng Kuwarto namin ni Monica. Maingat ko siyang inihiga sa Kama habang kalong ko pa din si Roseta.

Umupo ako sa gilid ng Kama habang pinaghehele ang hawak kong Sanggol.

Hinaplos ko ang maamong mukha ng Asawa ko. "Tu es maxime admirable donum I semper habes ex deo tuo." ( You are the most wonderful gift I ever have from your God. )

Yumuko ako para bigyan ito ng masuyong halik sa mga labi kasabay nang pagtulo ng mga luha ko. Umiiyak ako? Ito ang unang pagkakataong umiyak ako. Pumatak ang mga luha ko sa maputlang pisnge ni Monica. Malamig na ang Katawang Lupa niya... Wala na nga siya. Iniwan na niya kami ng Anak namin.

"Inveniam te, si anima tua corpus Mortale reliquerit. I transpire in tempore tantrum ad inveniendum te. Promitto." ( I will find you if your soul leave your Mortal body. I will cross the time just to find you. Promise. ) ito rin ang unang pagkakataon na nangako ako.

Niyakap ko si Monica sa huling pagkakataon. "Monica te amo."

Tumayo ako at lumingon sa bintana. Tapos na ang Digmaan sa pagitan nang mga Mortal at Demonyo. Isinakripisyo ni Monica ang sarili niyang Buhay para lamang sa akin. Isang tunay na pag-ibig na nauwi sa kamatayan ngunit nagresulta naman nang Kapayapaan at tagumpay naming mga Demonyo.

Yumuko ako at pinagmasdan ang munting alaalang iniwan sa akin ni Monica.

"Roseta, Anak. May pupuntahan tayong Lugar at sinisigurado ko na magugustuhan mo doon. Aalagaan at mamahalin ka nang taong pag-iiwanan ko sayo. Mahal na mahal kita Anak, gaya ng Mama mo. Kayo ang Mundo ko."

Parang maintindihan ako ni Roseta, ngumiti ito kahit nakapikit saka humikab. Kamukhang kamukha siya ng kanyang Ina.

Muli akong bumaling kay Monica. "Aalis lang muna kami ni Roseta. Babalik din ako."

Kinumutan ko muna ang malamig niyang Katawan saka ako umatras at naglaho kasabay ng hangin.

***

Marian's POV

BUMABAGYO ANG LAKAS ng hangin halos magtumbahan na ang mga punong nakapalibot sa munti kong Kubo. Wala ding tigil ang pagpatak ng ulan, nakapagtataka dahil kanina bago ako umuwe maganda ang sikat ng Araw ni walang ulap kaya bakit ngayon e parang dilubyo ata ang Isang to. Isa-isa kong itinali ang mga bintana ng Kubo ko. Umihip ang malakas na hangin nabitawan ko ang bintanang itatali ko na sana para maisara.

I am Belphegor Where stories live. Discover now