CAPITULUS VIGINTI SEPTEM

73 5 0
                                    

CHAPTER 27

Monica's POV

Naglaho sa harapan ko si Belphegor. Kahit anong pakiusap ko sa kanya ay nagawa niya pa rin kaming Iwan. Wala akong magagawa dahil tungkulin niya yon bilang Isa sa mga Prinsipe ng Impyerno.

Kasabay nang isang malakas ng tunog ang pagsakit ng tiyan ko unti unti hanggang sa sunod-sunod na. Mukhang manganganak ka ako!

Ang sakit! Para akong mahihimatay. Umatras ako sa kama saka ako tuluyang humiga para maiunat ko ang katawan ko habang parehong nakahawak sa tiyan mo ang mga kamay ko.

"A-anak lalabas ka na ba? Pero Dalawang Buwan ka pa lang---" namimilipit kong bulong.

"Aaaaahhhhh! Cherry!"  Tawag ko sa taga-silbi ni Belphegor.

"Madame!"  Agad itong sumulpot sa harapan ko.  "Ano pong nangyari?" May pag-aalalang tanong nito. Saka ito yumuko at hinagod ang buhok ko.

Napakapit ako ng mahigpit sa braso nito. Sa una nagulat ako dahil sing lamig ito ng yelo pero nakabawi din ako mula sa pagkabigla.

"Matagal na po akong Patay kaya po malamig ang buo kong katawan." Nakaramdam ako ng hiya sa sinabing yon ni Cherry.

Nauwi sa ngiwi ang ngiti ko nang sumumpong muli ang sakit! Napakapit ako ng masmahigpit kay Cherry.

"Madame. Huminahon lang po kayo at huminga ng malalim para masmadali po kayong manganak---" mahinahong turan ni Cherry.

"M-manganganak na a-ako?!"   Hindi makapaniwalang tanong ko.  "P-pero Dalawang Buwan pa lang ang tiyan ko!"  Tili ko ng muli itong sumakit. Ramdam ko ang malapot kong pawis.

"Wag po kayo mag-alala Madame kasama nyo po ako. Huminga lang po kayo nang malalim."   Inalalayan ako ni Cherry. Ibinukas ko ang mga paa ko para matulungan niya ako sa panganganak ko.

"Ito po Madame."  May hawak itong puting tela.

Ngumiti ito. "Panyo po ito. Kagatin nyo para makabawas sa sakit habang nanganganak po kayo."

Napatitig na lamang ako kay Cherry saka ko kinagat ang panyo. Isang masaganang luha ang sunod sunod na kumawala sa mga mata ko ng muling sumakit ang tiyan ko. Mariin akong napakagat sa panyo.

"Sige Madame. Kapag sinabi kong ere. U-mere kayo yung malakas para lumabas agad si Baby."

Tanging tango lamang ang naisagot ko kay Cherry.

"Ere!"

Kagat-kagat ko ang panyo saka ako u-mere. "UMMMMM!"

"Sige lang Madame---."

Sabay kaming napalingon ni Cherry sa direksyon ng malaking pinto. Nagkakagulo sa labas may mga sigawan kaming narinig. At higit sa lahat may putok ng Baril. Kinabahan ako dahil hindi gumagamit nang Baril ang mga Demonyong gaya ni Belphegor.

"Narito na sila---" bulong ni Cherry.

Inalis ko ang panyo. Kahit hirap na hirap ako ay sinikap kong magsalita gusto kong malaman kung anong nangyayari at kung sino ang tinutukoy ni Cherry.

"S-sino?"

Binalik nito ang pansin sa akin.  "Ang mga Mortal. Madame. Paniguradong hindi alam ni Master Belphegor na may nakapasok. Kasalukuyan silang abala sa pagdepensa sa Tarangkahan."

Binalot ako nang matinding takot. Malalim ang bawat paghinga ko bukod sa masakit na masakit ang tiyan ko ay hindi ko din alam kung paano ko maipagtatanggol ang sarili ko lalong lalo na ang Anak namin.

"Wag lang matakot Madame. Kasama mo ako. Malayo pa naman sila at madaming bantay sa Kastilyo wag lamang silang mahuhulog sa Engkantasyon ng mga Mortal. Kapag walang Engkantasyon wala din kwenta ang mga hamak na Mortal."

Marahan na lamang akong tumango bilang sagot sa mahabang paliwanag nito.

"Ngayon kelangan nyong u-mere ng matindi Madame."

Humugot ako nang Isang malalim na buntong hininga.

"ERE!"  Isang mahabang ere ang ginawa ko pinigil ko ang hinga ko.

"Nakikita ko na ang ulo ng Bata. Madame! Sige lang ere pa!"  Masayang sambit ni Cherry.

Sinunod ko ang sinabi nito. Bigay Todo akong u-mere.

"BELPHEGOR!!!!"  Sigaw ko sa pangalan nito.

"Madame! Lu-lumabas na ang Bata! Babae! At ang ganda niya!"  Agad na binalot ni Cherry ng puting tela ang Anak ko habang malakas itong umiiyak.

Hinang-hina napangiti ako Lalo nang ibigay na nito sa akin ang bagong silang kong Sanggol. Kinalong ko ito saka ko hinagkan sa noo gaya nang laging ginagawa ng kanyang Ama sa akin.

"Mahal na mahal kita Anak..." Mahinang sambit ko.

Biglang bumukas ang pinto ng Silid. Napatayo si Cherry upang protektahan ako at ang Anak ko.

"Sino kayo!? Mga lapastangang Mortal ang lakas ng loob niyong tumapak sa Kastilyo ng Maestro ko! Nararapat lamang na kayo'y parusahan!"  Hasik nito.

Nayakap ko ng mahigpit ang Anak ko.
Pilit akong tumayo at nagtago sa likod ni Cherry.

"Madame. Wag kayong matakot. Sa oras na sumugod ang mga Mortal na iyan, humiling kayo sa singsing para dalhin kayo kung asaan ngayon si Maestro Belphegor tiyak na hindi niya alam na nagsilang na po kayo masyado silang abala para sa mga ganitong bagay."

"P-pero pano ka Cherry?"

"Matagal na akong Patay sa oras na malagutan uli ako ng hininga hahalo na lamang ako sa hangin at maglalaho ng tuluyan kaya tandaan nyo ang sinabi ko tungkol sa singsing. Madame."

Tumango ako. "Oo. S-sa-lamat Cherry."

Nanatili itong nakatalikod sa akin. "Ikinagagalak kong makilala ka Madame. Ang magbuwis ng pangalawa kong Buhay ay nararapat lamang sa isang gaya nyo."

Mahigpit kong kinapitan ang natutulog kong Anak ni hindi siya gaanong umiyak kanina siguro ganon talaga ang mga Cambions iba Sila sa pangkaraniwang Bata.

"KUNIN NYO ANG MAG-INA!"  Sigaw ng Isang Lalake. Isa isa silang naglapitan sa amin ni Cherry.

Bahagya akong tinulak ni Cherry Bago siya nagpalit anyo bilang isang Dragon. Nagulat ang mga lalake napakalaking Dragon ni Cherry.

"Tumakas ka na Madame!"  Utos nito bago ito bumuga nang Apoy. Dahilsn para mapaatras ang mga Mortal na kalahi ko.

May pumasok na mga Lalakeng nakasuot ito ng Sutana ng Pari saka sila may inusal na isang panalangin hanggang sa gumewang gewang si Cherry at marahang bumalik sa tunay nitong anyo. Lalapitan ko sana siya nang bigla itong pugutan ng ulo ng Isa sa mga naka-Sutana. Gumulong ang ulo ni Cherry sa paahan ko saka iyon naglaho sa hangin gaya ng sinabi niya sa akin na hahalo lang ang mga gaya niya sa hangin kapag namatay sila.

Napailing ako.  "Hindi! Cherry! Pinatay nyo si Cherry! Mga walang hiya kayo!"

"Sumama ka sa amin pabalik sa Mundong kinabibilangan mo Monica."  Sagot ng isang naka-Sutana.

Kilala nila ako? Teka baka isa sila sa mga kasama ni Sir Alfonso! Napaatras ako.

"Sumama ka at hindi ka masasaktan kasama ang Anak mo."   Mahinahon nitong duktong.

Napasandal na ako sa pader. Hinigpitan kong Lalo ang yakap ko sa Anak ko. Pinagmasdan ko ang nahihimbing kong Sanggol. Lumabo ang mga mata ko dahil sa luha hanggang sa pumatak iyon sa maamong mukha ni Roseta.

"Anak. Pinapangako kong hindi ka nila mahahawakan kahit kelan." Itinaas ko ang kaliwang kamay ko saka ako humiling sa singsing.

"Dalhin mo ako kung nasaan si Belphegor!"

Natigilan sa paghakbang ang mga kapwa ko Mortal nagulantang sila nang balutin ako ng isang matibay na kalasag bago ako naglaho sa mismong harapan ng mga ito.




I am Belphegor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon