DI KA ESTUDYANTE KUNG..

370 6 4
                                    

Masarap maging estudyante, yan kasi ang panahon ng pagliligalig, katuwaan, kasiyahan, mga trip ng barkada, mga away, kalungkutan, at kung anu ano pang experience na ang sarap balik-balikan! Sa eskwelahan mabubuo ang buo mong pagkatao, dyan ka tatatag, hihina, madadapa at babangon. (Drama? Teleserye teh?) BASTA! Masaya! Ang saya saya maging estudyante pero hindi MAG ARAL. (Chos.) 

At dahil dyan, gumawa ako ng sampung karanasan ko habang nag aaral at sa tingin ko'y naramdaman niyo rin at naranasan.

# 1 -  Hindi ka estudyante kung di ka nakaranas ng classmate na mayroong SPECIAL POWER. Yung may mga putok at anghit, na kahit anong ipit ng may ari ay sisingaw at sisingaw padin. Balakubak, kulangot, muta na kahit gano kalaki at kaliit ay napakahirap na kumuha ng tiyempo para sabihin sa kanyang nag hihimala siya. Mabahong hininga at mabahong paa na maari namang iwasan ngunit pag nasinghot mo na, ay manlalaki ang iyong ilong. At ang pinakahuli, ang mga taong nakatae sa panty at sa cr na hindi makakaiwas sa asaran ng mga classmate na siya'y TUMAE. (TUMAEEEEEEEH!) 

Napakaswerte nga naman ng buhay kung mapagigitnaan ka ng kahit sino sa mga yan. SAAN KA LULUGAR? SAAN KA HIHINGA? (Phew! Combo teh! *boom boom boom*)

# 2 - Hindi ka estudyante kung hindi ka nahirapan sa transportasyon. Unahan sa LRT, MRT, jeep, tricycle, fx, wala nang matanda't bata, lalaki't babae, basta ako'y late na, UUNAHAN KITA. At kung kailangan mag jaywalking, GO!

# 3 - Hindi ka estudyante kung di mo naranasang ma-bored at tamarin sa isa mong subject. Yung tipong di mo lang kalaban ang kaboringan ng teacher, kalaban mo rin ang ANTOK at GUTOM. At dahil dyan, maraming estudyante ang nakatulala sa bintana, sa sahig, sa ceiling, sa pintuan, sa crush, at kung saan saan pa. Kasama na rin dyan ang mga non sense noise. Uso ang CUTTING at ABSENT. Yung tipong bored na bored ka, pero pag nalaman mong patapos na ang klase, bumabalik na ang sigla. POWERFUL! (Baket?!)

# 4 - Hindi ka estudyante kung di mo naranasang mainlove, magkacrush, ma infatuate, at mag assume sa isa mong classmate, sa iyong teacher, sa tindero't tindera...

# 5 - Hindi ka estudyante kung di mo naranasang pag may nahulog na gamit sayo o sa upuan mo, ay meron kang katabing automatic na kukuha nito para sayo. Pero dipende parin yun sa iyong katabi. Kung pagkatamad naman ng iyong katabi, kahit may nahulog, parang walang nangyari. (TAMAD MO!) So ikaw ngayon pag may nahulog, more on dapa, o gapang dahil pagkatamad ng katabi mo. (DAPA!) E kung yung pahulog-hulog ng mga gamit mo ay sunod sunod e katangahan na yan. BURARA. (PAGKABURARA!)

# 6 - Hindi ka estudyante kung di ka nakaranas ng hell week at ma-K.O. = KNOWLEDGE OVERLOAD dahil napakadaming topic na diniscuss ninyo, nakakatamad mag review. Last result ay MANGOPYA. (EXAM NANAMAN) 

# 7 - Hindi ka estudyante kung di mo naranasang magsinungaling sa iyong magulang. Yung kunyaring meron kayong group work sa bahay ng isa mong classmate kaya late ka nang makakauwi. Pero sa totoo lang ay magiinuman kayo o maglalakwatsa lang. Nababayaran kayo sa eskwelahan pero sa totoo lang, DOUBLE KICK BACK. NA KUNG MAKAKUBRA SI ATE BUNGGANG BUNGGA. (KUBRA!) 

# 8 - Hindi ka estudyante kung di mo naranasang matawag ng gulatan at bulagaan para mag recite at magbasa sa board. Na kahit gaano ka pa ka-confident at kagaling, ikaw padin ay kakabahan at mauutal pag ika'y pinabasa at sinabihan ng..."LOUDER!" Louder please. Na habang tumatagal ang iyong pagbabasa ay pahina ng pahina ang iyong boses. At meron pang ibang na uutal utal at kunyaring malabo ang mata, pero sa totoo lang, hindi nila alam ang basa sa salita.

"Malabo po kasi ma'am..."

"Anong malabo?! Nasa unahan ka na nga!"

# 9 - Hindi ka estudyante kung hindi ka nagsusulat sa likod ng notebook, sa pintuan,  sa upuan, sa likod ng bintana, sa pader...AND EVERYTHING! At napakaartistic ha. Meron hotdog with egg, peanut butter, mga lambak, at kung anu ano pang mga kalibugan na iddrawing kahit saan. Kasama na dyan ang pagpapractice ng pirma at pagsulat ng FLAMES at mga pangalan ng crush niya sa kahit anong mga papel papel.

# 10 - Hindi ka estudyante kung di mo naranasang mahingian, humingi at mahiraman, ng polbo, lapis, ballpen, medyas.. (NUBAYAN!), pambura, ruler, notebook, sagot sa exam, pera, pagkain, napkin, and EVERYTHING! At ang paghiram hiram ng mga bagay na hindi na nababalik. HIRAM NGA DIBA? HIRAM NA NAGING HINGI. MGA DI MARUNONG MAGBALIK! (Balik balik din.)

DI KA ESTUDYANTE KUNG..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon