CAPITULUS VIGINTI QUATTOR

85 6 0
                                    

CHAPTER 24

Nicholas' POV

Parang hindi huhupa ang malakas na ulan. Nilingon ko si Marian, mahimbing na ang tulog nito. Marahan kong hinaplos ang mukha nito.

Larawan si Marian ng isang simpleng may Bahay ni minsan hindi ko siya nakitang naglagay ng mga kolorete sa mukha. Kontento na siya sa mga bagay na ibinibigay ko sa kanya at hindi na naghahangad pa ng iba gaya ng Anak namin. Sinayang ko silang dalawa.

Unti unti akong nakaramdam ng antok kaya humiga ako sa tabi ng Asawa ko ito ang unang beses na nakaramdam ako ng antok simula ng umalis si Marian.

NAGISING AKO SA MABANGONG amoy. Umunat muna ako bago bumangon sa kinahihigaan ko. Medyo masakit ang katawan ko hindi kasi ako sanay humiga sa papag.

"Gising ka na pala."   Bati ni Marian habang abala sa pagbabalot ng mga paninda niyang Suman at Bico.

"Ubos na ang kape ko. Mamaya pa ako bibili pag-uwe kaya eto na muna kain ka na lang ng Bico bagong luto pa to saka masarap naman sabi ng mga suki ko. Ummm... maglalako na ako pagka-ayos ko ng mga paninda ko. Gusto mo bang sabay na tayo papuntang bayan o mauuna ka?"

Tumayo ako at humakbang palapit sa mesa. Kinuha ko ang iniabot niyang isang platito ng Bico. Humati ako ng maliit gamit ang kutsara saka ko tinikman.

Napangiti ako.  "Masarap nga."

Tumango lamang siya napakakaswal lang ng kilos nito parang estranghero na lamang ako para sa kanya.

"Ano sasabay ka ba sa akin papuntang Bayan?"   Ulit na tanong nito.

"Oo."  Saka ko inubos ang Bico.

Kinuha nito ang Kutsara at platito at hinugasan iyon. Pagkatapos non ay binitbit na nito ang isang Basket ng Suman at sa ulo niya may nakapatong na Bilao na naglalaman ng mga Bico. Parang may kumurot sa puso ko. Ang Babaeng ibinigay sa akin lahat eto ngayon nasa ganitong sitwasyon maspinili niyang maghirap kesa ang bumalik sa akin.

Bumaling ito sa akin.  "Tara na Nicholas."

Isinara lang nito ang pinto ng Kubo saka kami naglakad papuntang Bayan. Tahimik lamang kami ni hindi na niya ako nilingon. Mabilis kaming nakarating ng Bayan. Dire-deretso lang si Marian sa paglalakad parang hindi niya ako kasama.

"Suman! Bico!"  Paulit-ulit nitong sigaw para makabenta.

Masakit para sa akin na sa ganitong tagpo kami matatapos ng Asawa ko pero kasalanan ko naman ang lahat kaya wala akong karapatang magreklamo.

Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ng pants ko saka ko tinawagan ang Driver ko. Tingin ko uuwe na lang ako ng Maynila. Mukhang disidido na si Marian na makipaghiwalay sa akin.

                              ***

Monica's POV

Wala Si Belphegor nang magising ako. May marinig akong mahinang katok mula sa dambuhalang pinto ng Kuwartong kinaroroonan ko.

Bumukas iyon. Isang magandang Babae ang pumasok at may dala itong pagkain para sa akin. Tahimik itong naglakad hanggang makarating sa direksyon ng lamesa isa isa nitong inayos ang dalang pagkain.

Pinagmasdan ko itong mabuti. Napakaganda niya at sexy pa! Kulay Mais ang buhok nito na tuwid na tuwid kabaliktaran ng buhok ko na kulay Brown na medyo kulot pa. Nakaramdam ako ng Selos baka Isa siya sa naging Babae ni Belpepper!

Humarap ito sa akin saka bahagyang yumuko. "Kumain na po kayo. Madame."

"Ha? M-marunong ka ng Wika ko?" gulat kong tanong.

Tumango ito at deretsong tumingin sa akin. Mukha siyang foreigner pero marunong siyang managalog.

"Opo. Madame. Lahat po nang Lenguwahe ay kaya kong maintindihan."

"T-talaga? Kagaya ka din ba nila Belphegor?"   Muli kong tanong.

Umiling ito.   "Isa po akong hamak na Mortal. Nagkataon lang po na matagal na po akong namayapa at isa sa mga kakayahan ko bilang kaluluwa ay ang makaintindi ng mga Lenguwahe."

Gumapang ang kilabot sa buong katawan ko ng marinig ang sinabi nito na matagal na siyang Patay.

"I-ibig bang sabihin ka-kaluluwa ka na lang ba?"

"Opo. Pero may kakayahan po kaming makahawak ng mga bagay bagay. Madame."  Sagot nito.

"A-ah. Nakakatakot naman pala dito!" Napahawak ako sa tiyan ko na halos parang seven months na ang lake!

Tumawa naman ito sa reaksyon ko.

"Wag po kayong mag-alalaa Madame. Nakakatakot nga po kami at ganun din ang Lugar na ito pero makasigurado po kayo wala pong manakit o bastos sa inyo habang andito po kayo."

Tumayo ako at lumapit sa mesa kung saan nito inihain ang dalang pagkain.

"Teka, hindi pa kita kilala. Meron ka bang Pangalan?"

"Cherry. Ako po si Cherry."  Magalang nitong sagot.

"Cherry? Bagay sayo ang pangalan mo!".  Hinila ko ng Isang upuan saka ako umupo.   "Ako naman si Monica----."

"Asawa po kayo ni Master Belphegor. Tama po ba?"   Putol nito sa sasabihin ko.

"Ha? Naku! H-hindi naman kami Kasal e."   Sagot ko habang ngumunguya ng french toast ang sarap!

Tinuro nito ang suot kong singsing. "Yan po ang katibayan na kayo po ay Asawa ni Master Belphegor. Ang Pulang singsing na iyan po ang Simbolo ni Master habang Asul naman ang kay Master Beelzebub."

"G-ganon ba?"  Napatitig ako sa suot kong singsing. Kung ganon totoong mag-asawa na nga kami. Bahagya akong nakaramdam ng tuwa.

"Sige po Madame, aalis na po ako. Kung may kailangan po kayo ay ibulong nyo lamang po ang pangalan ko at dadating po ako.".  Tumalikod na ito at naglakad patungong pinto.

Masarap halos lahat ng dinalang pagkain ni Cherry. Naubos ko lahat. Sumandal ako sa kinauupuan ko saka ako dumighay.

Natawa akong mag-isa para lang akong timang. Nilibot ko ang mga mata ko sa malawak na Kuwarto ni Belphegor.

"Asan na kaya ang Papa mo, Anak." Sambit ko habang hinihimas ang tiyan ko. Maya maya pa ay nakaramdam ako ng pagkabagot. Gusto kong makita si Belphegor.

Tumayo ako mula sa kinauupuan ko saka naglakad lakad sa loob ng Kuwarto. May nakita akong malaking Cabinet, binuksan ko iyon.

"Wow!"  Namangha ako sa mga nakita ko ang daming mga Baluti at Kapa! Tumingkayad ako at kumuha ng Isang pulang Kapa. Ibinalabal ko iyon sa katawan ko.

"Naku! Ang laki naman nitong Kapa ng Papa mo Anak! Ano ba yan ang lamig dito sa loob kaya siguradong masmalamig sa labas! Di bale na ngang malaki ang mahalaga komportable tayo parang yakap ni Papa si Mama at ang bango ng Amoy!"

Ipinulupot ko sa leeg ko ang Kapa ni Belphegor saka ko itinakip sa katawan ko ang ibang bahagi nito.

"Ready na akong hanapin si Papa mo, Anak. Sana hindi tayo maligaw.". Dahan dahan ang paghakbang ko patungong pinto bahagya ko itong itinulak para bumukas.

"Ang dilim!"  Tili ko. Umalingawngaw ang boses ko kaya napahawak ako sa bibig ko.

May naka-agaw ng pansin ko, isa isa kasing nagliwanag ang mga sulo kaya nakita ko ang itsura ng labas ng Kuwarto. Nasa isang Kastilyo pala kami ngayon. Humakbang na ako palabas ng Kuwarto saka iyon isinara.

"Nakakatakot naman dito." Himas-himas ko ang tiyan ko pampawala ng nerbiyos saka sabi naman ni Cherry wala daw mangangahas na manakit sa akin dito kaya ayos lang siguro kung gumala ako, kaso kahit wala akong nakikitang tao o Demonyo e ramdam kong parang may nakatingin sa akin.

"Nasaan na ba ang panget mong Papa! Lagot siya sa akin kapag nakita ko siya!"   Para namang naiintindihan ako ng nasa loob ng Tiyan ko kung makapag-react ako.

Nagpatuloy lamang ako sa paglalakad.


I am Belphegor Where stories live. Discover now