CAPITULUS VIGINTI

75 6 0
                                    

CHAPTER 20

Belphegor's POV

"Asan ka na Monica?" bulong ko, kasalukuyan akong nakatayo sa labas ng Gate ng Hamilton International School. Inaabangan ko ang Best friend niyang si Arianne. Baka sakaling alam nito kung nasaan si Monica.

Nasulyapan ko na itong naglalakad patungong parking lot kaya agad akong kumilos para lapitan ito.

"Arianne." tawag ko.

Nilingon naman niya ako. Bakas sa mukha nito ang pagtataka.  "Kilala mo ako? Magkakilala ba Tayo?"

Ngumiti ako.  "Kaibigan ka ni Monica diba?"

Tumango ito. Pinagmasdan ako nito mula ulo hanggang paa.  "Sino ka naman? Bakit kilala mo ang Kaibigan ko?"

"Alam kong nabanggit na niya ako sayo."  Sagot ko.

"Nabanggit? Teka---."   Pilit nitong inaalala ang mga nakalipas na Pangyayari ng mamilog ang mga mga nito. "Wait! Don't tell me na ikaw si Belphegor!"

"Ako nga at may itatanong lang sana ako sayo."

"Oh my god! Akala ko ba may Sungay ka? Hindi ko akalaing nag-a-anyong tao ka din pala! Teka nga ano naman yung itatanong mo mukhang importante ata at nagpakita ka sa gaya ko."  Natawa ako ng mahina dahil magka-ugali silang dalawa ni Monica.

"Nawawala si Monica halos Dalawang linggo ko na rin siyang hinahanap pero kahit anong gawin ko hindi ko talaga siya makita----."

"Sandali lang Belphegor. Nawawala ba kamo si Monica?"

"Oo. Nung tinawag niya ako tanging plastik na lamang ng mga pinamili niya ang naabutan ko sa labas ng Mall."

"Teka. Kung ganon si Monica pala ang pinupuntahan nila Tito Nicholas sa Bicol."   Sagot ni Arianne.

"Bicol."

"Oo. Kasi nung minsan naghatid ako ng mga Dokumentong kelangan pirmahan ni Tito Nicholas e aksidenteng narinig ko silang nag-aaway ni Tita Marian. Umiiyak si Tita Marian at ang sabi pa nga kung sigurado daw bang safe na iwanan siya doon. Hindi sila nagbanggit ng pangalan e pero mukhang importante sa kanila kung sinuman yon."

"Sige salamat Arianne."  Aalis na sana ako ng pigilan ako nito.

"Diba Demonyo ka. Bakit hindi mo makita kung nasaan na si Monica?". Tanong nito.

Tumango ako.  "Nawawalan kami ng laban sa tuwing merong malakas na Engkantasyon o Rituwal pero yun ay kung mauunahan nila kami."

"So. Ibig sabihin sa kaso ni Monica merong taong kilala sina Tito Nicholas na marunong sa Rituwal."

"Ganon na nga. Sige hahanapin ko pa si Monica." hindi ko na itinago kung sino talaga ako. Nagputukan ang mga CCTV camera sa paligid saka ako nagbagong anyo bilang tunay na ako.

Napaatras ito sa takot pero maslamang ang pagkamangha nito sa tunay kong itsura.

"Ang galing! Sige hanapin mo ang Best friend ko at iuwe mo siya wag na wag mo siyang pababayaan!"  Nakataas pa ang isang kamao nito na akala mo ay makikipag-digma.

Naglaho ako sa mismong harapan nito.

Monica's POV

NAGUGUTOM NA AKO. Medyo malaki na din ang tiyan ko pero hindi pa din ako pinakawalan dito nila Daddy. Hinang hina na ako balak ba nilang patayin ako sa gutom. Nanlalabo na ang mga mata ko.

"Asan ka na Belphegor...."  Siya na lang ang tangi kong pag-asa.

Nanatili akong nakahiga saka ko muling ipinikit ang mga mata ko. Dinig kong bumukas ang pinto.

"Monica. Anak. Gising na diyan. May dala akong tinapay saka tubig, halika dito."

Nagmulat ako ng mga mata ko. "Mommy?"

"Ako nga Anak. May dala akong tinapay at tubig para may makain ka. Basta itago mo lang mabuti ha para Hindi makita ng Daddy mo."

Kinuha ko ang iniabot nito.  "Mommy b-buntis po ako nakiki-usap po ako sa inyo na tulungan nyo naman po akong makatakas dito. Nahihirapan na po ako."

Hindi sumagot si Mommy. Nanatili lamang siyang nakatitig sa akin habang umiiyak.

"A-anak nyo po at Apo nyo po itong dinadala ko. Kahit para po sa Bata tulungan nyo po akong makatakas. Ayoko pong isilang ang Anak ko sa Lugar na to. Kukutyain at pag-aaralan lang po siya ng mga tao---hindi ko po kakayanin yon Mommy."

"P-pasensya na Anak. Hindi kita kayang itakas dito kahit na gusto ko. W-wag kang mag-alala kakausapin ko ang Daddy mo tungkol sa Bata. Monica. Anak patawarin mo ako." Niyakap ako nito bago tuluyang umalis. Alam kong malaki ang takot ni Mommy kay Daddy... nananakit kasi si Dad, lage niyang pinagbububatan ng kamay si Mommy sa tuwing magkakasagutan sila kaya naiintindihan ko kung bakit ganon siya.

Gumapang ako palapit sa malamig na pader ng kulungan ko. May Dalawang linggo na din pala simula ng dukutin nila ako. Kumuha ako ng isang pirasong tinapay saka ko itinago sa gilid ang natitirang tinapay at tubig. May nakapa akong basag na bote, kinuha ko iyon saka ako kumagat ng kapiraso sa tinapay ko.

Hinaplos ko ang Malaki kong Tiyan tama nga si Belphegor na mahihirapan akong magdalang tao sa Supling niya Dalawang Linggo pa lang kasi pero mukha na itong nasa Pitong Buwan. Naiiyak ako sa tuwing maiisip ko na ihihiwalay nila sa akin ang Anak ko pagkaluwal ko sa kanya... parang hindi ko yun kakayanin.

Matagal kong tinitigan ang basag na bote at ang naka-tattoo na Simbolo sa kaliwang braso ko malapit sa palapulsuhan ko, maliit lang naman ito na bilog at sa loob ay may nakaguhit na bituin at may mga letrang hindi ko maintindihan kung para saan. Dahil dito kaya hindi kami makita ni Belphegor.

"Anak. Konteng tiis na lang dadating na din ang Tatay mo."  Humugot ako ng isang malalim na buntong hininga. Saka ko hiniwa ang tatak sa braso ko. Kahit masakit ay kailangang tiisin ko kung gusto kung makasama ang Anak ko. Pigil ko ang pagsigaw kahit napakasakit at napakahapdi na para ito sa Anak ko kaya kakayanin ko to!

"Belphegor!"  Tawag ko sa pangalan nito bago tuluyang manlabo ang mga paningin ko. Sana gumana--- tutumba ako ngunit bago lumapat ang ulo ko sa malamig na sahig ng seldang kinalalagyan ko ay may naramdaman akong mainit na mga brasong yumakap sa akin.

"M-Monica."   Kilala ko ang boses na iyon.

Pinilit kong magdilat ng mga mata ko. Napangiti ako sa nakita ko. Si Belphegor dumating siya!

"Salamat---- dumating ka----." Hanggang sa nabalot na ako ng kadiliman. Mamamatay na ba ako?

Alfonso's POV

LUMAKAS ANG HANGIN, NAMATAY ang ibang nakasinding kandila sa Altar.

Kinuha ko ang ginawa kong Tulos ito ang itatarak ko sa dibdib ng Demonyong si Belphegor.

"James kunin mo isang Tulos."  Utos ko dito.

Sumunod naman ito kaso halatang kabado ito.

"B-bakit?"   Tanong ni James.

Ngumisi ako sa kaduwagan nito.

"May Bisita tayo at nasa Basement ito."   Naglakad na ako pababa ng hagdan.

Nadaanan pa namin ang mag-asawa na halatang nag-aalalang sumunod sa amin ni James.

"Bakit tayo bababa. Siguradong tulog na ang Anak namin."  Pigil ni Mister Nicholas.

"Hindi nag-iisa ang Anak niyo sa mga oras na ito. May kasama siya."  Sagot ko.

"Ano? Sino? Wala naman akong nakitang pumasok sa pinto maliban sa atin diba!"  Natawa ako ng mahina sa kabobohan ng Ama ni Monica.

"Ang ibig kong sabihin ay kasama na ng Anak nyo ang Demonyong si Belphegor kaya humanda na kayo sa maaari nyong makita sa basement."

Tahimik kaming naglakad pababa. Sarado pa din ang pinto. Ramdam ko ang kumakawalang galit ng Demonyo si Belphegor. Binuksan ko ang pinto at ayun nga nawasak na niya ang selda ni Monica pero hindi niya kayang gumalaw dahil sa mga Rituwal na nakasulat sa pader at sa lapag.

Galit na galit ito habang nakatitig sa amin. Kalong nito si Monica habang tumutulo ang dugo mula sa kaliwa nitong braso kung saan niya nilaslas ang bahagi ng kanyang balat na nagtataglay ng Marka ng Orasyon para hindi ito makita at malapitan ng Demonyo.

I am Belphegor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon