CAPITULUS UNDEVIGINTI

72 6 0
                                    

CHAPTER 19

Monica's POV

Bakit malamig? Nagmulat ako nang mga mata ko. Madilim at tanging isang kulay dilaw na bombilya lang ang ilaw sa Lugar na kinalalagyan ko. Anong Lugar ito? Medyo masakit pa ang ulo ko dahil sa nalanghap kong pampatulog.

Teka bakit may rehas? Dali dali akong bumangon baka nananaginip lamang ako. Pero napagtanto kong hindi ako nananaginip nang lumapat ang mga kamay ko sa bakal na rehas.

"I-ikinulong ako ni James?"  Lalong sumiklab ang galit ko sa Lalakeng yon!

"PALABASIN NYO AKO DITO! TULONG PO! MAY TAO BA DIYAN! TULUNGAN NYO PO AKO!"  Sigaw ko.

Napalingon ako sa bandang kaliwa ko ng may narinig akong bukas na pinto. Nabuhayan ako ng loob dahil may nakarinig sa akin. Pero naglaho yon nang makilala ko kung sino Sila.

"D-Daddy? M-Mommy?"   Nagtatakang tanong ko.

Agad na lumapit si Mommy at niyakap ako kahit may nakapagitan sa amin na bakal.

"Mommy. B-bakit po andito kayo?" Naguguluhan ako, ibig bang sabihin kasabwat siya ni James?

Umiling si Mommy.  "Monica. Anak wag ka sanang magagalit sa amin ng Daddy mo, gusto lang namin na umuwi ka na sa amin."  Mahinang turan nito.

"P-pero ayos lang naman po ako. Mommy please pakawalan nyo po ako dito. Please Mommy----."   Hawak ko nang mahigpit ang mga kamay nito. Namiss ko ang Nanay ko sobra. Medyo pumayat siya kahit ilang linggo pa lang kaming nagkakahiwalay.

Umiyak si Mommy saka nito binitawan ang mga kamay ko. "Sorry, Anak. Para din ito sa ikakabuti mo---."

"Mommy naman ano hong mabuti dito sa kalagayan ko ngayon? Kinulong ho ako ni James na parang Aso!"  Bumaling ako kay Daddy. "Please po pakawalan nyo ako dito. Wala ho akong ginagawang masama kaya hindi nyo ho ako dapat trinatrato ng ganito! Anak nyo po ako!"

"Tumahimik ka!"   Hasik ni Dad sabay hatak nito kay Mommy.  "Nakakahiya ka! Ipinagpalit mo kami na magulang mo sa Isang Demonyo! Ngayon mo subukang humingi ng tulong sa Kasintahan mong Demonyo!"

"May pangalan po siya!"   Ganting singhal ko.

"Wala akong pakialam kung sino pa siya o ano pa siya! Anak kita kaya hindi ako papayag na gamitin ka lang niya!"

Sasagot pa sana ako ng may pumalakpak. Nanlaki ang mga mata ko na makilala ko kung sino ang kasama ni James na pumasok sa Kuwartong kinalalagyan ko.

"Sir Alfonso?"

Nilahad nito ang mga kamay sa hangin na para bang nangiinsulto. "Ako nga Miss Santos. Ikinagagalak kong makita kang muli."

Hindi ako makapag-isip nang tama. Anong kinalaman ni Sir Alfonso sa mga bagay-bagay sa pagitan namin ng Daddy ko at ni James?

Ngumisi si Sir Alfonso.  "Naguguluhan ka ba Monica? Okay Sige ipapaliwanag ko sayo."   Humakbang ito palapit sa seldang kinalalagyan ko.

"Hininge ng Daddy mo ang tulong ko para mailayo ka sa Demonyong si Belphegor---tama ba? Si Belphegor ang Demonyong natawag mo daw sa isang Rituwal. Kahanga-hanga dahil madalang silang magpakita at tumupad ng kahilingan ng mga gaya natin maliban na lang kung----."

Bumaling ang tingin nito sa singsing na nasa palasingsingagn ko. Saka ito ngumising lalo na akala mo e nakakurakot ng Milyones!  "Sabi ko na nga ba. Mahalaga ka para sa Demonyong yon hindi ka niya bibigyan ng singsing kung balewala ka lang sa kanya. Sabihin mo nga may nangyari na ba sa inyo?"

"Mister Alfonso! Wag mong pag-isipan ng ganyang ang Anak ko!"   Saway dito ni Mommy.

Nagkibit balikat lang si Sir.  "Wala naman akong sinabing masama. Saka ni hindi nga siya nakasagot. Ano Monica may nangyari na ba sa inyo ng Demonyong si Belphegor?"

I am Belphegor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon