CAPITULUS SEPTENDECIM

86 5 0
                                    

CHAPTER 17

Monica's POV

Nagmulat ako nang mga mata ko bahagya akong napangiwi ng maramdaman ko ang sakit sa pagitan ng mga hita ko. Sinipat ko ang kabilang panig ng kama. Nakaramdam ako ng lungkot... naglaho na naman siya. Nagbabadya nang pumatak ang mga luha ko nang biglang bumukas ang pinto ng Kuwarto ko. Agad akong napakapit ng mahigpit sa kumot na nakabalot sa katawan ko. Wala namang ibang tao sa Unit ko kaya sino ang nagbukas ng pinto.

Natigilan ako paglingon ko.

"Natakot ba kita?"  Masuyong tanong nito.

"B-Belpepper? Totoo ba to? Teka nananaginip ba ako ngayon?"

Humakbang ito palapit sa kamang kinahihigaan ko. Medyo nahiya ako ng mapansin ko ang kulay pulang mantsya sa Bedsheet agad akong nagbaba ng tingin.

Huminto ito sa gilid ng kama at umupo.  "Nasa totoong Mundo tayo ngayon Monica."

"Talaga? Pe-pero diba hanggang Limang Minuto ka lang nagtatagal sa Mundo ng Mortal?"   Iniiwasan ko ang mapatingin sa kanya nahihiya kasi ako saka Tama sila malakas nga ang dating niya.

Natawa ito.  "Masmalinaw kong naririnig ang mga iniisip mo Monica."

Nakakahiya Lalo lamang akong yumuko para maitago ang pagkapula ng mukha ko.

"Ikaw ang dahilan kung bakit ako ngayon naandito."

"Ako? Talaga?"   Nanatili pa din akong nakayuko.

Naramdaman ko ang mainit na kamay nito sa baba ko at bahagyang itinaas ang mukha ko kaya nagtama ang mga mata namin.

"Dahil sa pagsuko mo sa akin." Bahagya siyang napangiti saka niya ako hinagkan sa noo.  "Nagluto ako. Saglit lang at dadalhin ko dito para makakain ka."

Hindi na ako naka-imik pa. Sinundan ko na lamang siya ng tingin. Naka all black siya na bumagay naman sa kanya.

Muling bumalik si Belphegor na may dalang tray nakapatong don ang Isang Plato ng Kanin at isang mangkok ng Nilagang Baka. Inamoy ko iyon.

"Ang bango! Marunong ka palang magluto?"  Maang kong tanong.

Ngumiti siya at tumango. Ang Guwapo niya talaga.

Tumawa na naman siya.  "Sabi ko naman sayo naririnig ko ang iniisip mo. Monica."

Nilapag muna niya sa bedside table ang dalang tray saka niya ako tinulungan na bumangon at sumandal sa headboard ng kama namin. Ang init ng kamay niya para akong napapaso.

Napangiti siya.  "Sorry."

Umiling ako. Saka ako umayos ng pagkaka-upo. Kinuha nito ang dalang tray saka inilagay sa ibabaw ng mga hita ko. Meron namang stand ang tray kaya nagmukha itong maliit na mesa.

Kinuha ni Belphegor ang kutsara at tinidor.

"Ako na. Susubuan kita."  Habang naglagay ito ng ulam at konteng sabaw sa Plato ko. Bahagya pa niyang inihipan ang isang kutsarang kanin.

"O ito na."   Tukoy nito sa hawak na kutsara nahihiya man ako e wala na akong nagawa kundi ngumanga para isubo ang laman ng kutsara.

Agad kong naramdaman na nag-init ang mga pisnge ko. Hindi kasi ako sanay ng ganito na may trumatrato sa akin ng parang Prensesa.

"Masarap ba?"  Ramdam kong nag-init ang mga tainga ko sa tanong niyang iyon.

Tumango lamang ako.

Hindi na uli nagsalita si Belphegor hanggang sa maubos ko lahat ng dinala niyang pagkain.

"Gusto kong magresign ka na sa trabaho mo."  Seryosong sambit nito habang isa isang inayos ang mga nagamit namin.

"Ha? B-bakit? Dahil ba sa may nangyari na sa atin kaya bawal na akong magtrabaho saka wala pa naman akong Isang buwan sa trabaho ko e."  Tutol ko.

Tumayo ng tuwid si Belphegor saka tumitig sa akin.

"Isa kang tao at isa akong Demonyo. Alam mo bang tatlong Buwan lang at ipinapanganak na ang mga Cambions."

"Cambions?"  Ulit ko sa huling sinabi nito.

"Mga anak namin na kalahating tao at kalahating Demonyo."

Napatitig ako sa kanya. "M-may mga naging Anak ka na ba Belpepper?"

Tumango siya. Parang may kumurot sa puso ko bigla akong nagbaba ng tingin. Hindi ko alam pero bigla ko na lang naramdaman na nasaktan ako.

"Imortal ako Monica. Buhay na ako noong kapanahunan pa lang ni Cristo. Madami na akong nakilalang babae pero walang gaya mo. Naiiba ka sa kanila dahil nilikha ka ni Bathala para sa akin."

"N-nagkaroon ka ba ng Anak sa mga naging Babae mo?"  Malungkot kong tanong ni hindi ko sinalubong ang tingin nito.

"Oo. Madami akong naging Anak sa iba't ibang Babae."  Walang kakurap kurap nitong sagot.

"E asan na sila?"

"Wala na. Gaya ng kanilang mga Ina maslamang ang pagigi nilang tao tumatanda at nagkakasakit hanggang sa namatay sila. Ilang Anak na din ang inilibing ko mismo gamit ang mga kamay ko. Iyon ang pinakamasakit na parte ng pagiging Imortal dahil masasaksihan mo ang pagpanaw ng mga taong mahalaga  sayo."   Ramdam ko ang lungkot sa bawat pagbigkas niya siguro mabuting Ama si Belphegor.

"Oo. Lahat sila Minahal ko dahil mga Anak ko sila."   Napa-angat ako nang tingin at hindi na ako nakaiwas pa ng magtama ang mga mata namin, nababasa nga pala niya ang iniisip ko.

"S-si Mary Magdalene. Sabi ng Professor ko naging kayo daw totoo ba yon? Saka binigyan mo din ba siya ng singsing?"  Mahinang tanong ko.

Tumawa ito. "Isang gabi lang yon Monica. At tanging Ikaw lang ang binigyan ko ng singsing wala nang iba. Kung ayaw mong maniwala wala akong magagawa. Demonyo nga ako pero kahit kelan hindi pa ako nagsinungaling o nanloko. Hindi din kami mahilig mangako. Pero pinaninindigan namin ang bawat salitang binibitawan namin kaya makakaasa ka sa katapatan ko bilang iyong Kabiyak."

"Wala naman akong sinabing manloloko ka o sinungaling ka ah. Sige na lumabas ka na ng Kuwarto maliligo na kasi ako."  Lagtataboy ko sa kanya.

Ngumiti lang siya saka tumango.

"Masusunod."  Saka ito tuluyang lumabas dala ang tray.

Tumayo na ako at nagtungo sa banyo. Naku. Masakit pa din. Pero wala akong pinagsisisihan kahit pano ngayon pwede ko na siyang makasama nang masmatagal pa sa Limang minuto!

I am Belphegor Where stories live. Discover now