DAE XII

7.3K 304 44
                                    

"Babe may bago daw tayong prof na papalit kay Sir. Kalbo- I mean Sir. William, I heard maganda daw siya." bungad sa akin ni Kay nang makapasok ako ng room, tinaasan ko ito ng kilay.

"So, pake ko?" tinawanan lang nila akong dalawa ni Bre, "Oh right nasa kay Prof. K na pala attention mo." natatawang saad ni Bre na tinanguan naman ni Kay.

Prof. K na ang tawag nila kay Shira dahil daw para mas maikli.

"Pinagsasabi niyo diyan."

"Sus totoo naman e, nakita ko ngang nilandi mo siya kanina dub sa parking lot, sakit nun be deadma ka." sinamaan ko naman si Bre dahil sa sinabi nito, nakita niya yun?

"Seryoso? ang lakas mo talaga Ryuu!" nagtakip pa ito ng bibig na para bang gulat na gulat sa narinig niya.

Inirapan ko sila at umupo na sa upuan ko, agang aga namb-bwesit sila.

"Ano gagawin mo pagkatapos ng klase, babe?" tanong ni Kay, "Volleyball."

"Wow you play?" tinanguan ko lang ito.

"Ano nga ulet subject natin ngayon?" napatingin kaming dalawa ni Kay sa gawi ni Bre pagkatapos niya itanong ito, seryoso hindi niya alam ang schedule niya?

"Kay sir. William, ay hindi na pala dahil may bagong prof tayo na papalit kay kalbo." sagot ni Kay, napailing nalang ako dahil tinawag nanaman niya itong kalbo si sir.

Natahimik ang buong klase nang bumukas ang pinto, nanlaki ang mata ko nang makita ang babaeng pumasok.

Anong ginagawa niya dito!?

She roamed her eyes at nang nagtama ang mga mata namin ay bahagyang ngumiti ito.

"Hoy ano yun?"

"Kilala mo siya babe, nginitian ko oh."

Bulong ng dalawa kong kaibigan.

"Hello everyone, I'm Athena Laurent Durelli. I'll be the professor that will replace Mr. William, I hope we get along well." nakangiting pagpapakilala nito sa amin.

Tumango tango kami dito at agad niya ding sinimulan ang klase pagkatapos naming magpakilala.

"Class Dismissed."

"Hoy mauna na kayong dalawa sa gym, susunod nalang ako." saad ko sa dalawa kong kaibigan, tinignan lang ako nito at tumango bago tuluyang umalis.

Lumapit ako sa desk ni Athena, "So you're a professor?" hindi makapaniwalang tanong ko dito na ikinalingon niya, may ginagawa kasi ito sa laptop.

Tumawa ito ng mahina "And you're a student, I thought you were already working." natawa ako dahil sa sinabi nito.

"Well I thought that too." natatawang saad ko na ikinatawa din niya, "Well welcome to our University, Professor Durelli." nginitian ko ito na ikinangiti niya din, "Thank you Ms. Calanthe."

"Just call me Ryuu wala naman akong problema kung yan tawag nigo sa akin."

"Gusto ko yung iba dahil alam ko may tumatawag na sayo niyan, hmm..how about Thya?"

A/N : Thya = Thea

I chuckled, "Sure Professor Durelli." diniin ko ang word na professor na ikinasimangot naman ng isa.

"Call me Athena or Athy when we're not in campus or kung tayo lang dalawa, and Prof. Laure kung nasa campus." saad nito na ikinangiti ko.

"Sure Prof. Laure, I'll be going na po."

"See you around, and I forgot to tell you what Dion wanted to say to you. He said ‘Let's play when we meet again Mama!’ yun ang sinabi niya."

Ngumiti ako dito, "Where is he now?"

Drown An Eye [UNEDITED]Where stories live. Discover now