CAPITULUS QUATTUORDECIM

73 6 0
                                    

CHAPTER 14

Monica's POV

Inayos ko na ang sarili ko. Kelangan ko munang maghanap ng trabaho. Pinunasan ko na ang mukha ko. Humanap ako ng medyo desenteng damit na maisusuot. Isang Gray V-neck shirts ang napili ko at isang Black Highwaist pants. Inayos ko ang pagkaka-tuck in ng t-shirt ko. Tinali ko ang medyo kulot kong buhok para malinis tignan. Naglagay lang ako nang kaunting lipstick na kulay pula.

Kinuha ko ang Backpack bag ko saka ko nilagay sa loob nito ang Resume ko at ilang personal belongings. Lumabas na ako ng Condo Unit. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ako naglakad patungong Elevator.

MADAMING TAO ngayon sa MOA kahit Sabado. Inabot ako ng maghapon sa kakahanap ng trabaho. Halos lahat ng Shop sa loob e binigyan ko ng Resume ko kaya imposibleng walang tatawag sa akin.

Nasa seaside ako ng mag-ring ang cellphone ko. Unknown number. Baka isa sa mga pinagbigyan ko nang Resume. Sana nga.

"Hello?" sagot ko.

"Yes. Miss Monica Santos?"

"Opo. Ako nga po. Sino po sila?"

"Ah. Dito to sa Cafeleaf Coffee Shop. Okay lang ba kung pumunta ka ng 3:00pm dito sa Shop ngayon sana tutal nakalagay dito sa Resume mo na sa Halo Condominiums ka lang nakatira tama."

"Opo! Sige po dadating po ako ng masmaaga pa po sa 3:00pm. Kelangan po ba na formal attire po ba? O casual po?"  Excited kong tanong.

"Pormal attire sana. Sige aasahan kita dito mamaya. Salamat Miss Monica."

Napatalon ako sa tuwa. Sa wakas may trabaho na ako! Kahit ano pa yan basta may trabaho na ako! Bigla akong nahiya nga mapansin kong pinagtitinginan na ako ng mga tao. Napakamot na lamang ako sa ulo ko sabay tikhim, inayos ko muna ang sarili ko bago ako naglakad pabalik ng Condo. Kelangang maghanda ako para mamaya sa Interview ko!

HAPON NA KAYA inumpisahan ko ng maglakad papunta sa Cafeleaf Coffee Shop. Formal attire daw kaya nagsuot ako ng Black Pencil cut na Skirt na tinernuhan ko ng White Long sleeves Blouse... tinak-in ko ito sa loob ng Skirt ko tutal Highwaist naman ang pagkakayari nito. Meron ako dalang Shoulder bag para naman sa personal belongings ko. At lastly is my Heels! Isang Black colored heels ang tinerno ko sa outfit ko.

Naglagay ako ng kaunting make-up at lipstick. Itinali ko ang buhok ko para maskagalang galang akong tignan.

Nasa Ground floor lang naman ang Coffee Shop na pupuntahan ko kaya hindi ako mahihirapang umakyat pa.

"Hello po."  Bati ko sa Babaeng nasa Counter.  "Ako po si Monica Santos. Pinababalik po ako ng Alas tres ng hapon para po sa Interview."

"Ah. Ikaw yong Aplikante. Sunod po kayo sa akin. Dito po tayo." Nakangiting sagot nito.

Napansin kong sige ang lingon nito sa akin. Bakit kaya?

"Ah Miss? May dumi po ba ako sa mukha?"  Tanong ko dito.

Umiling ito. "W-wala po. Ang ganda nyo po kasi. Sigurado akong matatanggap po kayo dito."

"Ah... Naku. Nadala lang po sa make-up pero hindi po ako maganda. Sakto lang po."  Medyo nahihiyang sagot ko.

Huminto ito sa pinakasulok ng Shop saka ito humarap sa akin.  "Dito na po muna kayo mag-antay. Tatawagin ko lang po si Sir Carlo, siya po ang Store Manager namin dito."

Umupo ako sa upuang itinuro nito. Pangdalawahan lamang ang mesang yon. Medyo malayo sa ibang Costumer kaya siguro doon ako pina-upo para nga naman magkaintindihan kami nung mag-i-interview sa akin. Napatitig ako sa poster na nakadisplay sa kabilang Store, larawan yon ng isang Demonyo na Character sa isang Laro. Bigla kong naalala si Belphegor. Ano na kayang ginagawa niya. Ang sabi niya isipin ko lang daw siya para marinig niya ako kaso ilang beses ko na siyang iniisip e wala pa din siyang paramdam. Siguro Galit siya dahil niyakap ko siya kanina pati nung nakaraan. Baka ayaw ng mga gaya niyang Demonyo ang niyayakap sila. Napabuntong hininga ako.

I am Belphegor Where stories live. Discover now