CAPITULUS TREDECIM

69 5 0
                                    

CHAPTER 13

Monica's POV

Maaga akong nagising. Napagdesisyunan kong maghanap nang trabaho para hindi na lang laging siya yung sasagot lahat ng pangangailangan ko. Buti at dala ko ang Laptop ko. Gumawa ako ng Resume ko saka ko save muna sa usb mamaya kapag bukas na ang Mall doon ko na lang ipapa-print total doon din naman ako maghahanap ng trabaho.

Luto na ang Almusal ko. Piritong itlog at hotdog! Inisa-isa ko ang Kitchen cabinet at wow kumpleto. May nakita akong loaf bread kinuha ko iyon saka ako umupo sa harap ng mesa. Medyo nakaramdam ako ng lungkot. First time kong mag-aalmusal na hindi kasalo si Mommy. Napabuntong hininga na lamang ako. Kelangan ko to dahil gusto kong manindigan sa sarili ko. Nag-ring ang cellphone ko, si Arianne. Kinuha ko iyon at sinagot.

"Hello."  Bungad ko.

"Asan kang babaita ka? Alam mo bang nag-aalala na sayo si Tita Marian. Ano kumusta ka naman? Kumain ka na ba---."  Sunod-sunod na tanong nito.

"Hey! Hey! Isa isa lang pwede mahina ang kalaban e. Saka ayos lang ako. Pakisabi kay Mommy na wag siyang mag-alala okay lang ako." Paninigurado ko sa kaibigan ko.

Narinig ko itong bumuntong hininga. "Okay, Beshie sasabihin ko. Pero asan ka na ba? Nasa Earth ka pa rin ba?"

Natawa ako sa tanong nito.  "Oo naman! Nasa Earth pa din ako. Ummm mag-a-apply ako ngayon ng trabaho e."

"Apply? Magtatrabaho ka ba?"  Gulat na tanong nito.

"Oo. Bakit parang gulat na gulat ka?" Balik tanong ko sa kanya.

"E Beshie ilang Buwan na lang Graduation na natin diba. O pano yon? Kung magtatrabaho ka pano mo pagsasabayin? Saka hindi ka sanay ng nagbabanat ng buto diba. Saka sigurado ka bang ayos ka lang?"

Napa-irap ako sa tanong niyang yon sabay tawa.  "Oo nga ayos lang ako. Bakit naman ako hindi magiging okay?"

"Kasi naglayas ka saka sabi ni Tita pina-freeze na ni Tito lahat ng Bank Account mo e."

"Ah. Okay. Salamat sa pag-inform pero na-widraw ko lahat ng laman ng ATM ko kahapon pa."  Pagmamalaki ko.

"Wow! Talaga. Buti naman pala kung ganon kasi hindi na kami mag-alala pa ni Tita Marian kung may pambili ka ba nang pagkain mo o wala."

"Oo. Saka... Ummm. Arianne. M-may tumulong sa akin e."  Kabadong pag-amin ko.

"Tumulong? Sino?"

"Naalala mo ba yung kwento to ko sayo?"  Pagsisimula ko.

"Kwento mo? Tungkol saan?"  Halata sa tinig nito na naguguluhan ito sa mga pinagsasasabi ko.

"Tungkol sa Rituwal-----."   Naputol ang sasabihin ko nang marinig ko itong suminghap.

"What!? OMG! Monica Beshie! May ginawa ba sayo ang Demonyong yon!?"  Nagpapanic na tanong nito.

"Wala. Wala siyang ginawang masama sa akin Besh. Ang totoo nga niyan kabaliktaran lahat."

"W-hat do you mean?"

"Ummm. Binilhan niya ako ng Condo at bibigyan niya ako ng Pera. Kaya nga gusto kong magtrabaho dahil nahihiya ako sa kanya kung aasa na lang ako lage sa bigay niya... diba."

"Oh my--- shit! Totoo ba!?"   Bulalas na tanong nito.

"Hello. OO. Totoo nga!"  Sagot ko.

"Monica. Beshie. B-baka gusto ka nung Demonyong yon?"  Alam kong kinikilig na ang loka loka pinipigilan lang.

Napasulyap ako sa kaliwa kong kamay kung nasaan nakalagay ang singsing na ibinigay nito sa akin. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin kay Arianne na mag-asawa na kami ni Belphegor o hindi.

I am Belphegor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon