CAPITULUS DUODECIM

70 6 0
                                    

CHAPTER 12

Belphegor's POV

Agad akong nagtungo sa Palasyo ni Lucifer. May gusto akong isangguni sa kanya at sana matulungan niya ako.

Napailing na lamang ako ng makita ko si Asmodeus sa anyong tao nito habang may hila-hilang kahabag habag na kaluluwa ng isang Mortal.

"Asmodeus."  Nilingon ako nito sa aming Pito ito ang pinaka magandang Lalake. Mapang-akit at Isa siya sa makasalanang Anghel na gaya ko.

"Belphegor."  Nakangiting turan nito.

Huminto ako sa harap nito at nang kasama nitong babae. Pinagmasdan ko itong mabuti. Isa din itong Mortal gaya ni Monica. Yon nga lang makasalanan siya kaya dito siya napunta at pabor yon kay Asmodeus para sa kanya masmaraming Babae masmasaya.

"Ubi est Lucifer?" ( Where is Lucifer? ) tanong ko.

Tumawa ito ng nakakaloko. Habang sige ang yapos sa dibdib ng Babae.

"Ipse in solio suot sedet."  ( He is in his throne sitting. )  Sabay halik nito sa labi ng Babae. Napailing na lamang ako.  "Quare?"  ( Why? )

"Nihil negotii tui Asmodeus. Et tu desine molesam illam miseram animam."  ( None of your Business Asmodeus. And will you stop bothering that poor soul. )   Hinatak ko ang kaawa awang kaluluwa mula dito.

Umiiyak ang kaluluwa ng Mortal. Takot na takot ito kay Asmodeus. Lalapitan pa niya sana ito ngunit pinigilan ko na siya.

"Ikaw Babae. Gusto mo bang magsilbi sa Kastilyo ko bilang Alipin ko o mabubulok ka dito kasama ni Asmodeus ang Demonyong mahilig sa kamunduhan. Sagot."   Mataman ko itong tinitigan.

Tumango lang ito bilang sagot. Hindi na ito nakapagsalita sa sobrang takot.

"QUID EST!?" ( WHAT!? )   Angil ni Asmodeus sa sagot ng Babae.

"Servus meus nunc est. Meliora Manus. Asmodeus." ( She's my servant now better hands off. Asmodeus. ) Babala ko dito.

Bumaling ako sa Babae.  "Antayin mo ako dito. Hindi ka na hahawakan nag isang yan."

Lumuhod ang Babae at humalik sa mga paa ko tanda nang katapatan nila bilang Alipin. Napailing na lamang si Asmodeus saka ito naglaho.

"Tumayo ka na Mortal. Anong pangalan mo?"  Tanong ko.

Nag-angat ito ng tingin.  "C-Cherry po. Panginoon."

Tumango ako.  "Mag-antay ka dito sa labas isasama kita sa Kastilyo ko. Naiintindihan mo ba Mortal?"

"Opo."  Tumayo ito at agad na yumuko.

Bumukas ang malaking pinto ng Tarangkahan ng trono ni Lucifer. Pumasok ako. Saka ito nagsara.

Nakatunghay ako ngayon sa Hari ng Impyerno. Wala siyang Korona gaya ng sa Mortal ngunit taglay niya ang ang pagkilala namin sa kanya bilang Hari.

"Quid vis. Belphegor?". ( What do you want. Belphegor? )

"Volo me tempus in terra!". ( I want my time on Earth! )  Angil ko.

"Orerti sunt Humana Belphegor et nos habet leges quod nos musti sequor."
( They are Humans Belphegor and we have Laws which we must follow. ) Paliwanag ni Lucifer. Alam ko ang tungkol sa Batas na iyon ngunit gusto kong magbakasakali.

"Scio." ( I know. )  Mahinang sagot ko. Kung ganon kahit ang pinakamataas na Uri ng Demonyo ay hindi kayang baliin ang Batas na itinakda ni Bathala.

"Quare?" ( Why? )

Seryoso akong sumagot. "Volo custodire eam." ( I want to protect her. )

Mahinang bumuntong hininga si Lucifer. Alam kong ramdam nito ang malalim kong damdamin para kay Monica.

I am Belphegor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon