CAPITULUS DECEM

67 5 0
                                    

CHAPTER 10

Monica's POV

Nagising ako sa tunog nang Alarm clock ko. Ano ba yan ang agang manggising nitong isang to ah! Napahawak ako sa ulo ko. Medyo kumikirot kasi pano kulang sa tulog.

Tatayo na ako ng mapako na naman ang tingin ko sa singsing na nasa kaliwang kamay ko. Napabuntong hininga na lamang ako saka ko inayos ang mga unan ko at ang kumot ko. Pagkatapos ko ay pumasok na ako ng banyo at naligo para pagbaba ko mag-aalmusal na lang ako at ready to go na sa School.

Isinuot ko na ang Maroon kong Uniform. Sa Hamilton International School ako nag-aaral at Business Management at kinuha kong Kurso. Ilang Buwan na lang at Graduation na. Hindi naman ako Honor student pero hindi naman ako bumabagsak kahit paano masipag akong mag-aral at hindi din ako bulakbol at lalong hindi ako mahilig sa mga Cute guys o ang makipagharutan.

Natigilan ako sa pagsuklay ng buhok ko. Nakaramdam ako ng konteng lungkot--- may Asawa na nga pala ako. Isang pagkalalim lalim na buntong hininga ang pinakawalan ko dahil sa isang hiling na yon nabago ang Buhay ko, magulo na nga lalo pang gumulo!

Kinuha ko na ang Backpack bag ko at lumabas ng Kuwarto. Amoy na amoy ko na ang mabangong Almusal ko! Tocino yun sigurado ako diyan.
Malapit na ako sa hagdan ng marinig ko ang boses ni Dad. Ang aga ata niya? Bababa na sana ako ng may narinig uli akong nagsalita.

"Basta dapat matuloy ang Kasal ni James at ng Anak mo. Para na rin sa ikagaganda ng Business natin diba."  Aba ang kapal ng Face naman nila! Talagang pinagpipilitan nila ang Anak nila sa akin e tinaguan ko na nga yun kagabi sa EK!

Tumawa si Dad. "Oo naman Kumpadre. Matutuloy ang Kasal nilang dalawa. Basta ba bibigyan nyo ako agad nang Apo!"

"Opo Tito. Bibigyan agad namin kayo ng Apo---"

"Anong bibigyan ha!?"  Sabat ko. Sabay sabay silang napalingon lahat sa akin.

"Monica."  Tumayo si Mommy at lumapit sa akin.  "Anak. Para sayo din naman tong ginagawa ng Dad mo---"

"No! Walang mangyayaring Kasal kasi hinding hindi ako magpapakasal! Mahirap po bang intindihin yon Mommy?"

Umiling si Mommy.   "H-hindi Anak p-pero si Dad mo gusto lang naman niya ang Best para sayo-----"

"No! Kelan tayo iniisip ni Dad? Sa pag kakatanda ko po kasi tayong dalawa po ang kabiguan ni Dad."  Malakas kong turan, binigyang doin ko pa ang salitang 'kabiguan'  para ipamukha sa maging kong Tatay kung ano ang sinadyang niya!

"Monica?"   Halos pabulong na sambit ni Mommy.

"Hindi po ba Tama ako Dad." Bumaling ako dito.   "Kahit kelan hindi ko po naramdaman na importante kami ni Mommy sayo. Tapos ngayon magdidesisyon kayo tungkol sa Buhay ko? Bakit ganyan kayo Dad? Ni hindi nyo man lang hininge ang opinyon ko kung gusto kong magpakasal sa James na yan!"

"Tumahimik ka Monica. Ako ang masusunod dahil ako pa rin ang Padre de Pamilya! At nasa pamamahay ko kayo ng Mommy mo kaya dapat lang na sundin niyo kung ano ang gusto ko!"  Bulyaw nito.

"Ayoko! Buhay ko po ito! Ayoko! Hindi ko gusto si James saka asan sila nung bagsak ang pinakamamahal nyong Kumpanya? Di po ba wala ni hindi nila kayo tinulungan Dad. Pinabayaan po nila tayo! Kung meron kayong dapat pasalamatan si Belphegor yon at hindi ang mga Ramirez dahil wala silang kuwentang kaibigan! Iniwanan nila kayo sa ere!---"

"Tumahimik ka!"  Putol ni Dad sa sermon ko kasabay non ang Isang malakas na sampal.

Napabaling ang mukha ko pakiramdam ko parang puputok ata ang kaliwa kong pisngi.

"Nicholas! Tama na!"  Pumagitna sa amin si Mommy.   "Masyado pang Bata si Monica para sa mga ganitong bagay baka pwedeng ipagpaliban na muna natin-----"

I am Belphegor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon