CAPITULUS NOVEM

68 6 0
                                    

CHAPTER 9

Monica's POV

Nagtaxi ako pauwe. Pinagbuksan naman ako ni Manong Guard.

"Naku. Miss Monica bakit ngayon lang kayo umuwi. Galit na galit si Sir.". babala sa akin ni Manong.

"Umalis po ba si Dad?"

Tumango ito. "Oo."

Nakahinga ako ng maluwag sa sagot ni Manong kahit pano medyo takot pa din ako kapag nagagalit si Dad. Nananakit kasi siya kaya naaawa ako kay Mommy sa tuwing nag-aaway sila dati. Nagkataon lang na sobrang bait lang ni Mommy o baka totoong love is blind kaya kahit sinasaktan na siya okay lang at mas inuunawa pa niya si Dad.

"Sige ho Manong. Salamat po." Tahimik akong naglakad papunta sa front door saka ko ito sinusian.

Tinanggal ko ang suot kong sapatos saka ko kinuha ang Cloth slipper ko at isinuot iyon. Wow ang sarap sa pakiramdam... it's nice to be home talaga, nilagay sa Shoe rack ang hinubad kong Sapatos.

Nakapatay lahat nang ilaw kaya madilim. Tulog na sina Manang at ganon din si Mommy. Busog pa ako kaya dumeretso na ako sa Kuwarto ko. Napagod ako sa pamamasyal ko ng mag-isa... pero masaya naman solo ko lang at walang asungot!

Pinihit ko ang saradura ng pinto ng Kuwarto ko. Bumungad sa akin ang napakalambot kong kama.

"Wow! I miss you my Baby!" Saka ako pabagsak na humiga dito. Ang sarap nang matulog...

NIYAKAP ko ang malambot kong unan saka ko ito inamoy amoy. Teka. Bakit parang sobra naman ata ang bango nitong isang to?

Idinilat ko ang mga mata ko. "Teka nga hindi ko naman ito unan ah!?"

"Pagmamay-ari ko kasi yan. Monica."

Nilingon ko ito agad. Bahagya pa akong napailing. "A-akala ko ba nagkasundo n-na tayo n-na hindi mo na papasukin pa ang panaginip ko."

Ang laking Demonyo talaga niya. Bumangon ako at umupo sa gilid ng malaking kama nito. Masmalaki pa ata ito sa King size Bed... sabagay sa laki ba naman niya.

"May ibibigay lang ako sayo na pag-aari ko." Inilahad nito ang kamay.

Nagpapalit palit ang tingin ko sa kamay nito at sa mukha nito. "T-teka anong balak mong gawin ha?"

"Ibigay mo sakin ang kaliwa mong kamay ." Malumanay nitong utos.

"B-bakit? Wag mong sabihing puputulin mo ang kamay ko! Ayoko! Kung anuman yang ibibigay mo sayo na lang yan!" Bulyaw ko.

Napahawak ako sa bibig ko. Naku dapat hindi ko siya ginagalit. Baka mamaya bigla niya akong sakalin!

Tumawa ito ng tumawa.

"Anong nakakatawaha!?" Tanong ko.

"Sinong may sabing sasakalin kita?"

"Hindi ba?" Tanong ko.

Lalo itong tumawa saka lumuhod. Teka lumuhod? Bakit? Anong meron? Kinuha nito ang kaliwa kong kamay.

"Fidem mean tibi confirmo meam Reginam." ( I pledge my loyalty to you my Queen. )

Bahagya kong binawi ang kamay ko ng may isinuot ito sa daliri ko. Kaso agad nitong naagapan ang pagbawi kong iyon.

Hindi ko maintindihan kung bakit niya ako binigyan nito at kung anong mga pinagsasasabi niya. Napigil ko ang hininga ko ng dahan dahan niyang dinala sa kanyang mga labi ang kaliwa kong kamay napasinghap ako ng lumapat ang magaspang niyang Labi sa balat ko.

I am Belphegor Where stories live. Discover now