CAPITULUS OCTO

70 5 0
                                    

CHAPTER 8

Monica's POV

Pangatlo na kami sa pila ng mga sasakay at excited na ako. May narinig akong bumuntong hininga. Agad akong napatingin kay James.

"Bakit?"  Takang tanong nito.

Sumubo muna ako ng hawak kong Popcorn.  "Wala--- akala ko kasi kausap mo ako e. Baka yung mga nasa likod lang natin yung narinig ko." Saka ako pekeng tumawa.

Nagulat pa ako ng bigla akong tawagin ng EK Staff. Natawa lang si James nung kamuntik ko nang mabitawan ang Popcorn sa gulat ko.

Natawa din si Kuya Staff.   "Ay sorry po kung nagulat ko kayo Ma'am. Kayo na po kasi ang sasakay."  Paliwanag nito.

"No problem po Kuya. May iniisip lang kasi ako kanina e."  Sagot ko.

Inalalayan ako ni James. Automatic nitong hinawakan ang kaliwang kamay ko para makasakay ako ng tama sa Ferri's Wheel. Hinayaan ko na lamang ito.

"Stultus Humana!". ( Stupid Human! ) Dinig kong sambit ni Belphegor sa isip ko.

Agad kong binawi ang kamay ko ng makapasok na kami sa loob ng Ferri's Wheel. Umupo ako sa kabilang hanay ng upuan hindi ako tumabi kay James. Sige lang ang kain ko ng Popcorn. Maya maya pa ay umandar na kami. Unti unti na kaming tumataas. Napatingin ako sa labas. Kitang kita ko ang mga ilaw ng mga Gusali at Bahay.

"Wow..."  Hindi ko mapigilan ang sarili ko na mamangha sa ganda ng tanawin.

"You are so Beautiful. Monica."

Nilingon ko ito.  "Salamat."

Tumango si James.  "We can be a good couple."

"Ha? Ano kasi---."  Teka bakit pa ako mag-aalangan tutal inumpisahan na niya o di i-o-open ko na din ang gusto kong mangyari.

"Kasi ano?"   Ulit nito.

Huminga ako ng malalim saka ko ipinikit ang mga mata ko ilang Segundo din akong nakapikit. I slowly open may eyes to meet his gaze. He was smiling.

"James. I'm sorry. I can't Marry you. And besides there's no reason for us to pursue this idea...right?"

Umiling ito.  "W-why not? Look you will going to have more benefits. We are much richer than your family. A-and many girls wants to be my girl but I choose you Monica!"

Napapikit ako ng magtaas ito ng boses. Aba at may ugali talaga! Akala ata niya madadaan niya ako sa pasigaw sigaw niya. Ano siya swerte!

"Know what James. I know my Dad likes you. But I am not my Dad okay. And watch your tone. No one shouts at me!"  Mahinang banta ko.

Humalukipkip ito. Alam kong nanggigigil siya. His jaw clench as he stares at me.

"You are not the one to decide. Monica. It's us because we are the Man of the house. And the girls like you should obey us and never give your comment as long as we never ask for it. Got it."  His brow furrowed.

Malapit na kaming bumaba kaya tumayo ako.  "Alam mo James magka-ugali kayo ni Dad kaya gustong gusto ka niya. And to think na ipapakasal niya ako sayo? E wala naman kayong naitulong sa Kumpanya namin ah. Kaya wag kang umasa na magpapakasal ako sayo. Alam mo kung bakit kasi hindi kita gusto! Masgugustuhin ko pang mag-sanggla ng kaluluwa ko sa Demonyo kesa makasama ka hanggang sa pagtanda ko!"

Napatayo na din ito.  "What did you say!?"

Saktong bumukas ang pinto ng sinasakyan namin. Inirapan ko ito saka akong nagmamadaling lumabas. Dinig na dinig kong tinatawag niya ako pero hindi ko siya nilingon at lalong hindi ako hihinto! Bakit makaka-uwi naman ako kahit hindi niya ako ihatid sa Bahay ko.

"Monica!"  Sabay hatak nito sa braso ko.  "Huminto ka kapag tinatawag kita! Tandaan mo yan!"

Aba! At ang kapal ng mukha nang isang to ah! Feeling Boyfriend! Teka nga.

"Hoy! Mister James Ramirez! Wala kang karapatan na hawakan ako ng walang permiso ko dahil unang una sa lahat hindi tayo Close! At lalong hindi kita Boyfriend!"  Sabay hatak ko sa braso ko.

"Gusto mo na bang sunugin ko na siya para sayo?" sabat ni Belphegor.

Naihilamos ko na lamang sa mukha ko ang dalawa kong kamay.

"Isa ka pa! Ginugulo mo din ang utak ko! Bahala ka sa Buhay mo!" Angil ko.

Nagtatakang natigilan na lamang si James sa sinabi ko. Tinitigan ko ito ng sama bago nag-uumpisang maglakad palayo. Talagang binilisan ko ang lakad ko saka ako nagtago sa isang Stall madaming tao kaya hindi niya ako mapapansin.

"Monica!"  Paulit-ulit nitong tawag sa pangalan ko.

Ano ka swerte! Hindi ako lalabas dito kahit pa magputukan pa yang litid mo kakasigaw.

Sinilip ko ito mula sa pinagtataguan kong Stall. Nakita kong papunta siya sa Exit gate. Ayan! Tama lumabas ka na at wag ka nang bumalik pa!

Sinundan ko pa ito para makasigurado ako na talagang lalabas siya ng EK. Halos mapatalon ako sa tuwa ng lumabas nga siya. Tumanaw tanaw pa muna ito sa paligid ng parking lot bago kinuha ang cellphone saka may tinawagan. Sigurado akong si Daddy ang kinontak niya. Kahit kelan talaga napaka sumbongero nitong James na ito. Pero ayos lang. Hindi naman kami in good terms ni Dad kaya masmatutuwa ako kung mangungunsumi siya para maramdaman man lang niya kasi binabalewala lang naman niya kami ni Mommy mas inuuna pa niya ang Negosyo niya at Kabit!

Tumango si James sa kausap nito sa Cellphone l, natawa ako akala mo naman nakikita siya ng kausap niya saka ito humakbang palapit sa Kotse nito at umalis.

Napatalon ako sa tuwa!

"Yes! Yes! Ang galing galing ko talaga!" wala akong pakialam kahit pinagtitinginan pa nila ako. Hello hindi ba pwedeng Masaya lang ako dahil andito ako sa EK.

Kinalma ko ang sarili ko saka ako nag-isip kung saan naman ako susunod na sasakay.

"Ah! Ayun! Magro-Roller coaster ako!"

Belphegor's POV

LIMANG MINUTO lang ang pwede kong itagal dito sa Mundo ng Mortal. Nagamit ko na ang Dalawang minuto kanina kaya Tatlong minuto na lang ang meron ako yon ang batas na kelangan namin sundin.

Gusto ko sana siyang lapitan kaso hindi pwede. Maglalaho ako pagkatapos ng Tatlong minuto. Masayang masaya siya sa pinaggagagawa niya. Napakabata pa ni Monica. Salamat at humiling siya... nagkaroon kami ng komunikasyon sa isa't isa.

May kinuha ako sa bulsa ng pantalon ko. Isa iyong singsing. Mamaya ibibigay ko sa kanya ang sing sing na ito.

Malapit na akong maglaho... Minasdan kong muli si Monica. Hindi siya nakakasawang tignan.

"Te amo Regina mea." ( I love you my Queen. )

Saka ako unti unti nalusaw na parang usok.

Monica's POV

NAPALINGON ako sa bandang taas ng mga bubungan para kasing may tumawag sa akin mula roon. Nangunot ang noo ko na may napansin akong usok. May nasusunog ba? Pero ang nakapagtataka ay bigla na lang itong naglaho.

Wow ang weird. O baka kinakabahan na ako dahil malapit na akong sumakay sa Roller coaster! Siguradong mage-enjoy ako ngayong gabi! Mamaya na ako uuwe kapag umalis na si Dad. Tiyak na dadakdakan ako nun.

Sa ayaw ko e hindi ko talaga gusto si James. Bahala na pag uwe. Basta enjoy the moment muna ako!

Masyado pa akong bata para problemahin ang pagpapakasal. Tatanda lang ako agad. Masaya sana kung kasama ko ngayon si Arianne. Ay baka tulog na din yong isang yon saka ang layo nitong EK. Talagang solo flight ako ngayon.

"Ma'am kayo na po Ang susunod na uupo... fasten your seatbelt po para iwas disgraya. Enjoy the ride po." Nakangiting paalala nito.

"Okay po. Thank you.". Umupo na ako sa kasunod na upuan at nagseatbelt.

Umandar na ang Roller coaster kaya wala na akong ginawa kundi ang tumili ng tumili. Ang saya ko! Kahit paano nakalimutan ko ang tunay na Mundo.















I am Belphegor Where stories live. Discover now