CAPITULUS DUO

88 4 0
                                    

CHAPTER 2

Monica's POV

Buti at sembreak na namin sa School. Simula kasi ng mapanaginipan ko yung may Sungay na yon hindi na ako gaanong nakakatulog ng tama para na akong laging binabangungot o nananaginip nang gising. Minamasahe masahe ko ang sintido ko para kahit paano ay mawala ang sakit.

May tatlong araw na din na sunod sunod ko siyang napapanaginipan. Tapos mas sumasakit pang lalo ulo ko dahil sige siya salita ng lenguwahe na hindi ko maintindihan tapos tatawa. Ano ba yong panaginip ko na yon! Siguro mas maganda kung isang Guwapong lalake ang nasa panaginip ko masmatutuwa pa ako! Kahit hindi na ako magising okay lang!

"Sed multo melior sum illis Quan latinas. Monica." ( I am much better than those guys. Monica. )

Natigilan ako. Yun yong boses ng nakakatakot na nilalang na yon sa panaginip ko ah. Nilingon ko ang paligid ko pero walang tao. Pero sigurado akong may narinig ako.

Nagulat pa ako ng magsalita si Mommy. Talagang napatili ako!

"Monica?" Kunot noong pagtataka ni Mommy.

"Ah? Eh? Sorry po. Akala ko po kasi kung sino na." Umayos ako ng pagkaka-upo saka muling minasahe ang sintido ko. Binalingan si Mommy. "Parang bihis na bihis po ata kayo?"

Ngumiti si Mommy. "Yes. Anak kasi si Dad mo nagyaya sa akin na magbakasyon sa Resort."

Napataas ang isang kilay ko sa narinig. Magbabakasyon sa Resort pa e wala na nga kaming kapera Pera! Ano ba naman tong mga magulang ko lalo tuloy sumasakit ang ulo ko. Napasandal na lamang ako sa couch. Buti pa ang couch na 'to sinasalo ako.

"Nolite ergo solliciti esse ego capiam te, si ceciberit." ( Don't worry I will catch you if you fall. )

Napabangon ako bigla pati si Mommy nagulat sa ikinilos ko.

"Ayos ka lang ba Monica?" Umupo ito sa tabi ko saka isinuklay sa medyo kulot kong buhok ang isang kamay.

"M-Mommy may narinig ka bang nagsalita?" Kinakabahang tanong ko.

Umiling si Mommy. "Babalik din kami agad ng Dad mo. Saka Monica gusto ko lang sabihin sayo na bumalik na uli sa dati ang Sales ng Kumpanya. Kaya eto nagyaya si Dad mo na magbakasyon kami."

Marami pa sana akong gustong itanong kaso bumusina na ang sasakyan ni Dad.

"Okay Baby be good ha." Sabay halik nito sa noo ko.

"Mommy naman. Hindi na po ako Baby. Dalaga na po ako. Sige ingat na lang po kayo."

"Ayaw mo bang sumama sa amin?" Tanong nito.

Umiling ako. "Masgusto ko pong magpahinga na lang dito sa Bahay at matulog maghapon eh."

Natawa si Mommy saka niya ako tinapik ng bahagya sa pisnge.

"Okay. Bye. Inuman mo yan nang gamot at sigurado akong tanggal yang sakit ng ulo mo."

Ipinagpatuloy ko lang uli ang ginagawa kong pagmasahe sa ulo ko habang pinagmamasdan ang paglakad ni Mommy palabas ng Bahay.

Meron talaga akong narinig e. Talagang inaantok na naman ako. Humikab ako saka ako pumuwesto ng higa sa couch na kinauupuan ko.

Parang may humehele sa akin... ang lambot nang couch... ipinikit ko na ang mga mata ko.

***

Inunat ko ang mga paa ko parang gumulong nang bigla kong maalalang nasa couch nga pala ako!

I am Belphegor Where stories live. Discover now