CHAPTER 38

202 3 1
                                    

CHAPTER 38

PAREHAS KAMING napatigil dahil doon. Nakangiti ang ginang sa akin at saglit na napatingin sa bilugan kong tyan. Mahina itong napasinghap at napahawak pa sa kanyang bibig. Mas lalong lumawak ang ngiti sa kanyang labi.

"Buntis na pala ang misis mo, Hylo! Hindi ko rin alam na kasal kana," masayang wika ng ginang sa amin.

Alanganin lang akong ngumiti. Nakita kong nilingon ako ni Hylo. Ningitian niya lang ako at nilingon ang ginang.

"Dapat pala at sinabi mo sa akin na pupunta ka rito at ng makapaghanda kami ng kaonting salo salo para sa 'yo," wika nito at tinignan ako. "At para sa misis mo. Masasarap ang mga seafood dito hija paniguradong magugustuhan mo at pati ang baby niyo."

Hinawakan ko ang kamay ni Hylo at ningitian ang ginang.

"Salamat po," mahina kong wika.

"Oh siya. Tara na at ihatid ko kayo sa resthouse nitong si Hylo. Ano ba gusto niyo samahan ko pa ba kayo o hindi na?"

"Kami na lang po pupunta doon. Kunin ko nalang yung susi," tugon ni Hylo.

Tumango ang ginang. "Sige. Sumilong muna kayo roon at kukunin ko lang ang susi sa bahay."

Nauna ng umalis ang ginang at naglakad naman kaming dalawa ni Hylo sa silungan. Sa sobrang init dito ay bahagya akong nakaramdam ng pagkahilo. Nakaupo ako sa monoblock habang siya ay nasa gilid ko at hinahaplos ang aking buhok.

"I feel dizzy," I whispered.

Bumaba ang tingin niya sa akin na may Bahid na pag-aalala. Ningitian ko lang siya at hinalikan ang kanyang kamay na nakasiklop sa akin.

"Masyadong tirik ang araw ngayon kaya nahihilo ako," wika ko.

"Water? You want water?" he asked.

"Kapag nandoon na tayo. Malapit naman tayo, eh," tugon ko.

Hindi parin maalis sa kanyang mata ang pag-aalala.

"Are you sure?"

I nodded. "Hmm."

"Heto na ang susi, Hylo—anong nangyari sa kanya?" biglang tanong ng ginang ng makita ako.

"Nahihilo lang ho ako," tugon ko.

"Nako. Dumiretso na kayo roon sa resthouse mo, Hylo. Namumutla na ang misis mo. Sinabihan mo sana ako kung papunta na kayo rito para mabuksan ko ang aircon sa sala at sa kwarto niyo."

"Thank you. Didiretso na kami roon. Ayaw ko rin kasi na maabala kayo," tugon ni Hylo.

"Nakong bata ka talaga. Wala na sa akin kapag ikaw ang may kailangan sa dinarami rami mong tulong dito sa sa amin ang mga ganitong gawain ay maliit na bagay sa akin."

"Thank you," sabay naming wika.

Ngumiti lang sa akin ang ginang at may binigay na porselas. Isout ko raw 'yon dito habang nandito kami sa resthouse ni Hylo para hindi raw ako mabati at kung ano pa man.

Nagpasalamat ulit ako at pumunta na sa resthouse nito.

HINDI KO ALAM kung ilang oras akong nakatulog ng mahiga ako sa kama ni Hylo. Malambot at napakabango ng amoy no'n. Malinis at napaka organized ng mga gamit lalo na pagdating sa mga damitan nito. Ang mga damit ko naman ay nakalagay na rin sa closet nito, siya na ang nag-ayos imbis na hayaan na lang sa maleta.

"You're awake."

Napalingon ako sa pintuan ng marinig ang boses ni Hylo. Nakasandal ito sa gilid ng pintuan at nakakrus ang kanyang braso. Nakasando na ito at may hawak na sandok at naka apron pa.

Painful Regrets (Gorqyieds Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon