Simula

29 2 0
                                    

(Kindly play the song para dama niyo yung bawat linya. Salamat)

Hi Diary! Today is February 14... Valentines na naman.

Araw na naman ng mga puso. Mukhang kailangan ko yatang magtirik ng kandila ngayon... para sa patay kong puso... hehe biro lang.

Pero sa totoo lang, gusto ko sanang magcelebrate ngayon eh. Pero para saan pa? Ako lang rin naman mag-isa.

Gusto ko mang magsaya katulad ng mga normal na tao pero hindi ko magawa. Mahirap magsaya pag-alam  mong may sakit ka at malapit ka nang mamatay. Mahirap magsaya pag ang puso mo sirang-sira na. 

Tang*na! Yung mga lintik kong luha tumutulo na naman.

 Dear tears pwede bang tama na? Hindi ka pa ba napapagod? Kasi ako, pagod na pagod na. 

Pagod na akong mag-antay na babalik pa siya. Pagod na akong umasa na baka ako parin yung mahal niya. Pagod na ako! Pagod na pagod na ako. Siguro panahon na naman para tumigil ako diba?

Dear Diary, simula ngayong araw na 'to titigil na ako sa kahibangan ko. Aalisin ko na siya sa puso't isip ko. Magfofocus na lang siguro ako sa pagpapagamot ko. Simula sa araw na 'to babalik na ako sa dating ako, kahit alam kong mahirap dahil may sakit ako. Don't worry Diary, aalagaan ko na ang sarili ko. Pangako last na tong dramang 'to. 

Nagmamahal,

Nathalia

Napahagulgol ako  matapos kong mabasa ang sulat niya sa Diary niya.

Pinipilit kung huwag gumawa ng ingay dahil baka magising siya pero hindi ko magawa.

Tang*na! Ang tanga ko talaga. Ako ang may kasalanan ng paghihirap niya. Kung siguro hindi ko siya iniwan...kung siguro nanatili lang ako sa tabi niya.

Ang sakit mabasa ng bawat sulat niya sa Diary niya. Ang sakit kasi alam kong nasaktan ko siya. Ang sakit kasi ramdam ko sa sulat niya yung mga hinagpis niya nung mga panahon na iniwan ko siya. At alam mo kung ano ang pinakamasakit?

Yun yung malamang sumuko na siya.

Agad kong pinigilan ang pag-iyak ko nang makitang gumalaw siya sa higaan niya.

Hindi niya ako pwedeng makita. Hindi... masasaktan ko lang uli siya.

Pinunasan ko ang mga luha na patuloy pa rin sa pagdaloy mula sa aking mga mata at mabilis na dumiretso sa pintuan ng room niya dito sa ospital. 

Does FOREVER Exist? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon