c h a p t e r - o n e

616 12 2
                                    

before we start-- i would like to remind you that the name i used here in this story is for fiction and it is (you) your name is Marielle and nickname is 'yeng' or 'mayyeng' you'll find out who made that 'mayyeng' nickname for you. and also the 'tibo' one. there's no call sign for you and jeonghan like mahal, babe, love or so whatever. just a normal, and using names to call each other. pero may surprise ako tsaka na lang yon hehe.

anyway! medyo matagal ang sinabi ko so let's start na lang. Enjoy readers! :3

"wazzup my bebelabidabs!" sigaw ko sa busy kong boyfriend na nakatutok ang mga mata sa laptop. sinara ko ang pinto.

sumulyap siya sa akin at inirapan lang ako.

"awts gege, sakit mo naman sa bituka" hinila ko yung upuan na nasa harap ng lamesa niya at umupo at pinatong ang isang kamay sa ibabaw.

"gawa mo sirr?" tanong ko habang sinisilip ang laptop niya pero inusog niya ito palapit sa kaniya para hindi ko makita.

"damot mo ha" bumalik ulit ako sa pagkakaupo ng tuwid at tumitig lang sa bintana niya.

"sirr dinner tayo mamaya. pinalayas ako sa bahay. sabi ni ate wag daw ako mag gagabihan dun" sinabi ko tsaka humarap sa kaniya at agad niya naman binalik ang atensyon niya sa laptop niya.

"nahuli na kita, titig pa more" tumawa ako

"ayoko, mag dinner ka mag isa mo" di siya pumayag

"awts gege ulit girlfriend mo serr" sinabi ko tsaka humawak sa dibdib.

"ano ba kasi yang ginagawa mo?" tanong ko tsaka tumayo para lapitan siya pero sinara niya agad ang laptop niya

"hoy nanonood ka ng bold ano?" tinapik ko yung balikat niya tsaka sinusubukang silipin yung screen ng laptop niya pero inaalis niya ang kamay ko.

"yeng just stop. bumalik ka na sa klase mo" pagalit niyang sinabi kaya bumalik ulit ako sa upuan ko.

"pasilip lang naman e" padabog akong umupo at pinatong ang legs ko sa hita ko.

"bored ako, recommend ka nga na pwede kong gawin" kinamot ko ang mga mata ko habang nakatingin sa kaniya.

"pumunta ka na sa klase niyo at baka pagalitan ka nanaman" utos niya

"sus hayaan mo sila, lagi din naman silang late" tumayo ako at nagsimulang sumayaw sa harap niya.

sinusubukan ko ring lumipad gaya ng mga ibon pero di ako nagtatagal ng tatlong segundo sa ere kaya sumayaw na lang ulit ako.

jeonghan slammed his hands above his table at tumayo para lapitan ako. "di ka ba titigil, may ginagawa ako sabi" hinawakan niya ang balikat ko at tinulak ako palabas ng opisina niya at sinaraduhan ako ng pinto.

badtrip yarn? wahahahahaha

binuksan ko ulit yung pinto at sumilip, huminto siya sa paglalakad at humarap sa akin ng magkasalubong ang kilay.

"yung bag ko serr nakalimutan ko" tinuro ko yung bag at pumasok ulit sa loob upang kunin ang naiwan kong bag

nag flying kiss lang ako sa kaniya since ayaw niya naman na hinahalikan ko siya kahit sa pisngi lang. di niya love language ang physical touch kaya di ko na lang iyon pinansin kahit masaket :((

"bye na nga" lumabas na ako ng opisina niya at bumalik na sa classroom namin. pagka-akyat ko sa third floor, nadatnan ko na nagkaklase na sila sa history.

buti na lang sa kabilang pintuan ako dumaan. yumuko ako, buti na lang at medyo mahaba pa ang palda ko.

"eunice!" sigaw ko pero pabulong. buti na lang din at sa pinakalikod din siya nakapwesto.

Professor's Secret RelationshipWhere stories live. Discover now