KSP (^A JL FANFIC^)

516 25 28
                                    

~KSP~



AUTHOR: WARNIIIING GUISE~! KIKILIGIN KAYO DITO! PERO BABALA DIN GUYS NA WALEY MGA NILALAMAN NITONG JOKES AT KNOCK KNOCK.PASINTABI NA LANG!! :D


"Alam ko namang crush mo si Daniel Padilla kaya may knock knock ako sayo!"-sambit ni Jai.


"Wow sige nga,ano yun?" -sagot naman ni Shar.


"Hanggang kuya mo lang kasi talaga yun noh. Wala kang hope dun." -napasimangot naman ang dalaga sa winika nito.Sadya naman kasi niyang alam yun at di siya umaasa sa idolo niya,masyado naman atang mataas ang pangarap na iyon.


"Tse ka! Mapapansin niya rin ako.Magkikita din kami.Hmp!!" -inis na sabi na lang nito.


"Sungit.Teka paano pala kung malaman mong Danilo ang totoong pangalan niya at hindi yung Daniel John Ford Padilla ang tunay?"-pang aasar pa nitong si Jairus.


Napastraight face na lang si Sharlene at binigyan ito ng *magjojoke ka pa ba* look.


"Amp.Eto na nga oh."

Naisip naman ng dalaga na dahil sa kasasama nito madalas sa kanya eh nahahawa na ito sa ugaling niya,nagiging suplado na din ito kung minsan.Ang sungit na din oh.


"Eh knock knock!"- Jai

"Who's there?"- Shar

"Teen King." -Jai

"Teen King who?" -Shar


"And Im teenking bout how,people fall in love in mysterious ways." -sabay tingin nito ng direkta sa mga mata ni Shar.


"Ewan ko sayo,ang korni."- hindi maiikaila na nakaramdam ang dalaga ng pagkailang sa parteng yun. Ngumiti na lang siya sa kabila ng kakaibang pakiramdam niya sa tiyan.


Author: Sus! wag mo na itago yan,if I know..alin man yan sa gutom o busog sa kilig.Hahah.


*beep beep* bigla siyang naalimpungatan sa tumunog niyang phone.May nagtext pala.Ang matalik niyang kaibigan na walang iba kundi si Jai.


"Good night Shar! Pray ka ah,smile ka palagi please.Sorry kung ang korni ko kanina pero wag ka mag-alala bukas meron ulit akong baong joke.Tulog ka na ha."- sa sandaling iyon,napangiti siya..sa mensahe ng binata.Ganoon lagi iyon sa gabi bago matulog,may natatanggap siyang msg mula sa kanya.

Minsan nga di na niya ito narereplyan.


Siguro kung hindi talaga ganun lamang iyon sa kanya sa pagkakakilala niya dito,pinag isipan na nitong may gusto ito sa kanya.


"Good morning,kung gising ka na kain ka na ng breakfast mo.Daanan kita dyan sa bahay ninyo,sabay tayo pumasok."-hindi niya alam kung ano ba dapat maramdaman niya o meron ba dapat.

KSP (JaiLene ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon