CHAPTER 37

238 3 0
                                    

CHAPTER 37

SIMPLENG DRESS na khaki brown ang napili ni Hylo ng makaligo ulit ako. Ang init kasi sa pakiramdam lalo na kapag buntis ka talaga. Nandito ako ngayon sa sala at kumakain lang habang pinagmamasdan si Hylo na ilabas ang mga gamit na dadalhin namin sa resthouse niya.

"Magtatagal ba tayo roon?" I asked.

Nagkibit balikat ito. "I think so," tugon niya at naglakad papunta sa akin. Hinalikan niya ang noo ko at hinaplos ang bilugan kong tyan. "Huwag muna nating isipin 'yon ang mahalaga ay makakapag pahinga ka roon. You and your baby needs a rest," malambing nitong wika.

Tipid ko siyang ningitian at nilapag ang plato sa center table. Umabot pa yata ng ilang minuto bago siya maupo sa tabi ko para magpahinga. Inakbayan niya ako at hinalikan ang aking pisngi.

"You look beautiful," he whispered.

Napaismid ako sa sinabi nito. "Weh? Ang pangit na kaya ng histura ko ngayon."

"Because you're stress," tugon niya.

Tipid ko lang siyang ningitian at sumandal sa kinauupuan.

"Gusto ko lang ng ganito," mahina kong wika. "Yung walang problemang iniisip. Pero imposible namang hindi ka magkakaroon ng problema sa buhay mo."

Napabugtong hininga siya at sumiksik sa akin. Umakbay siya at hinaplos haplos ang buhok ko.

"Sa ngayon pagdating natin sa resthouse ko tatanggalin natin 'yang stress mo. Kung saan mo gustong pumunta pupuntahan natin," tugon niya.

"Thank you..."

"You're always welcome."

"Paano pala 'yon. May trabaho ka," wika ko.

"Kaya ko naman 'yon as long as may wifi. Nakikita ko parin naman yung mga galaw ng empleyado ko sa shop kaya walang problema roon," ani Hylo.

"Sigurado ka ba?" tanong ko. "Baka matulungan kita."

Napatayo siya ng biglang may nag doorbell. Tumayo na rin ako at sinamahan siya. Nilingon niya ako at hinawakan ang aking kamay.

"You don't have to do that. Pahinga ang pinunta mo roon."

"Okay..."

Tahimik ko lang siyang pinagmasdan nang bumukas ang pintuan ay bumungad sa amin ang isang lalake. Naka uniform ito, mukhang dito nag tatrabaho.

"Sir, nakaready na po yung chopper sa taas kayo na lang po hinihintay," wika nito kay Hylo.

Hylo nodded. "Okay. Thank you."

Napatanga ako saglit ng marinig ang sinabi nito. Chopper? Hindi ako nakaimik sa narinig ko at nanatiling nakatayo sa gilid habang pinagmamasdan si Hylo na bitbitin ang gamit at ibigay sa lalake. Siya ang magdadala ng ibang gamit pataas, kung nasaan ang helicopter.

Nang kami nalang ang natira rito ay hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming lumabas sa penthouse niya. Nilock niya rin 'yon at may kung ano ano pang pinindot sa tablet nito.

"Let's go?" he asked.

Ngumiti lang ako at tumango sa kanya. Nauna siyang maglakad habang nakahawak parin ang kanyang kamay sa akin. Mahigpit ko 'yong hinawakan at natigilan siya sa paglalakad.

"What's wrong?" tanong kaagad nito ng lingunin niya ako. Lumapit siya sa akin. "May masakit ba sa 'yo?"

I shook my head. Naramdaman ko ang pangingilid ng aking luha at ngumiti sa kanya. Kita ko kaagad ang pagkakataranta sa kanyang mata dahil doon.

"Shh. Don't cry. . ." pag-aalo nito sa akin. He cupped my face and smiled at me. "What's wrong, hmm? Tell me," he said, softly.

"T-thank you," nanginginig ang labi ko habang sinasabi 'yan. "Thank you very much, Hylo," umiiyak kong wika.

Painful Regrets (Gorqyieds Series #2)Where stories live. Discover now