TDPG VALENTINE SPECIAL <3

2.2K 111 51
                                    

VALENTINE'S SPECIAL

*****

(Lharby's Point of View - FIRST TIME!)

"Misis Salazar," bulong ko sa tenga niya. Nakahiga kaming dalawa sa iisang kama habang nasa braso ko ang ulo niya. Pero hindi pa rin siya nagising sa bulong ko.

Hinalikan ko ng malambing ang tenga niya at agad naman siyang nakiliti. Malakas talaga ang kiliti niya sa tenga.

"Misis Salazar, bangon na." bulong ko ulit sa kanya saka iniyakap ko ang kaliwang kamay ko sa bewang niya.

"Misis Salazar ka diyan," natawa ako sa sinabi niya. Sinabi niya 'yon ng hindi nagmumulat.

"Bakit? Asawa na kita ah."

"Eeeh? Sa pagkakatanda ko kaka-propose mo lang kagabi."

"At sa pagkakatanda ko, um-oo ka." ipinaharap ko siya sa'kin para makita ko ng buong-buo ang mukha niya.

"Sus. Excited ka naman."

"Siyempre, gusto ko na magkaroon ng Little Lharby. *grin*"

Hinampas niya ko ng mahina sa braso, "Ang baliw mo." sabi niya ng nakanguso at agad ko siyang hinalikan ng mabilis sa labi.

"Hahaha! Iniisip ko lang ang future natin. At pangako ko sa'yo lahat ng 'yon matutupad." ngumiti lang siya ng malapad sakin at agad akong hinalikan sa labi. Nanatili lang kami sa ganoong posisyon, ang kamay niya nasa batok ko, at ang akin ay nasa bewang niya. Walang gustong bumitaw. Ayoko na ulit siyang mawala pa sa akin.

"Oo, promise ko din sa'yo sasamahan kita sa pagtupad nun. Sige na, mag-asikaso ka na, ma-late ka pa sa trabaho kasalanan ko pa." tinitigan ko lang siya sa mata, sobrang saya at kasama ko na ulit siya dito sa tabi ko.

"Mahal kita my baby boy."

"Mahal din kita my baby girl, my Denise." isang mabilis na halik ang ibinigay ko sa kanya at saka tumayo.

"Tama yan, maligo ka na. Baho mo na e." pang-aasar niya sa'kin. Ngumisi ako. May naiisip akong magandang pang-asar sa kanya.

Agad akong nagtanggal ng tshirt sa harap niya, "Dito na ko maliligo sa tapat mo. Baka umalis ka e."

"ANG BALIW MO SALAZAR! DUN KA NGA~" sabi nito habang nakatakip ng unan sa mukha.

"Haha! Oo na, diyan ka lang ah. Mahal kita." pumasok na ako sa loob habang natatawa.

"Mahal din kita!" narinig ko pang sigaw niya.

Ilang minuto lang ay lumabas na ako sa banyo pero laking gulat ko ng wala na siya.

"DENISE!" hinanap ko siya sa baba, pero wala ito. Sa paligid ng bahay pero hindi ito sumasagot. Kahit ang cellphone niya hindi ma-contact.

ASAN NA SIYA?

"DENISE! SABI KO DITO KA LANG DIBA?" pero walang sumasagot.

*****

Agad akong napatayo sa higaan ko. Namumuo ang bawat butil ng pawis ko sa noo. PANAGINIP. Napatakip na lamang ako ng palad sa mukha. Ang boses niya nadinig ko ulit, parang isang napakandang musika na masarap pakinggan. Ang mga ngiti niya na tanging siya lang ang may kakayahang mapasaya ako. Lahat ng iyon, PANAGINIP.

TDPG VALENTINE SPECIAL &lt;3Where stories live. Discover now