Part 1

2 1 0
                                    

"Anita, talagang bata to oh, abay magtigil ka nga sa kakatago at ako'y napapagod na."

Napahagikgik ang batang si Anita sa ilalim ng paborito nitong puno.

"Anita labas na riya. Gusto mo bang mapalo ng iyong ina?"

Dahil sa takot sa inay niya ay lumabas sa pinagtataguan ang bata, ngunit di pa man tuluyan nakakalayo sa puno ay nakita niya ang batang lalaking nakatalikod sa kanya.

"Ah bata, kanina ka pa ba riyan?" Nakadama ng pananabik ng makitang tila palingon sa kanya ang batang lalaki.

"Hoy! Mikay! Ano ka ba naman! Anong oras na." Halos magising ang buong kaluluwa niya sa lakas ng boses ng kaibigan/roomate niyang si Trisha.

"Ano ba Trish, ayun na e muntik na e, kakaunti nalang." Pagmamaktol niya ng naudlot ang pagtingin ng batang lalaki sa panaginip. Bumangon siya at kinusot ang mata, napansin nyang nakabusangot ang kaibigan kaya umayos sya ng upo. "Alam mo Trish feel ko matangos ilong nun medyo naaninag ko kasi, tapos yung pilik malalantik kahit bata pa." Pagkukwento niya kahit halata sa mukha ng kaibigan na di gusto ang topic

"Hanggang ngayon ba naman Mikay ayun pa din? Kelan ka ba titigilan ng panaginip mo na yan? Mag sasampung taon na." Tama naman ito halos gabi-gabi niyang napapanaginipan iyon. Pero paiba-iba, pero palaging di makita ang muka ng batang lalaki.

"Kumain ka na at baka malate pa tayo." Napatingin agad siya sa orasan. Alas siete sakto lang iyon, dahil ilng kanto lang ang layo ng pinapasukan naming kompanya.

"Yes ma'am." Bago mag almusal ay naligo muna siya at hinanda ang gamit pamasok. Mabilis lang sya kumain, dahil mala dragon magalit ang kasama niya. Pag tapos ay umalis agad sila at pumasok sa trabaho.


"Mikay, hindi mo pa rin ba ako sasagutin?" Nak ng, sa dinami dami ng tao ito pa makakasabay ko. Andito siya sa paborito nyang ice cream shop ng makita niyang papalapit si Benjo. Ang 1month niyang manliligaw, at 1month nang binabusted.

"Ano ka ba Benjo, ilang beses ko ba sasabihin sayo na ayoko sayo. Periodt. At wag moko ma-mikay-mikay di tayo close."

"Ikaw lang naman kasi gusto ko, maganda ka, sexy tapos matalino ng kaonti." Aba, bastos ata bunganga nito.

"Okay ka rin ano? Hindi ko alam sayo kung namumuri ka o nangmumura. Ikaw ayoko sayo kasi bukod sa batugan ka mabaho pa hininga mo, magtoothbrush ka nga." Pairap niya  bago umorder ng Ice cream

"Chocolate flavor please, yung may kisses at mallows" mabilis naman kumilos ang nasa loob at nakuha rin niya agad ang order .

"Ang sakit naman ng sinabi mo Mikay."
Akala ko wala na to dito. Tuloy niyang pagkausap sa sarili.

"Talagang masasaktan ka kapag nag Mikay ka ulit. Layas baka matunaw pa agad ice cream ko sa hininga mo." Umupo siya sa pang isahang lamesa para di makasingit ang kulugong iyon.
Nakita naman niyang paalis ito, pero may masamang tingin sa kanya.
Kulugo, hmm
Napansin niyang may lalaking nakatalikod sa tabi ng puno malapit sa ice cream shop. Nakatalikod ito, di na niya pinakatitigan dahil busy na sya sa pagkain ng ice cream. May date si Trisha kaya sya lang mag isa umuwi. Tinignan nya ang orasan ng makitang alas sais na ay umuwi na rin sya maaga naman ang uwian nila 4:30 ang tapos ng trabaho, kaya libre siya ng mahaba-habang oras sa gabi.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 29, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

AnitaWhere stories live. Discover now