Am I Too Late? (KathNiel)

1.3K 35 25
                                    

Hello wattpaders! :)

Serendipity_Shin is back! Na-miss ko kasi si Watty eh. Tsaka yung mga friends ko dito. :)

At dahil dyan.. May bago nanaman akong story. Hm.. Sana magustuhan niyo 'to. :)

- - - - - - - - - - - - - - -

~I've known you for so long you are a friend of mine..

But is this all we'd ever be?~

Four years. Four years na pala simula nung una kitang makita at makilala. Nagsimula tayo sa pagkakaibigan. Magtatapos din ba tayo don?

~I've loved you ever since you are a friend of mine..

But babe, is this all we ever could be?~

Simula palang, minahal na kita, kahit walang kapalit. Ikaw? Tinumbasan mo ba yung pagmamahal ko na yon?

~You tell me things I've never known..

I've shown you love you've never shown~

Lagi kang nagkukwento tungkol sa mga bagay bagay na alam mo. Pero yung pagmamahal ko sayo, alam mo ba? Nakikita mo ba? Napapansin mo ba? Nararamdaman mo ba?

~But then again, when you cry..

I'm always at your side~

Kapag umiiyak ka, Kapag nagiging broken-hearted ka, Laging ako

ang tinatakbuhan mo. Laging ako ang nasa tabi mo.

~You tell me 'bout the love you've had I listen very eagerly~

Kinukwento mo yung mga nangyayari sa relationship mo. Kapag masaya ka sa nagiging girlfriend mo, kapag may sweet na nangyari sa inyo, at kapag nag-aaway kayo. Nanghihingi ka rin ng advice sakin kung anong gagawin mo para mas lalong tumibay yung relationship niyo. Ako naman, Eto, parang di nasasaktan. Laging nandito para sayo at lagi kang pinapakinggan.

~But deep inside you'll never see

This feeling of emptiness, It makes me feel sad~

Pero ang hindi mo alam, Nasasaktan ako. Nasasaktan ako sa bawat salitang binibigkas mo kapag nagkukwento ka sakin tungkol sa mahal mo. Kung pano ka niya napapasaya. Kung pano niya nabubuo yung araw mo sa simpleng ngiti lang niya. Kung gano mo siya kamahal, na kapag iniwan ka niya, hindi mo alam ang gagawin mo.

~But then again I'm glad~

Pero wag kang mag-alala, Ok lang yun. Ayos lang ako. Kaya ko. Kahit gano pa kasakit, titiisin ko. Kahit gano pa kalalim yung sugat sa puso ko, Kakayanin ko. Mahal kasi kita eh. Tsaka.. KAIBIGAN mo ako.

-Kath

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

KATH's POV

"Ok! Face your partner! Stand straight! Mga lalaki, sa likod ang kamay!" sigaw ng instructor naming si kuya John.

Nandito kami ngayon sa hall. Nagpapractice ng sayaw para sa JS. Actually, sila lang pala. Kasi nakaupo at nanunuod lang ako dito sakanila kanina pa.

"Kath! Come here." nagulat ako sa biglang tawag sakin ni kuya John. Bakit kaya? Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at tsaka nagsimulang maglakad.

"Bakit po kuya John?" tanong ko nang makalapit na ako sakanya.

"May partner ka na ba?" diretsong tanong niya.

Am I Too Late? (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon